Isang oras din ang lumipas. Nakauwi na si Ilay at si Joseph naman ay nagising na at nsa kanila na siya. Inihatid siya ng kaibigang nakakita sa kanya kanina..
Naisip nya si Ilay kya bigla nyang naisipang tawagan ang nobya. Hinanap nya ang kanyang cellphone at nag dial sa numero ni Ilay..
Kasalukuyang nkaupo si Ilay sa kanyang kama at umiiyak pa rin hanggang ngaun. Hawak niya ang papel na katatapos lamang niyang pirmahan. Buo na ang loob niya na tumuloy dahil wala na nan siyang dapat asahan kay Joseph. Dahil sa nakita niya kanina lang... Anu pa kung malayo na siya. Baka hindi lang iyon ang gawin ng nobyo..
Nagring ang telepono niya at nakita niyang si Joseph ang tumatawag. Inayos niya muna ang sarili at huminga ng malalim saka sinagot ang telepono...
"Mahal,mag usap tayo. Pag usapan natin to please. Ayokong mawala ka. Ayokong umalis ka.. Ayoko..." nagsusumamong wika ni Joseph sa kasintahan..
"mag usap? Pra saan? Para ano pa ba? Para saktan akong muli? Tama na Joseph..."...wika ni Shillah...
Hindi mainitindihan ni Joseph ang sinasabi ni Shillah..
"Ano bang sinasabi mo? Anong sinaktan? Ano ba Ilay,hindi kita maintindihan".... Nagtatakang wika ni Joseph...
"hindi mo alam dahil wala kang pakealam sa nararamdan ko Joseph... Gusto mo ng totoo? Pwes sasabihin ko sayo ang totoo!....
walang tayo... At kahit kailan hindi ko inisip na naging tayo kaya mula ngaun hayaan mo na ko at bahala ka na rin sa buhay mo......!!!" galit na wika ni Shillah kay Joseph habang kausap nya ito sa telepono.. Iyon ang huli nilang pag uusap.. At si Shillah...
Naglaho ng parang bula...
.....
At yan ang huling pag uusap nilang dalawa hanggang sa mabalitaan na lamang niya na nakalipad na ito patungong America. Jindi na nito sinasagot ang mga emails niya at maging sa facebook ay naka blocked na rin siya sa dalaga..
Hindi na alam ni Joseph ang gagawin o iisipin. Mahal na mahal nya si Ilay pero sa ginawa nito ay unti unting naglalaho ang pagmamahal niya sa dalaga at napapalitang ng galit sa pyso niya.
Iniwan niya ito ng walang dahilan. Ng walang paalam. Ni hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang lahat. Kung bakit nkipag break sa kanya ang nobya niya... Kung bakit nangyari sa kanila ang lahat ng ito..
Hanggang sa nawalan na tlga sila ng contacts sa isat isa..
Nagbago si Joseph. Naging pala inom at maraming babae ang dumaan sa buhay niya. Walang nagtatagal. Lahat pampalipas oras lamang niya. At si Shillah..
Unti unti na niyang nkakalimutan..
Isa na siyang ultimate playboy ng bayan.. Npabilang pa nga siya sa isang magasin kung saan featured ang mga bachelor ingeneers of the year na nsa 30 plus na ang edad..
Oo naging maayos ang buhay niya ngunit pagdating sa usapang pag ibig.. Isa na ata siya sa mga taong tinatawag nilang "bitter"...
Sa isang bar sa Malate kung saan nakikipag sayawan,tawanan and doing flirty thing sa ibat ibang mga babae... Ito ang buhay nya at ito ang gusto nya....
Love knows no reason...
Kya pla iniwan nya na lang ako ng walang dahilan. Bakit ganun, kpg ba tlga nagmamahal nasasaktan? Masaya naman kmi noon eh, pero bakit nagkaganun? Nawala na lng siya ng walang mabigat na dahilan.. Oo masakit ,sobra sobra pa nga e... Pero this time Im sorry dahil hindi na ko papayag na maiwan, na masaktan.. At ang mga babae,pare pareho lang yan... Pero hindi lang kayo ang may karapatang manakit dahil ngaun ako naman at kayong mga babae..
