Isang buwan rin ang lumipas. Tuluyan na siyang nag resign sa trabaho at wala ng nagawa si Jay sa bagay na iyon. Sa bahay lamang siya at doon iginugol ang panahon sa pakikipaglaro kay Colleen na kanyang pamangkin. Mejo nalilibang naman siya dito dahil tlga namang napakabibo nito..
Nsa bakuran sila at nakaupo sa damuhan at naglalaro ni Colleen. Tumayo siya pra kumuha ng juice dahil himihingi ang bata sa kanya.
Pagtayo ni Shillah ay nakaramdam siya ng pagkahilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo. Nkita naman siya ni Colleen kya tinanong siya nito.
"mommy are you ok?"...
"yes baby ,mommy is ok,dont worry"...
Ngumiti sa kanya ang bata at saka muling itinuon ang tingin sa hawak nyang barbie doll..
Naglakad na papasok ng bahay si Shillah na hawak pa rin ang kanyang ulo...
Pagdating nya sa loob ng kusina ay hindi na nya napigilan ang pagsama ng sikmura nya kya napatakbo siya sa loob ng banyo at doon magduduwal..
Halos manghina na siya ng matapos siya sa pagduwal.. Hawak hawak nya ang kanyang dibdib dahil halos hindi na siya nakahinga dahil doon.. Napapikit na lamang siya at napatingin sa kalendaryo sa labas ng banyo..
Napahawak siya sa kanyang bibig dahil halos sampung araw na pala siyang delayed sa buwanang dalaw nya..
Kinabahan siyang bigla at napahinga ng malalim..
"hindi kaya"..... Dali dali siyang tumungo sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang pregnancy test kit na nsa loob ng drawer. Binili nya ito noong unang may mangyari sa kanila ni Joseph dahil inakala nyang buntis siya noon. Pero bigla naman siyang nagkaroon kya hindi na nya ito nagamit pa..
At ngaun ay mukhang kakailanganin nya ito. Dali dali siyang nagtungo muli sa banyo dala dala ang PT kit.. Nagdasal pa siya na sana ay mali ang kutob nya..
Ngunit pagtingin nya sa kit...
"two red lines"...
Bigla siyang nanlambot sa nakita. Hindi nya alam kung matutuwa ba siya sa nakita. Kso nalilito siya sa kung sino bang ama nito dahil sa ginawa ni Jay. Pero sa pakiramdam naman nya ay kay Joseph ito at hindi siya maaaring magkamali. Kso napakahirap ma detect dahil linggo lamang ang pagitan ng dalawa kya naguguluhan ngaun ang isipan nya..
Gusto nyang murahin ang utak nya sa hindi pag iisip ng tama.. Kinakabahan siya pero may isang side sa pagkatao nya ang natutuwA dahil noon pa niya pinapangarap na magkaroon ng anak.. Pero hindi sa ganitong sitwasyon at pagkakataon..
"bahala na"....
Tumayo siya at ibinilin sa yaya si Colleen. Kailangan nyang makapunta ng clinic pra mkpg pa check up at pra malaman nya ang lagay ng bata sa kanyang sinapupunan...
Pagdating nya pa lamang sa hospital ay sinalubong na siya kaagad ng ob gene nila. Iyon din ang OB ng hipag nya kya kilala na siya nito..
"Iha, nakikita mo ba ito? Yan ang baby mo.. 1month and 1week old na siya.. Mabuti na lang at nagpatingin ka agad pra ma monitor natin ang galaw ni baby.. Sa ngaun ay hindi pa natin siya mkikita pero sa mga susunod na buwan ay makikita mo na ang shape ni baby..."...
Napapaluha si Shillah habang pinagmamasdan ang bata. Sa sinabi ng OB nya ay nakasisiguro siyang si Joseph ang ama ng batang ito... Masaya siya at halos nawala lahat ng sakit sa kalooban nya. Natutuwa naman sa kanya ang doctor habang pinagmamasdan siya. Halos ganito lahat ng reaction ng mga new mommy's na nache check up nya. Iba naman kc tlga ang pakiramdam ng mgkaroon ng unang sanggol.. Nakaka kaba pero exciting siya...
.
Sakay ng taxi noon si Ilay at dumiretso siya sa unit ni Joseph. Authorized pa rin siyang makapasok doon at mabuti na lang na hindi pa siya inalisan ng karapatan ni Joseph.
Nakaupo siya sa sofa habang hinihintay ang binata. Maya mya pa nga ay dumating na ito at ng makita siya ay galit ang nakita nya sa mukha ng binata.. Tumayo siya sa pagkakaupo pra salubungin si Joseph..
Niluwagan ng binata ang kanyang soot na necktie saka hinila palabas ng pinto si Shillah..
"wait lang Joseph,makinig ka.."...
"wala ka ng karapatang pumasok sa bahay ko..."...at tinaboy siya palabas..
Isasara na sana ni Joseph ang pinto ng magsalita si Ilay...
"buntis ako Joseph at ikaw ang ama"...
Natigilan si Joseph. Nagdidiwang ang kanyang kalooban ngunit napapalitan ng muling pagkamuhi..
Hinila nya muli papasok si Ilay saka isinara ang pinto..
"buntis ka? At ako ang ama? Paano ka nakakasiguro ha?"....
Nasaktan si Ilay sa sinabi ni Joseph pero wala naman siyang magagawa. Malamang na ganito ang iisipin ng binata dahil maging siya man ay nagduda nung unang beses nyang malaman na buntis siya..
"hindi kita masisisi kung yan ang nsa isip mo. Pero maniwala ka, babae ako at alam ko kung sino ang ama ng batang ito.. Ikaw yun Joseph,khit dito man lang paniwalaan mo ko.. Please..!" ...pagmamaka awa nya sa binata..
Gusto nyang yakapin ang dalaga at magdiwang dahil sa narinig pero hindi maaari. Hindi iyon nararapat...
"umalis ka na Shillah, ngaun na! ,ayoko ng makarinig ng kahit na anong kasinungalingan buhat sayo!"
Umiiyak na lumabas ng unit ng binata si Shillah. Hindi naman mapakali si Joseph. Gusto nyang habulin ang dalaga pero hindi sumusunod ang kanyang mga paa. Yung pakiramdam na walang kakampi ang puso niya at lahat sa buong katawan nya ay against sa dalaga.. Wala naman siyang magawa dahil di hamak na mas malakas ang isipan kesa puso tpos kinampihan pa ng mga parte ng kanyang katawan...
Hindi mapatid ang luha sa mga mata ni Shillah habang hagpos hagpos ang maliit pa nyang tiyan.. Nakauwi na siya noon at nsa kanyang kwarto..
"baby kumapit kang mabuti ha. Mag isa lang si mommy. Nsa malayo kasing lugar si daddy pero sigurado akong babalik siya. Babalikan nya tayo kya sana tulungan mo si mommy ha. Huwag kang pasaway jan sa loob kc bka mahirapan si mommy. Promise anak,paglabas mo dalawa kami ni daddy mo na mag aalaga sayo. Isang buong pamilya tayo. Walang iwanan. Sama sama nating haharapin ang buhay ng masaya..."
Pinahid nya ang luha sa kanyang mata saka nahiga na pra matulog....
.....
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!
