Chapter 13

17 0 0
                                    

"Paanong my ganito siyang tattoo kung may asawa na siya?" napatitig siya sa natutulog na si Ilay.

Naguguluhan na siya sa nangyayari...

Biglang gumalaw ang katawan ni Ilay at tumagilid ito paharap sa kanya. Nakatitig lamang siya rito hanggang sa simulan na niyang punasan ang dalaga dahil bka lamigin pa ito..

Matapos noon ay kinumutan nya ito saka pumasok sa banyo pra itapon ang tubig sa bowl.. Naglinis na rin siya ng katawan pra makatulog na rin.. Sabado kinabukasan kya ayos lang na huwag magising ng maaga..

Nakatowel lamang siya ng lumabas sa banyo. Pinunasan nya ang sarili saka isinoot ang kanyang boxer short at nahiga na rin sa kabilang gilid ng kama. Antok na antok na rin kc siya at mejo nahihilo rin. Uminom rin kc siya pero hindi ganoon karami.

Pagkahiga pa lamang niya ay kaagad siyang nakatulog.. Nagising na lamang siya ng may mabigat na nakadantay sa kanyang kabiyak na hita at may nakayakap sa kanya..

Pagmulat niya ay napabangon pa siya ng bahagya. Nawala sa isipan niya na nandoon nga pala si Ilay at katabi niya...

Hinayaan nya lang na nakayakap sa kanya ang dalaga. Sa totoo lang ay gusto niya ang ganitong pakiramdam. Prang nawalang lahat ng problema nya sa mundo dahil sa yakap na ito ng dalaga. Pra siyang isang teenager na kinikilig. Yung pakiramdam na noon lamang siya nayakap ng isang babae...

"hmmmmmm".. Biglang umungol itong si Shillah..

Para itong isang musika sa pandinig ng binata.. Tumagilid siya paharap sa dalaga at iniunan ang braso nya sa ulo nito kya mas nagkalapit ang kanilang mukha.. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga...

Hindi niya makontrol ang sarili at gusto niya itong halikan. Napapabuntong hininga siya ng malakas at pra bang pagod na pagod ang pakiramdam..

"bahala na"....sabay halik niya sa labi ng dalaga...

Hanggang sa maramdaman nyang tumutugon na ito sa halik niya kya mas hinusayan pa ng binata ang paghalik...

Mahirap pigilin ang ganitong bagay lalo pat pareho sila ng nararamdaman. Yung pilit nilang itinatago sa sarili ang totoong nararamdaman ngunit lalabas rin ang totoo. At ito na nga ang nangyari.. Hindi na nila nakontrol ang kanilang sarili.. Wala rin namang nakitang pagtutol mula sa dalaga kya itinuloy ni Joseph ang ginagawa nya..

"Joseph,please be gentle!", wika ni Shillah na mejo nahihiya pa sa binata...

Tumango lamang si Joseph at prang hindi makuha ang gustong sabihin ng dalaga sa kanya...

Hanggang sa malaman na rin nya kung bakit ganito ang sinabi ni Shillah....

.....

Natutulog na si Ilay habang nakayakap siya kay Joseph at nakaunan sa braso ng binata.

Hinalikan siya ni Joseph sa noo na noon ay gising na gising pa rin at hindi makatulog dahil sa tumatakbo sa isipan niya..

May nangyari na sa kanila ni Ilay kanina lang at hindi siya makapaniwalang birhen pa ang dalaga..

"sino yung batang tumatawag sa kanya ng mommy? At sino yung lalaking sumundo sa kanya sa opisina at kasama pa ang isang bata? Sino naman si Jay sa buhay ng dalaga??... Ang daming tanong sa isipan ni Joseph na gusto niyang malaman lahat..

Pero sa ngaun ay masaya siya dahil sa kanya ipinagkatiwala ni Ilay ang bagay na pinaka iingatan nito. Mahal pa nga siyang tlga ng dalaga... At ayaw man niyang aminin ay mahal pa rin niya ito ng sobra..

Masyado lamang siyang kumapit sa paniniwala niyang
"kapag mahal ka,hindi ka iiwan"....

Muli niyang hinalikan ang noo ng dalaga saka yumakap dito at pumikit pra makatulog na rin...
.

.
.

Sabay pa silang nagising na dalawa at napalaki ang mga mata ni Shillah dahil nakayakap siya sa binata at....

At

Wala siyang soot na damit...