Isa lamang kayong laruan....,.... (sabay halik sa isang babaeng kasayawan nya at ni hindi alam ang pangalan nito)....
"babe,let's go out"...wika ni Joseph sa babaeng kahalikan niya na hindi pa niya alam ang pangalan..
Pumayag naman agad ang babaeng halatang gustong gusto si Joseph..
Isang kindat ang ginawa ni Joseph sa kanyang mga kaibigan bago ito tuluyang lumabas ng bar kasama ang babaeng noon lamang niya nakilala..
Ganito na ang buhay niya at ito na ang gusto niya. No commitments.. No problem..
Maging ang mga babae naman ay payag sa ganoong set up basta kasama nila si Joseph...
...
How about Shillah...nsaan na siya ngaun at ano ng buhay ang tinatahak ng dalaga?...
...
Sa America na naisipang manirahan ni Ilay matapos niyang piliing lumayo at iwanan na si Joseph dahil sa sobra siyang nasaktan ng makita niya itong may kahalikang ibang babae.. Inisip niyang malamang na matagal na siyang niloloko ng binata at maaaring hindi lamang iyon ang nagagawa nito.. ..
Masaya naman ang takbo ng buhay nya doon at sa edad na tatlumput isang taon.., ni minsan ay hindi siya nkipag relasyon sa kahit na sino dahil hanggang ngaun ay mahal pa rin niya si Joseph..
Oo sobra nga e kso sinaktan siya nito at hindi nya makalimutan iyon.. Itinuon na lamang niya ang buhay sa trabaho at kaibigan pti sa sarili. Ibang iba na siya ngaun at kung titingnan mo ay animoy isang modelo dahil sa ganda ng postura nito at itsura. Lalo pa siyang pumuti at gumanda..
..
"saan na kaya siya? Naaalala pa kaya nya ako?,may sarili na kaya siyang pamilya?". Nasambit ni Ilay habang nakatitig siya sa litrato ni Joseph na nakita nya sa isang magazine. Ginupit nya ito saka itinago sa loob ng kanyang wallet...
Isang buwan mula ngaun ay uuwi na siya sa Pilipinas dahil doon na siya ma aassign.. Gusto rin niyang makasama ang kanyang ama at ina na mejo tumatanda na rin.. At dahil siya ang bunso ay siya ang mag aalaga sa mga magulang nya.. Madami ring negosyo ang pamilya nila sa Pilipinas at bka siya na ang mamahala nito kya pinag iisipan na rin niyang mg resign.. Natupad na naman nya ang kanyang pangarap at may isang bagay siyang na realized...
Hindi pla lahat ng pangarap mo kapag natupad ay magkakaroon ng kaganapan ang lahat dahil may mas mahalaga pa palang bagay sa mundo na minsan kahit hindi natin pinangarap ay maaari nating hanap hanapin at panghinayangan dahil sa hundi ito ang pinili natin.. Gaya ng pagmamahal...
Pagmamahal na isinantabi niya dahil sa galit..
Paano kya kung binigyan nya ng pagkakataong mkpgpaliwanag si Joseph? Ano kayang buhay ang meron sila ngaun?
Sampung taong pagkakawalay. Sampung taon ang nasayang..
Natupad ang pangarap nya pero ang pagmamahal na iningatan nya noon,biglang naglaho na parang bula..
Sino nga bang dapat sisihin? Sinong may sala? Sinong magpapakumbaba at sinong mas nagmamahal pa rin sa kanila?
May pagmamahal pa nga ba si Joseph pra kay Shillah?
Paano kung wala na..
Paano kung nakalimot na siyang talaga ...
.....
...
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!
