Sandaling naglalakad sina Eli at Lendon sa mall, katatapos lang kasi nilang kumain.
Dumaan muna ang mga ito sa store, upang makapag grocery, naubusan na din kasi sila ng stock sa bahay.
Dampot lang ng dampot si Lendon, wala naman kasi ditong problema, sya din naman kasi ang magbabayad, samantalang si Eli ay ibinabalik na lamang ang mga hindi talaga kailangan.
"Lendon, hindi natin kaylangan ang lahat ng 'to!! Anu ba! Tumigil ka na!". Sambit ni Eli, habang tinuturo lahat ng mga kinuha ni Lendon sa cart.
"Baby, kalma lang, para sayo din naman lahat ng 'to eh, I don't want you to starve". Tugon ng mahinahon ni Lendon sa dalaga.
Kung dati ay nagtataray na si Eli, ngayon naman ay ubod na ito sa kasungitan, palibhasa ay may dalaw, hindi nya tuloy makontrol ang kanyang mga emosyon.
"Aissh ewan ko sayo, dyan ka na nga!". Sabay walk out nito dito.
Napahawak na lang si Lendon sa batok nito, hindi nya kasi maintindihan kung bakit ganon na lang ang inaasta ng dalaga, hindi nya tuloy maiwasang tanungin ang sarili, kung may naggawa ba sya dito, ng hindi nito gusto.
Simula kasi noong bumalik ito sa banyo ay nagiba na ang timpla nito, hindi sya nito pinapansin o kaya naman ay pinagsusungitan sya nito.
Hahayaan nya na muna ang dalaga, saka nya na lang ito lalambingin, nahihiya na din kasi ito sa mga taong dumadaan, para tuloy silang nasa eksana ng isang pelikula.
-
Naglakad lakad na lamang si Eli sa loob ng grocery store, upang magpahangin, naiinis kasi ito kay Lendon.Sa hindi kalayuan ay may nakita itong isang cute na batang babae, na karga karga ng isang petite na dalaga, siguro ay magdadawang taon na ang bata.
Habang lumalapit si El, ay mas lalong nagiging klaro ang mukha ng mga ito."Sara?". Tanong nito ng hindi makapaniwala, sa babae.
Tila nagulat naman si Sara ng marinig ang kanyang pangalan, kaya't nailalag na lang nito ang hawak nyang de lata, na syang nagpaiyak sa bata.
"Eli anong ginagawa mo dito?". Tanong ng kunwaring hindi makapaniwalang si Sara, habang pinapatahan ang bata, sa mga bisig nito.
"Ah e nag-grocery" -malamang. Sagot ni Eli.
"Kapatid mo?". Tanong dito ni Eli ng nakatingin sa bata na umiiyak pa din.
"Ah, hindi, sya nga pala si Mia Noelle Salazar, anak ko". Seryosong sagot ni Sara, habang nakatingin sa anak.
"Ma-ma". Tugon naman ng bata, sabay yapos sa ina ng humihikbi pa din.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomansaBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...