Napabalikwas siya at nagtalukbong ng kumot dahil sa kahihiyan. Napapangiti nmn si Joseph sa reaksiyon ng dalaga at iyon ang saktong nakita ni Ilay sa mukha nito...

Napasimangot si Shillah sa binata saka binato ito ng unan at nagtalukbong muli ng kumot..

"ngaun ka pa ba mahihiya ngaung nakita ko na ang ..."...wika ng binata...

"huwag mo ng ituloy pleassee lang Joseph..." wika ni Ilay na hiyang hiya pa rin sa nangyari sa kanila...

Bumangon si Joseph at tumayo saka tinitigan ang nakatalukbong na si Shillah. Nakapamewang pa ito at wala man lang soot na khit na ano...

Muling sumilip si Ilay at nakita niya ang binata kya napasigaw siya...

"bbaaaassstosss!!!!!! Magbihis ka nga,napaka manyak mo..."....

Tumawa ng malakas si Joseph saka nagwika.."ikaw kaya ang naghubad sakin kagabi tpos ako tong tatawagin mong bastos .. At yang mga mata mo oh,dito po ang mukha ko nsa itaas bkit dito ka nakatingin sa ibaba ko....?".. At sinabayan pa ng malakas ng tawa ng binata...

Asar na asar na itong si Ilay sa mga kalokohan ni Joseph kya bumaba na siya sa kama at pumunta sa banyo.. Nakabalot siya ng kumot at patakbong tinungo ang banyo..

Hindi mawala ang ngiti sa mga mata ni Joseph habang pinagmamasdan si Ilay. Pra silang bagong kasal at unang gabi nila iyon.. Yung pakiramdam na pra silang magkasintahan at walang mapait na nakaraan..

Sana ganun lang kadali kalimutan ang nakaraan. Na sana nakaraan na lang talaga iyon at huwag ng isali sa kasalukuyan.. Na sana maging maayos na ang lahat sa knilang dalawa.. Sana mawala na ang konting galit pang natitira sa puso niya at tuluyan na niyang mapatawad ang dalaga at makalimutan lahat ng sakit na naramdaman niya noon...
.
.
.
.

"tara na ihahatid na kita sa inyo,pra na rin malaman ko na rin kung saan ka nakatira.."...wika ni Joseph sabay bukas ng pinto ng kanyang kotse...

"bkit gusto mong malaman kung saan ako nakatira?"...

"simple lang,, pra madalaw kita paminsan minsan"... Wika ni Joseph sabay sarado ng pinto ng kotse at tinungo naman ang unahan nito saka sumakay doon..

Pinaandar na nya ang sasakyan saka tinungo ang daan na sinabi ni Shillah.. Hindi nagsasalita ang dalaga dahil hanggang ngaun ay nahihiya pa rin siya sa binata. Ni hindi na niya ito makayang titigan sa mukha..

Hindi naman siya ganoon kalasing kagabi at alam niya ang mga nangyayari pero hindi niya nagawang tumutol doon. Ginusto rin niya ang nangyari at gusto nya ngang maulit pa ito.... (landi lang teh???)

Napapangiti siya habang naiisip ang nangyari. Napansin iyon ni Joseph kya nagtanong ito..

"bkit ka nakangiti?"....

"ah,wala,wala nmn kasi makikita ko na ulit si Colleen..."...

Nakarating na sila sa bahay at mejo pamilyar kay Joseph ang lugar na iyon kya mabilis nya lang nalaman ang daan..

Sinalubong kaagad ng batang si Colleen ang mommy titA nyang si Shillah. Yumakap ito at saka humalik sa pisngi ng dalaga...

"sino siya mommy?"...sabay turo ng bata kay Joseph na nsa likuran ni Shillah..

Tumayo si Ilay at binuhat ang bata.

"baby,si Tito Joseph mo , joseph si Baby Colleen,,pamangkin ko pla"...

Napangiti si Joseph sa nalaman. Naroroon na rin pla si Juaquin na ama ng bata at kapatid ni Shillah..

"kuya"...wika ni Ilay sa papalapit na kapatid..

"u must be Joseph right?"wika ni Juaquin..

"yes,Im Joseph sir!"...kumamay siya kay Juaquin...

Nginitian siya ni Juaquin sabay kinindatan ang kapatid na si Ilay at kinuha ang anak niyang si Colleen..

Naiwan ang dalawa at nagkatinginan pa ang mga ito
...

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon