Hindi alam nina Eli at Lendon na sa mga oras na iyon ay may mga matang sinusundan ang bawat kilos nila at kinukuhanan ng letrato ang bawat galaw nila.
Masyadong nadadala si Eli sa pagpapaliwanag sa binata kaya naman hindi na nito nararamdaman ang nangyayari sa paligid.
"El! Anong balak mo at nagpapasok ka ng katulong sa bahay? Ni hindi mo pa nga sya lubos na kilala, paano na lang kung may masamang balak pala yang babaeng yan ha! Sh*t". Medyo pasigaw na sabi ni Lendon.
Masama kasi ang kutob nya sa mga nalalaman."Ano ka ba Lendon! Tumigil ka nga! Alam ko kung anong tama at tsaka hinaan mo nga yang boses mo, baka marinig ka pa ng bata". Matigas ngunit mahina nitong sabi.
"Aiish ewan ko sayo, basta nasabihan na kita". Sabi ni Lendon, sabay labas sa silid.
Mabilis naman nagawa ni Sara ang kanyang trabaho, masyado kasing okupado ang dalawa kanina, kaya't imposibleng mahalata sya ng mga ito.
Kung tutuusin hindi naman talaga kailangan ni Eli ng kasambahay, malinis at maayos naman ang tirahan nito, nadala lang siguro ang dalaga sa awa sa mag-ina, laking pasasalamat na lang ni Sara at mabilis kumagat ang dalaga."Ah Eli, pinaghanda ko nga pala kayo ng breakfast, baka kasi hindi pa kayo kumakain". Paglapit naman ni Sara sa dalaga.
"Ah, salamat ha, sige susunod na ako". Nakangiti nitong sagot dito.
"Nawalan na ako ng gana, hindi masarap". Sabi ni Lendon sa gitna ng hapag kainan at tumayo na lamang ito para manood na lang ng tv sa salas.
Paano kasi, luto lang ni Eli ang gusto nyang kainin palagi, kaya nga malimit lang silang kumain sa labas na dalawa."Lendon!!". Sigaw ni Eli dito.
"Ah pasensya ka na Sara ha, wag mo na sanang pansinin yung si Lendon, ganyan talaga yan sa simula". Paghingi naman ng pasensya ni Eli sa babae na napatungo na lang sa inasta ni Lendon kanina.
"Ah wala yun, ano ka ba, naiintindihan ko".
Tumango na lang si Eli, tanda ng paghingi pa din ng pasensya sa nangyari.
"Oh baby, kain ka pa, say ah to Mami, ah". Sabi naman nito sa bata sa kandungan nya, mabilis naman iyon sinubo ng bata.
Natuwa na lang ang dalawa sa inaasal ng bata, malakas kasi itong kumain at ang bibo pa, kahit na medyo may takot pa din eto kay Lendon.
-
"Una na kami ha Eli, salamat"."Bye ma-mi, e you row". Bulol na sabi naman ng bata ng kumakaway dito.
"Bye baby! Play ulit tayo bukas ha". Sagot naman ni Eli dito.
Ayaw pa nga sanang umalis ng bata pero pinilit lamang ito ng nanay nya, may iba pa kasi itong trabaho at may kailangan pa itong puntahan.
"Lendon, we have to talk. Hindi ko gusto yung ginawa mo kanina ha, kahit para sa bata na lang, pakisamahan mo si Sara, mabait naman syang tao". Sabi nito kay Lendon pagka-alis ng mag-ina.
"Sinasabi mo lang yan El, dahil nakikita mo kay Mia ang anak mo!
Paano na lang kung hindi pala maganda ang intensyon ng babaeng yan, ayaw lang kitang mapahamak!". Pasigaw na sabi nito sa dalaga."Stop being so unreasonable Lendon! Ano bang ginawa sayo nung tao at ganyan ka na lang umasta! Gusto ko lang naman tumulong e, mahirap bang intindihin yun..at oo kinuha ko sya kasi nakikita ko kay Mia ang anak ko..gusto ko lang maranasan ang maging isang ina, gusto kong maiparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya, pero paano? Lendon, sabihin mo sakin, paano?!". Pasigaw na sabi nito dito at patuloy na sinusuntok ang binata sa dibdib habang umiiyak.
"Sshh baby. I'm sorry, sorry, kung naging ganon ang reaksyon ko, ayaw ko lang na may manakit pa sayo, pero parang ako pa yata ang makakasira sa promise kung iyon". Malambing na sabi nito habang hinahaplos ang likod ng dalaga at mahigpit itong yakap yakap.
"Sumama ka sakin may pupuntahan tayo". Request dito ni Lendon ng kumalma na ang dalaga.
"Ayoko". Mahinang tugon nito dito, napaos na kasi sya dala ng kakaiyak.
"Sige na naman o, baby, minsan lang ako mag request sayo, please baby". Sabi nito ng magkadikit ang mga palad at ng nakanguso.
"Yuck Lendon! Stop it, hindi mo bagay! Ang panget mo".
"Anong panget? Ito, ito panget, e sa gwapo kong to, kaya mo nga ako minahal eh".
"Hay ewan ko sayo, panget. Tara na nga, bwisit". Naiinis na sabi nito sabay tungo sa pinto.
"Yes!". Mahinang tugon na lang ni Lendon. May naisip kasi itong paraan para mapagaan kahit papaano ang loob ni El.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomansaBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...