Chapter 25

16 0 0
                                    

Tumuloy si Joseph sa lakad nila nina Carmen at doon ay nagpakalasing. Hindi na rin kasi sinasagot ni Shillah ang mga tawag nya dito. Hindi nya alam kung anong dapat isipin sa mga oras na iyon. Ayaw man nyang pag isipan ng masama ang nobya ay ganoon pa rin ang tumatakbo sa utak niya.. Pinagtataksilan siya ng kasintahan...

.

"pinagtataksilan niya ko Jay.. Bakit sa opisina pa nila iyon ginagawa? Wala silang modo..."... Sabay tungga ni Shillah sa alak na nasa harapan nya..

Nakatitig lamang si Jay sa kanya at naaawa siya sa lagay ng dalaga. Ayaw nyang makita itong umiiyak. Nakakaya nga nyang makita itong masaya kahit iba naman ang nagpapasaya sa dalaga.. Oo mahal na mahal nya si Shillah pero hindi pa rin mag sink in sa utak nya kung bakit napapayag siya sa plano ni Carmen. Sira ulo at hibang na itong si Carmen.. Pero pumayag pa rin siya.. Yung utak niya kasi sinasabing ituloy mo yan pra mapasayo na si Shillah, pero ang puso nya tumatanggi at sinasabing hindi ito tama dahil masasaktan lamang ang dalaga..

Lasing na noon si Shillah at mejo nagiging madaldal na rin siya..

Sa kabilang bar naman kung saan naroroon sina Joseph kasama sina Carmen at iba pang mga kaibigan nila..

Magkausap ngaun sina Carmen at Jay sa telepono..
Mejo malayo ang dalaga kina Joseph kya hindi halatang galit ito sa kausap nya.. Nsa banyo naman noon si Jay habang kausap si Carmen..

"Jay,yan na un pakakawalan mo p b?abot kamay mo na ang tagumpay ngaun ka p b susuko? Hindi mo ba napansin na umaayon sa gusto natin ang tadhana? Ituloy mo na ang plano natin.. Isipin mo na lang si Shillah.. Mpapasayo siya .. Huwag kang tanga Jay... !!!!" sabay baba ni Carmen sa telepono..

Napapaisip tuloy si Jay. Sa totoo lang ay gusto rin nmn nya na mkuha si Shillah pero hindi sa ganoong paraan.. Ngunit kailangan nya itong gawin pra na rin sa sarili niya..

"bahala na nga!" sabay labas nya sa banyo at bumalik sa table nilang mgkakaibigan...
Nilapitan nya si Shillah at inalalayan ito. Nagpakalasing ito ng todo dahil na rin siguro sa nakita nya kaninang eksena na sigurado ang binata na kagagawan iyon ni Carmen...

"Kya mo pa ba Shillah? Tra na ihahatid na kita..."...

Nagpaalam na siya sa mga kasama dahil halatang hindi na kaya ni Shillah.. Isinakay na nya ito sa sasakyan nya at saka sumakay na rin siya doon..

Tinitigan nya ang dalaga na nakatulog na dahil sa kalasingan nito..

Nagtatalo pa rin ang puso at isip nya kung itutuloy ang plano o iuuwi na lamang ang dalaga..

At sa huli ay nanalo ang isip nya.. Tuloy ang plano nila ni Carmen...

Dinala niya ito sa kanyang unit at kaagad na inihiga sa kama. Mas natitigan nyang mabuti ang ganda ng dalaga kaya mas naakit siya dito. Yung babaeng dating binalewala nya,ngaun ay gustong gusto na nyang muling makuha, mahalin siya nito at muli silang magkasama...

Isang buntong hininga ang pinakawalan nya saka nilapitan ang dalaga at iniayos ito ng pagkakahiga..

Hinaplos nya ang pisngi ng dalaga saka ginawaran ng halik sa noo,sa ilong at sa labi nito...

"hindi mo alam kung gaano ko kagustong mapasa akin kang muli Shillah.. Yung matawag kong akin ka, akin lang. Pero gusto kong makuha ka sa paraang gusto mo rin.. Yung hindi ako lang ang may gusto. Pero..... "....

Muling hinalikan nya ang labi ng dalaga saka tumayo at naghubad ng kanyang damit...

...

Kinabukasan... Hindi pa rin tumatawag si Shillah kaya naisipan ni Joseph na tawagan ito.. Ugali na nilang mg video call tuwing umaga kpg nagigising. Gumaganda kasi ang araw nila kpg mukha ng isat isa ang nakikita..

Mejo nahihilo pang bumangon si Joseph pra damputin ang kanyang cellphone.. Hinanap nya sa skype ang pangalan ng dalaga saka pinindot ang video call..

Narinig ni Jay ang tawag at agad itong bumangon pra kunin ang cellphone ng dalaga.. Nakita nya kung sino ang tumatawag. Tulog pa rin ang katabi nyang dalaga. Nakadapa ito at walang soot na damit..

Ipinatong ni Jay ang cellphone sa table sa may bandang paanan nila ni Shillah saka pinindot ang answer button.. Nsa banyo pa noon si Joseph kya hindi niya agad nakita..

Bumalik si Jay sa kama saka dumapa rin at hinawi ang buhok ng dalaga saka hinalikan ang batok nito. Kitang kita ni Joseph ang pangyayari. Napamura siya sa sobrang galit dahil ang kasintahan nya ay may kasamang ibang lalaki sa kama. Kita nya rin kung paano halikan ni Jay ang likod ng kasintahan...

Halos basagin ni Joseph ang haligi ng kanyang kwarto sa nakikita nya.. Sa sobrang galit nito ay pinatay na nya ang tawag kaya hindi nya nakita ng magising at dalaga na gulat na gulat sa pangyayari..

Napabalikwas ito pagkakadapa niya at nagtakip ng kumot saka sinampal ng malakas si Jay..

"anong ginawa mo sakin, haup ka!!!!,,?."....galit na wikA ni Shillah..

Nakayuko lamang si Jay at hindi nagsasalita..

Nag iiyak na si Shillah sa mga oras na iyon kaya na alarma tuloy ang binata..

"Shillah, Im sorry,please let me explain..."...wika ni Jay..

"explain? Explain what? Anong magandang paliwanag ang masasabi mo matapos mong gawin sakin to ha??!!!"

Napatingin siya sa kanyang cellphone at muling nanlaki ang kanyang mga mata..

"oh shit,, what have you done??".... Sinugod na nya ang binata at punagsusuntok sa dibdib nito. Pinipigilan naman siya nito sa kanyang ginagawa...

Nagmadali siyang nagbihis at iniwanan si Jay sa kama. Hindi na nga nya alam na nsa taxi na pala siya ngaun sa sobrang pagmamadali nya.. Nanginginig ang buo nyang katawan sa galit at takot sa mga nangyari sa kanya..

Kung bakit ba wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Kahit ung pagpunta nila sa unit ni Jay ay wala sa alaala niya...

Ang gusto nya ngaun ay makita si Joseph. Mayakap ito at mahalikan. Yung maramdaman nya ang pagmamahal ng binata. Dahil doon lamang mawawala lahat ng takot na nadarama nya sa ngaun.. Kailangan nyang maipaliwanag sa binata ang lahat lahat.. At umaasang maiintindihan siya ng kasintahan.. Nangako sila sa isat isa na tanging sa kanila lamang sila makikinig at wala ng iba kya alam nyang pakikinggan siya nito...

.....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon