Chapter 29

17 0 0
                                    

Biglang nagising si Joseph sa kalagitnaan ng pagkakahimbing nya. Napabangon siya at napaupo sa kanyang kama. Pra siyang pagod na pagod na di mawari..

Isa na namang panaginip. Paulit ulit. Palaging ganun..
Mula ng sabihin sa kanya ni Shillah na buntis ito ay palagi na lamang niyang napapanaginipan si Shillah na may buhat buhat na isang sanggol na lalaki. Masaya silang dalawa habang siya naman ay hindi makalapit sa mga ito. Gustong gusto niyang lapitan ang mag ina pero ayaw gumalaw ng kanyang mga paa. Isang lalaki ang lumapit sa mag ina at binuhat ang sanggol saka hinawakan ang kamay ni Shillah at lumayo na ang mga ito hanggang sa hindi na nya matanaw pa...

Gumalaw ang kama dahil nagising ang katabi niyang natutulog.

"hon,bakit gising ka pa... Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas .."... Wika ni Carmen sa binata..

Nahiga ng muli si Joseph at yumakap sa kanya ang dalaga saka muli na silang natulog.. Pero gising ang diwa ni Joseph at inaalala ang palagian nyang napapanaginipan halos apat na buwan na rin ito...

.

"Shillah, dahan dahan lang ksi. Db sbi ko naman sayo na mahina ang kapit ni baby. Dapat nagpapahinga ka na lang"... Wika ni Jay habang inaalalayang umupo ang dalaga.. Mag a anim na buwan na ang kanyang tyan at halatang halata na ang laki nito. Mukhang malaki ang baby boy nya na nsa tyan...

Mula ng huminto siya sa trabaho ay sa bahay na lamang siya namalagi. Tutal ay naroroon n nmn lahat ng kakailanganin nya.

Si Jay ang naging sandalan nya sa mga oras na hirap na hirap siya sa palagiang pagdudugo. Buong akala nya ay hindi na mabubuo ng tuluyan si baby pero sa tulong ni Jay ay naging madali pra sa kanya ang lahat. Ipinakita nmn ng binata ang sinseridad niya kya napatawad na rin siya ng dalaga.. Sobrang sakripisyo rin ang inabot ng binata, yung tipong nsa gitna siya ng pagkakahimbing ay napapatakbo siya kina Shillah dahil sa kailangan itong isugod sa hospital. Wala noon ang mga kapatid ng dalaga kya nung mga oras na iyon ay siya ang nag iintindi sa dalaga hanggang sa naging maayos na rin ang lagay ni Shillah...

Alam ng binata na ni katiting ay wala siyang karapatan kay Shillah at sa magiging anak nito pero dahil sa mahal nya ang dalaga ay ginagawa nya lahat ng sakripisyo na iyon ng walang hinihiling na anumang kapalit .

"sa husay ng nurse ko,hinding hindi tlga ako mapapahamak..., salamat Jay, salamat sa hindi pag iwan sakin.. Maraming salamat dahil kung wala ka,wala na rin itong pinakamamahal kong anak.. Siya na lamang ang meron sa akin..."... Sabay hawak nya sa kanyang tyan...

Napangiti si Jay at napahinga ng malalim. Nsabi na lang nya sa sarili na.."gagawin ko ang lahat pra sayo Shillah,dahil ganoon kita kamahal..."....

Sacrifice... Marami sa atin ang sinasabing tanga lang ang mag sakripisyo pagdating sa love. Yung alam mo namang walang kahahantungan ang lahat ay tuloy ka pa rin sa pagmamahal mo sa kanya. Sa pag gawa mo ng kabutihan sa taong mahal mo. Pero ano nga bang alam nila? Ng iba? Ni hindi nga nila nararanasan ang nararanasan mo db..

Inamin na rin niya sa dalaga na wala naman tlgang nangyari sa kanila.. At lahat ng iyon ay kagagawan lamang ni Carmen..

