Chapter 1- Ordinary day?

251 24 10
                                    

"Hi eli!!".

"Hi Ms beautiful! Can I have your number".

"Hi Ate Eli! Ganda mo po".

Isa lang ang mga yan sa palaging sumasalubong kay Eli tuwing umaga sa School.
Mandaming bumabati sa kanya sa Hallway, and believe it or not wala man lang isa sa kanila na kilala nya personally, feeling nya nga daig nya pa ang isang artista, pero kahit ganon pa man ay masaya din niyang binabati pabalik ang mga ito.
"Hello"

"Hi"

"Good morning din sayo"

Hindi niya gawain ang hindi mamansin, isa kasi syang napaka pala-kaibigan na tao, kahit na alam nya na marami sa mga ito ay ginagamit lang sya, para maka kopia o hindi kaya makalapit sa kanilang mga crush.
Hindi sya manhid, gusto nya lang talagang i-enjoy ang kanyang teen life.

Kringgg kringg...

At tuluyan ng nag si pasok ang mga estudyante sa kanya kanyang mga classroom.

"Ms. may lapis ka pa ba dyan?" Tanong ng binatang kauupo lang sa kanyang tabi.

Pero tila walang narinig si Eli, sapagkat masyado syang nadadala sa ni le-lecture ni Ms. Panganiban.

"Sungit naman nito, kung hindi ka lang maganda dyan, tss" Pabulong na saad ng binata.

"Excuse me, ako ba kausap mo?" Magalang na saad naman ng dalaga.

"Ay may dila naman pala...este may extra lapis ka ba dyan, nawawala yung akin eh?"

"Ah eto. Sorry ha hindi kita napansin. I'm Elisa Shayn Fernandez, aka Eli" sabay abot ng lapis dito.

"Ah..eh..ih..ah salamat dito haha" Nahihiya nitong saad, sapagkat mabait naman pala ang dalaga, akala nya may pagka maldita ito palibhasa maganda.

"Lendon Matthew Western nga pala" sabay abot nakipag kamay sa dalaga na tila nahihiya din.

May tila kakaibang kuryenteng nadama ang binatang si Lendon, hindi sya makapaniwala sa ganda at bait na taglay ng dalaga at sa napaka amo nitong aura.
Isa lang ang alam nya sa mga oras na iyon gusto niyang mapalapit dito.

~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon