Masayang naglalakad si Eli patungo sa pribadong hardin sa kanilang school, na kung tawagin niya ay "C&C" galing sa pangalan ng mga lumisan niyang mga magulang, Carlo at Caridad, isang taon ng lumipas, dahil sa isang aksidente.
Madalas dito tumambay si Eli sa tuwing break nila, dito kasi ramdam nya na hindi sya nag-iisa at yun na din ang pinaka tahimik at walang taong lugar sa school nila.
"Eli!! Wait" sigaw ng tumatakbong si Lendon.
Subalit parang walang naririnig ang dalaga sapagkat, masaya pa itong nakikinig at sumasabay sa kantang kanyang pinakikinggan, na sinasamahan pa nito ng kembot.
Tila nasisiyahan naman sa tanawin si Lendon."Ahahha" tuloy pa din ito sa pag tawa at ngayoy hawak hawak na ang tiyan na para bang sa isang sandali na lang ay mauubusan na ito ng hininga.
Ng nakarinig si Eli ng impit na boses malapit sa kanya, ay laking gulat nya ng nakitang si Lendon pala iyon.
Ngayon nya lang na realize na sya pala ang tinatawanan ng loko dahil nagcoconcert sya sa gitna ng hallway."Ehehem" pag tawag ng atensyon ng dalaga kay Lendon
"Hahahah ikaw pala yan hahha Eli haha" sagot nito, ng tumatawa pa din.
"It's Eli hindi Eli-haha" pagtatama nito sa pangalan nya, sa totoo lang naintindihan nya naman ang ibig nitong sabihin, pero sobra na kasi syang nahihiya dito kaya yan na lang ang lumabas sa bibig nya.
"Eto naman hindi na mabiro, smile ka na din, para naman hindi ako mukhang loko dito na natawang mag-isa" pabiro nitong sabi, pinag titinginan na din kasi sila ng mga nadaan.
"Heh!, ano ba kasing kelangan mo, sinasayang mo oras ko eh" medyo naiinis na sagot ni Eli.
"Ah eh.." Bigla naman naging seryoso ang lalaki at namula ng bahagya, tila nahihiya sa gusto nitong sabihin, pinanlakhan naman sya ng mata ni Eli kaya nabigyan sya ng lakas loob na ituloy ang gustong sabihin.
"Ayain sana kitang kumain sa caffeteria eh, pwede ba?"
"Haha yun lang ba, grabe to kala ko mag papaturo ka ng cr at pulang pula ka na dyan, kala ko kasi kabag na yang tiyan mo sa katatawa kanina eh haha"natutuwa naman sagot ni Eli na ngayon ay hawak na din ang tiyan sa katatawa, sobra kasi syang naaaliw sa mukha ni Lendon, para bang anytime matatae na ito.
Pero nung nakita nya na seryoso pala ang lalaki, tumigil na ito at muling bumaling dito."Ahehe ito naman hindi na mabiro, sure, pero may gusto akong ipakita sayo, dun na lang tayo kumain, i swear maganda dun". Todo ngiti nito at kinuha ang kamay ni Lendon para mapuntahan na ang C&C.
Sa pangalawang pagkakataon parang naramdaman na naman ni Lendon ang kakaibang kuryente, pero binalewala nya lang ito, sa tingin niya kasi ay dala lang ito ng simoy ng hangin, medyo makulimlim na din kasi.
"Tadaa!! Mapagkakatiwalaan naman kita diba?". Tanong ng dalaga ng silay makarating doon.
"Wow! Ang ganda naman dito. Oo naman promise wala akong pag sasabihan tungkol dito".
Natuwa naman ang dalaga sa narinig. "Oy kain na tayo, grabe gutom na ko".
At masayang pinagsaluhan ng dalawa ang baon na niluto ni Eli, at nakipag kwentuhan ng kung ano-ano.
Madami silang natuklasan sa isa't-isa, katulad na lang na pareho na pala silang nag-iisa sa mundo, parehong sumakabilang buhay na ang kanilang mga magulang.
Napagdesisyon na din si Eli na lumipat sa kaharap na condo ni Lendon na pag mamay-ari din nito, ng kanyang mga magulang to be exact, ng sa gayon ay makatipid naman sya.Nalaman din ni Eli na hindi pala pure pilipino si Lendon, ang ama nito ay americano, nanirahan din ito sa America noong sya'y bata pa.
At nung nag legal age nya lang nakuha ang pamana nito kaya naman noong una ay nakaranas din sya ng hirap.Hanggang sa natapos ang break ay tuloy tuloy pa din ang dalawa na nagkekwentuhan.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
Любовные романыBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...