Hinayaan na lamang din ni Shillah di Joseph sa gusto nito dahil napagod na rin siyang humabol habol sa binata.. Dahil kung tlgang mahalaga siya at mahal siya ng binata ay babalik itong muli sa kanya.. Walang sapilitan at walang halong pag aalinlangan.. Pero hindi na nya sigurado kung sa pagbalik nito ay may natitira pa siyang pagmamahal sa binata dahil sa araw araw na pag aalaga ni Jay at sa walang sawa nitong pagtulong sa kanya at sa magiging baby nya ay natutunan na naman niya itong mahalin. Yung dating pagmamahal na inilaan nya sa binata ay muling nanunumbalik... Hindi siya sigurado sa narardaman pero ang alam lang nya ay nagiging mahalaga na rin sa buhay niya si Jay...

Nakatitig lamang siya sa binata habang abala sa paggugupit ng damo sa hardin nila.. Naroroon nmn sa kabilang dako ang mga kapatid nya at magulang at nagkukwentuhan.. Malapit na rin sa pamilya si Jay dahil nakitaan nila ito ng kabutihan... At kung may isang taong gusto nila pra sa dalaga ay wala ng iba kundi si Jay na iyon.. Pero hindi nila maaaring diktahan ang dalaga dahil hindi lingid sa kanilang kaalaman kung sino tlga anh tinitibok ng puso ng dalaga at walang iba kundi ang ama ng sanggol na dinadala nya...

..

Mabilis na lumipas ang panahon at dumating ang oras na pinakahihintay ng lahat..

Ang paglabas ni baby Topher. Nsa ospital silang lahat at nananabik na makita ang sanggol. Normal delivery ito dahil sa kaya naman ng katawan ni Shillah.. Apat na oras din siyang nag labor bago lumabas ang bata..

Kasabay ng pag iyak ng sanggol ay ang pagpatak ng luha ni Ilay. Luha ng galak dahil sa wakas ay mayayakap na niya ang kanyang pinakamamahal na anak.. Ang dahilan ng kanyang paglaban sa buhay, ng pagiging matatag...

Umiiyak siya dahil sa unang pagkakataon ay nasilayan n nya ang kanyang anak, nahawakan at nahagkan.. Parang nawala lahat ng sakit sa buo nyang katawan dala ng panganganak... Pati ang buong pamilya ay sabik na ring makita ang sanggol...

.

Sa bahay naman nina Joseph....

Abala si Joseph sa pag eehersisyo sa loob ng kanilang maliit na gym sa bahay.. Nilapitan siya ni Karla at mukhang may sasabihin ito sa kanya. Halatang nag aalinlangan ito at napansin iyon ni Joseph..

"Karla?bakit hibdi maipintA ang mukha mo?"... Kakatapos lang ni Joseph mag ehersisyo at kumuha ito ng towel sa my bandang gilid ng gym saka naupo at nagpunas ng katawan..

Lumapit si Karla at naupo sa tabi niya...
"kuya,may sasabihin ako sayo,pero sana huwag kang masyadong mabibigla..."...wika ng dalaga

Napahinto naman si Joseph sa ginagawa at tiningnan ang kapatid...

"ano un?" tipid na wika nya...

Muling tumitig sa kanya ang dalaga at huminga ng malalim..

"narinig ko yung usapan nina Carmen at nung lalaki na tinawag nyang Jay.. Kuya dinig na dinig ko ng sabihin nyang ang tanga raw ni Jay kasi nandoon na pero hindi pa niya tinuluyang may mangyari sa kanila ni Shillah.. Kuya, walang namagitan sa dalawa.. Oo aaminin ko na ayaw ko kay Shillah nung unang beses ko siyang mkita dahil si Carmen na kaibigan ko ang gusto ko pra sayo.. Pero kuya sa mga narinig ko,nagbago lahat.. Si Shillah wala siyang kasalanan, inosente siya kuya... At gaya mo,biktima rin siya ng kalokohan ni Carmen..."....

Nabitawan ni Joseph ang hawak niyang towel at parang nanlambot sa mga sinabi ng kapatid.

Pinag isipan nya ng masama si Shillah. Hindi siya nagtiwala sa dalaga.. At ang tingin nya ngaun sa sarili nya ay isang walang kwentang kasintahan...

Nangyari ang lahat dahil sa nagpadala siya sa galit kya nawala ang tiwala at ngaun ay hindi lang tiwala ang nawala kundi ang kanyang pinakamamahal na si Shillah...
...

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon