Chapter 2

25 2 0
                                    

....Paano ba nagsimula ang ligawan na nauwi sa sagutan ng matamis na oo??...

Ganito yan.. Makinig kayo.. Este magbasa pla kayo... Hihi...

...

Dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo nila Teph at Ilay ay nagkaroon sila ng ugnayan sa isat isa.. Naging magkaibigan at palaging mgkakulitan sa isat isa sa telepono... Nakakalimutan na rin ni Ilay ang lalaking nanakit sa kanya..

Halos umabot ng tatlong taon ang pagkakaibigan nila at kasama na rin ang panliligaw ng binata sa kanya.. WaLang sinasayang na oras si Teph pra suyuin ang dalaga.. Nakikita naman ni Ilay ang effort ng binata sa kanya kya nagkakapuwang na ito sa puso ng dalaga..

Halos araw araw ay hindi pumapalya sa pagbibigay ng bulaklak itong si Teph kay Ilay.. Kinikilig naman ang dalaga sa tuwing makikita nya ang bulaklak sa loob ng locker nya sa loob ng campus kung saan pareho silang nag aral sa kolehiyo sa pareho ring kurso bilang inhinyero.

Hanggang sa maka graduate sila at magsimulang maghanap ng trabaho. Palagi pa rin nmn silang nagkikitang dalawa..

..

Pero sino nga ba si Shillah Hermosa at Joseph Madrigal??....

...

Shillah Hermosa,bunso sa tatlong anak nina Don Fernando at Donya Paola. Nag iisang babae lamang si Ilay kya naman lahat ng gustuhin ng dalaga ay nasusunod. Malaya siya sa lahat ng bagay at lahat ng luho sa mundo ay nakukuha nya. Pag dating nmn sa pagdedesisyon ay hinahayaan lang rin siya ng kanyang mga magulang. Ganoon kalaki ang tiwala nila sa anak. Parehong doktor ang dalawa pa niyang kapatid na ngaun ay nsa America at doon na naninirahan kasama ng kni kanilang mga pamilya.. Pangarap rin niya ang makapuntang America at doon tuparin lahat ng kanyang pangarap..

...

Joseph Madrigal, nag iisang anak ng kanyang amang si Romeo. Namatay ang kanyang ina matapos siyang iluwal nito. Matapos lamang ang dalawang taon ay nag asawang muli ang kanyang ama at nagkaroon ng isa pang anak kaya ngaun ay nakikisama siya sa kanyang step mother at step sister. Mababait naman ang mga ito at tinuturing siyang isang tunay na anak kaya wala rin siyang nakitang mali sa muling pag aasawa ng kanyang ama.. Maging si Karla na step sister nya ay mabait at malambing sa kanya. Ito ang hingian nya ng payo pgdating sa mga gusto ng isang babae. Tinuturuan rin siya nito sa panliligaw... May isang bagay lamang ang hindi mawala kay Joseph at yun ay ang paniniwala nyang may asenso rin naman sa Pinas kaya hindi na kailangang mangibang bansa. Dito lang ay sapat na, kasama mo pa ang pamilya mo.. Ni hindi niya pinangarap na mag abroad dahil kaya rin namang umasenso kung masipag ka at marunong sa buhay...
...

At iyon ang pagkakaiba nilang dalawa ni Shillah...
Magkaibang pangarap at magkaibang pananaw sa buhay na magdadala sa kanila sa isang hiwalayan...
...

Balikan natin kung paano siya sinagot ni Shillah...

Dalawang taon na silang magkakilala ng dalaga ng simulan niya itong ligawan at matapos ang kolehiyo ay patuloy pa rin siya sa panunuyo at pakikipagkita sa dalaga. Malaki naman ang pag asang ibinigay sa kanya ni Ilay at hindi na rin ito tumanggap ng iba pang manliligaw maliban kay Joseph.....

December 20, 2006, nsa edad na silang bente dos pareho at may sari sarili na kaagad trabaho dito sa Pinas. Magkaparehong kumpanya sila ngunit magkaibang department kya hindi rin ngkikita madalas sa oras ng trabaho..

Simbang gabi noon at ito ang unang simbang gabi na mgkasama silang magsisimba. Malapit na nilang matapos dahil pang limang gabi na nila iyon..

Naglalakad sila palabas ng simbahan ng biglang huminto si Shillah kaya napahinto rin si Joseph..

"Ilay bakit? May nakalimutan ka ba sa loob ng simbahan? Tra balikan natin".. Sabay hila niya sa kamay ng dalaga ngunit hinila rin siya nito pabalik kaya napahinto si Joseph..

Naalala ni Shillah ang homiliya ng pari nung gabing iyon... Sabi kasi ng pari na huwag tayong matakot magmahal,ang katakutan natin ay ang mawala ang mahal natin ng hindi natin ito naipaglaban o nasabi man lang sa kanya na mahal din natin ito..Kaya ngaun ay handa na niyang ibigay kay Joseph ang matamis niyang oo...

......
"yes yes Joseph i love u too!, I really do love u..."... Sabay yakap ni Shillah sa binatang halos tatlong taon siyang niligawan at ngaun ay sinagot na nya..

Napanganga si Joseph at hindi siya nkpgsalita o nkpgreact man lang sa sinabi ng dalaga. Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman niya ng mga oras na iyon... At ng makarecover siya ay saka pa lamang nag sink in sa utak nya ang mga sinabi ni Shillah..

Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at hinalikan saka isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.. Napatalon pa siya dahil sa tuwa at binuhat nito ang dalaga at inikot ikot.. Napapatingin nmn sa kanila ang mga tao roon at napapangiti rin sa nakikita sa dalawa.. Walang pagsidlan ang katuwaan ng dalawa dahil ngaun ay ganap na silang magkasintahan.. Masasabi na niyang may sila at sa kanya lamang ang dalaga..

Ibinaba niya ang kasintahan at hinawakan ang magkabilabg pisngi nito saka dahan dahang hinalikan ito sa mga labi. Tumugon nmn si Shillah sa unang halik nilang dalawa.... Matapos noon ay niyakap siya ni Joseph ng sobrang higpit na animoy ayaw na siyang pakawalan pa nito...

"Ilay,hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya ngaun, hinding hindi kita sasaktan at hinding hindi kita paiiyakin promise. Mahal na mahal kita Ilay,, mahal na mahal..."...wika ni Joseph..

Napapangiti nmn si Ilay, ganoon pala ang pakiramdam ng mahalikan at mayakap ng mahigpit,. Parang kinukuryente ang buo niyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Joseph.. Mahal niya rin ang binata at sigurado siya sa kanyang nararamdaman dito...

"ilove u too Joseph..,sana makayanan natin lahat ng pagsubok na dadaring sa atin.." wika ni Shillah...

"pangako Ilay,mkakayanan natin ito basta huwag kang bibitiw sa mga kamay ko,sabay nating haharapin ang lahat ng ito..."....
.

Umuwi silang may mga ngiti sa kanilang mga labi... Matapos ang tatlong taong panliligaw niya sa dalaga ay nakamit na rin niya ang matamis na oo ng dalaga..
....

Sana happy na lang noh at wala ng ending... Kaso life is unpredictable ika nga, at hindi natin alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw...

Eh ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Masaya na db? Bkit may hiwalayan portion na naganap?...

....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon