.
Sabay pa silang nagising ng umagang yun at sabay ring napatingin sa orasan...Alas sais na ng umaga at kailangang magmadali na ni Ilay dahil uuwi pa siya at magbibihis. Tyak na ang pagka late nya nito.. Kung bakit ba kasi nawala siya sa katinuan kagabi at nalimutang may trabaho siya kinabukasan..
Nagmamadaling nagbihis si Ilay at aalis na sana siya ng pigilan siya ni Joseph... Hinawakan siya nito sa braso kaya napabalik siya sa may kama at napaupo dito.. Kaagad namang yumakap sa bewang nya si Joseph na halatang antok na antok pa...
"Saan ka pupunta? Tara na maligo na tayo, may pasok pa tayo..."...pupungay pungay pa ang mga mata nito....
"wala akong dalang damit,paano ako maliligo? Uuwi na ko at ma le late na ko nito Joseph"
"huwag ka ng umuwi,dinala na knina ni kuya Juaquin ang damit mo kya maligo na tayo tara na..."...sabay bangon ni Joseph at hinila sa banyo ang dalaga..
"wait lang,, anong sabi mo? Si Kuya nagpunta dito? Paano nya nalaman na nandito ako?"... Nagtataka niyang wika..
"sinabi ko, ok lang naman sa kanya. Sabi nga niya buti na lang dw at dito ka nagpunta. Mas panatag daw ang loob nya.."... Sabay kindat nya sa dalaga at hinila muli ito papasok sa banyo...
Parang bata namang sumunod na lamang itong si Ilay..
Sabay na nga silang naligo at ng makatapos ay sabay ng pumasok.. Inihatid muna ni Joseph ang dalaga saka siya nagpunta sa trabaho nya.. Kung bakit ba naman kasi nagkahiwalay pa sila ng building, mas ok sana kung magkasama na lamang sila. Pero walang magagawa kasi kailangan din siya doon sa trabaho...
Parehong nsa mood ang dalawa sa trabaho.. Si Joseph na pakanta kanta pa habang nag pupunas ng kanyang table at nag aayos ng kanyang mga gamit.. Napansin iyon ni Carmen kya naman nakasimangot ito sa binata.. Buong akala nya ay mag aaway ang dalawa dahil sa nakitang eksena sa knila ni Joseph kagabi..
"matindi ka ring Shillah ka ha,,hindi ka man lang nagalit.. Mukhang malaki ang tiwala mo tlga kay Joseph..,,"...saglit na nag isip itong si Carmen ng gagawin pra masira ang dalawa...
"kung di ko masira ang tiwala mo kay Joseph.. Hayaan mong sirain ko naman ang tiwala ni Joseph sayo..."... Pangitingiti pang wika ni Carmen..
Iba ang nagagawa ng pagmamahal.. Khit anong bait ng isang tao,kpag tinamaan ng matinding pagibig yan.. Maglalaho ang kabaitan at gaya na lamang ni Carmen na kayang gawin ang lahat makuha lang ang atensiyon ng binata. Maagaw lamang nya ito kay Shillah..
Nilapitan niya si Joseph at nakangiting binati ang binata..
"ganda ng gising ah , pakanta kanta pa,, anong meron?"...wika ni Carmen sa binata...
Saglit siyang huminto sa ginagawa at tinitigan si Carmen.
"wala naman,masama bang maging masaya?" sabay ngiti nya at itinuloy ang kanyang ginagawa..
"thank u nga pala Carmen sa paghahatid.. Di ko tlga alam bakit bigla na lamang akong nahilo, konti lang naman ang nainom ko.. Marahil dahil sa pagod"...wika niya.."wala yun,pra sayo Joseph gagawin ko ang lahat... " ngumiti pa ito saka bumalik na sa kanyang pwesto...
Ng mejo makalayo na siya ay bumalik ang simangot sa mukha nya at padabog na naupo sa kanyang silya... Nag iisip ng paraan kung paano sisirain si Ilay sa binata.. Sa nakikita nya kasi ay buo rin ang tiwala ng binata sa dalaga kaya mukhang mahihirapan siya...
Sa kabilang building naman ay masaya rin si Ilay na nakikipagtawanan sa mga kasamahan nya. Taka nga amg mga ito dahil madalas na hindi sila kinakausap ng dalaga at focus lang ito sa trabaho pero ngaun ay nakikipagbiruan pa sa kanila...
Biglang dating naman ni Jay na may dalang isang pulang rosas. Dumiretso siya sa table ni Ilay at ipinatong doon ang rosas saka tinungo ang table nya. Napatingin nmn lahat kay Jay dahil sa ginawa nya.. Maging si Ilay ay napatingin dito. Hindi kasi nagsasalita itong si Jay at nag focus na agad sa kabubukas pa lamang nyang laptop..
Nilapitan siya ni Ilay saka kinausap..
"Jay,,bakit ang tahimik mo? May problema ba,"...wika ni Ilay..
Tiningnan siya ni Jay saka ngumiti ng bahagya.."wala naman Ilay,gusto ko lang alamin kung saan lang ako dapat lumugar"...sabay tingin nya ulit sa ginagawa...
Napangiti naman si Ilay at bumalik na sa kanyang table . Ibang iba na itong si Jay. Napaka pormal na nya at nag iisip na sa mga bagay bagay sa paligid. alam na rin niya ang tama at mali.. Malaki tlga ang pinagbago nito at hindi gaya dating napaka iresponsableng nilalang...Isinantabi muna nila ang personal na bagay at nag focus na lang sa trabaho..
..
Umabot ng isang linggo at wala namang nakitang problema sa bawat isa kya ang lubos ang kasiyahan ng magkasintahang sina Shillah at Joseph...
Palihim naman na nag iimbistiga itong si Carmen.. At dahil marami siyang koneksiyon sa kabilang building ay madali nyang nalalaman ang galaw ni Ilay doon.. Hanggang sa may malaman siyang pwedeng gamiting alas pra sa dalaga...
"ex boyfriend and now a present co worker .. So nice naman, ang sweet noh"... Wika ng isang babaeng kausap ni Carmen... Napangiti si Carmen dahil sa nalaman.. Nalaman rin niya na mdalas nitong bigyan ng bulaklak ang dalaga...
Si Jay ang tinutukoy nila.. Nalaman na ni Carmen ang tungkol kay Jay at Shillah..ang nakaraan ng dalawa.. Ang kailangan na lamang nya ngaun ay ang makilala si Jay at mapalapit dito ng sa ganun ay maisakatuparan na niya ang binabalak.. Kailangan niyang makuha ang loob ng binata at mapapayag sa mga gusto nyang mangyari.. Nalaman din niya na malaki pa rin ang pagkagusto ng binata kay Shillah kaya hindi siya mahihirapang lasunin ang utak nito at para makipagsabwatan sa kanya.. Pabor naman pareho yun para sa kanila.. Siya pra kay Joseph at si Jay para kay Shillah.. Perfect match db?
"humanda ka ngaun Shillah,, and welcome to my world"...bulong ni Carmen habang nakatingin kina Joseph at Shillah na papasok ng kotse ng binata..
Uwian na noon at aabangan nya si Jay na lumabas ng building pra makilala na nya ito kaagad dahil hindi na siya makapghintay pa ng bukas. Ganoon nya kagusto mapaghiwalay ang dalawa.
...Magsisimula na ang masamang plano ni Carmen. Tuluyan na siyang nabulag ng pagmamahal nya kay Joseph..
At ang binabalak nya sa dalawa ay maisasakatuparan na nya sa tulong ni Jay...
.....
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!