Chapter 11

19 1 0
                                    

"ahm,mauna na ko sa inyo ha. May gagawin na kasi ako". Wika ni Ilay sa mga ito...

Napatingin naman ang dalawa sa dalaga. Tumango lamang si Joseph saka itinuloy ang kwentuhan nila ni Carmen.. Ngumiti rin ang dalaga at nagpaalam kay Ilay.. Kumaway pa ito sa dalaga...

Naglakad ng papalayo si Ilay na pigil ang mga luha sa kanyang mata. Pagdating sa banyo ay doon na nya pinakawalan ang kanyang pag iyak..

"masakit pa rin tlga at hindi nawawala yung nararamdaman ko sa kanya."...wika ni Ilay sa sariling repleksiyon sa salamin...
Pinunasan nya ang kanyang mga luha saka inayos ang sarili niya at lumabas na ito sa banyo. Dumiretso siya sa kanilang opisina pra mgsimula na sa kanyang trabaho. Naabutan na niya roon ang iba pa nilabg ksama. Nilapitan siya agad ni Jake at inabot ang isang papel na naka fold....

"heto na Shillah, ito yung plano ng bahay na tatrabahuhin natin.. Isang subdivision siya pero mejo madali lamang dahil may uniformity yung style ng bahay nila kya ang problema na lamang natin ay yung final design. Kailangan rin nating makita yung field na pagtatayuan niya pra maibagay natin ung disenyo sa kapaligiran. Ibigay mo na rin ito kay Joseph pgdating nya kasi may dadaluhan akong meeting ngaung 9am kya kailangan ko ng umalis.."sabay labas nito papalayo at hindi n nkpgreact pa itong si Ilay. Binuksan na lamang nya yung papel at naroon nakasulat yung address kung saan nkaplanong itayo ang isang subdivision. Naroon rin ang litrato ng kabuuan ng pagtatayuan.. Mukhang malaking proyekto ito dahil nsa dalawampung ektarya ang laki ng subdivision na iyon. Mukhang magtatagal ang trabaho nilang iyon..

Isang proyekto nga lang ang pagsasamahan nila pero napakatagal naman nito bago matapos kya matatagalan rin ang pagsasamahan nila ni Joseph...

At mukhang hindi na nya kayang makita pa ito palagi. Mukhang maaapektuhan nito ang kanilang trabaho kapag nagkataon..

Dumating si Joseph at dumiretso ito sa kanyang table samantalang si Shillah naman ay naroroon sa table nya. Tumayo siya at iniabot ang papel kay Joseph..

"Eto yung location ng una nating project. Malaki siya kya matgal tagal pa rin ito bago matapos.."..pagkaabot ni Ilay nito ay dumiretso na siyang muli sa kanyang table..

Wala pa ang iba nilabg kasamahan at mukhang may mga sari sarili pa ring dinaluhang pagpupulong kya silang dalawa lang ang naroroon sa loob..

Napatingin si Joseph sa dalaga na nakatutok ang mukha sa screen ng kanyang laptop.. Nagtagal ang pagkakatitig na iyon ni Joseph at doon nya lamang napagmasdang muli ang mukha ng dalaga..

Sa sampung taong iyon ay prang walang masyadong nabago sa dalaga maliban sa buhok nito.. Hindi niya maalis ang mga titig at pra bang napako ang kanyang mga mata hanggang sa maalala na naman niya ang masasakit na sinabi ng dalaga sa kanya noon kya napa alis siya ng pgkakatingin kay Ilay.. Sakto namang nag ring ang telepono ng dalaga...

Sinagot ito ni Shillah..."Jay, not now,marami akong ginagawa at kakasimula lng ng trabaho ko,kya please hindi akong pwedeng lumabas pra magkita lamang tayo..."...wika ni Shillah...

"wala ka namang ginagawa eh,pra nakaupo ka lang naman Shillah,.." wika ni Jay...

Nagulat si Shillah dahil alam ni Jay kung anong ginagawa niya kya napalingon siya sa paligid..

Nakikinig lang sa kanya si Joseph na prang hinuhulaan kung sino ang kausap ng dalaga at kung anong pinag uusapan ng mga ito...

Napatayo sa silya si Shillah ng makita ang papalapit na si Jay sa kanya.. Nagtataka ito kung paanong nakapasok ito sa kumpanya gayung pang pribado ito at tanging mga empleyado lamang doon ang pwedeng makapasok...

"Jay?????!" gulat na wika ni Shillah...

"yap!!'" wika ni Jay sabay ibinaba ang teleponong nasa tenga nya...

Napahawak naman sa bibig niya itong si Joseph at pasimpleng nakikinig sa usapan ng dalawa...

"paano kang napunta rito?db kahapon lang ay nsa Amerika ka sabi mo? Bkit nandito ka na ? At paano ka nakapasok sa kumpanyang ito?"....

Napangiti lamang si Jay saka umupo ng bahagya sa ibabaw ng kanyang table..

"one thing... Because I miss you,at hindi ko na kayang hintayin yung hapon para makita ka kya pumasok na ko dito sa loob ng kumpanya...

Napakunot ang noo ni Shillah sa sinabi ni Jay..

"niloloko mo ba ko? Paano kang nakapasok dito ay private company ito??..." muling tanong ni Shillah...

Kinindatan lamang siya ni Jay saka lumabas na ito sa opisina nina Shillah..

Napatingin naman si Shillah kay Joseph at nahuli niya itong nakatingin sa kanya ngunit kaagad namang tumingin sa laptop niya pra di nahalatang nakikinig siya...

Naghihintay si Shillah na tanungin siya ng binata ngunit hindi man lamang ito nagtanong kahit konti. Wala man lang siyang makitang reaksiyon sa mukha ng binata...

Hanggang sa pag upo niya ay pala isipan pa rin sa kanya kung paanong nakapasok si Jay sa kumpanya...

..

Natapos na naman ang maghapon na wala silang imikang dalawa. Buong akala ng dalaga ay magiging maganda nag maghapon nila dahil kinausap na siya nito nung umaga kaso my dumating na epal kya hindi natuloy ang pag uusap nilA...

Dahil sa maaga pa naman ay naisipan niyang mg bar. Tumawag ang kaibigan nyang si Deth at nag aya ito. Tutal ay wala naman siyang gagawin at hindi rin nmn masama dahil mejo namimiss na rin nya ang mgpunta sa bar.. Doon kc ang tambayan nila ng mga kaibigan nya noong nsa Amerika pa siya. Doon siya natutong uminom at mkipg socialize...

Pagdating nya doon ay marami na ang mga tao.. Naroroon na si Deth at mabilis naman nya itong nakita dahil nsa bukana lamang ito. May kasama itong isang lalaki na mukhang boyfriend nya.. Tinawag siya nito at pinaupo sa table kung saan sila nakaupong mg dyowa..

"hoy Deth,kya mo ba ko pinapunta dito ay pra maging tga score nyong dalawa""....biro ni Ilay sa kaibigan..

"grabe siya oh,,hindi naman ito tlga oh,,,gusto lang kitang mg enjoy nmn at hindi puro trabaho ka nalang jn.. Enjoy life,tingnan mo ang daming boys at pinagtitingan ka nila oh..." sabay turo ni Deth sa mga ito...

Napapailing lamang si Shillah...

Nagsimula na silang mag inuman at mejo napaparami na kya nagoging madaldal na rin itong si Shillah...

"ikaw kasi masyado kang tiwala jan sa boyfriend mo Deth,pgtalikod nyan for sure my iba na yang kahalikan jn.."...sabay tungga mulo ng alak ni Shillah..

"hay naku Shillah wag masyadong mgkaka kain ng ampalaya,nahahawa ka na sa pagka bitter noon .. Magsayaw na lang tayo... Go!" sabay hatak nito kay Shillah sa gitna ng dance floor..

Doon nga ay sumayaw sila na parang wala ng bukas. Kung kani kaninong lalaki siya nkipagsayaw. Halatang lasing na ito.

Halos ipulupot na ng lalaki ang katawan nito kay Shillah at hindi naman tumutol ang dalaga. Maya maya pa ay bumulagta na ito sa sahig dahil sa isang malakas na suntok at isang kamay ang humila sa braso ni Shillah at kinaladkad siya palabas ng bar....
....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon