Naggising naman ang batang si Mia sa tawanan ng mga tao sa paligid nya.
"Ma-ma". Sambit naman nito ng nakangiti na, habang kinukuskos pa ang mga mata.
"Ay naggising na ang baby ko". Tugon naman ni Sara dito, habang pinupuno ng mumunting halik si baby Mia.
Napangiti na lamang si Eli sa senaryong iyon, pero sa totoo lang ay hindi nya maiwasang maiingit sa mag-ina.
"Baby, eto nga pala si Ate Eli mo, say hi Ate Eli!". Malambing na sabi ni Sara sa anak, habang itinuturo sya nito.
"A-te?". Tanong ng bata dito, habang pinagmamasdan sya nito.
"Hi baby, ang ganda ganda mo naman".
Sabi nya dito at pinagkukurot pa ang pisngi nitong malulusog."Ma-ma Ate Eli inching tsiksh". Sambit naman ng bata ng mapula na ang pisngi.
Natawa na lamang ang dalawa sa inasal ng bata.
Masaya pa din nagkekwentuhan ang tatlo ng bigla na lang may tumawag kay Sara sa telepono, kaya't ipinaubaya nya muna ang bata kay Eli.
"Baby, alam mo ba, you remember me of my child, I miss him/her so much". Naiiyak na sabi nya naman dito.
"Be-bi?" Tanong dito ng bata.
"Oo, pero wala na sya eh, nasa heaven na, kasama na sya ni Papa God". Sagot nya naman dito.
Hindi nya alam kung naiintindihan ba ng bata ang mga sinasabi nya dito."Ah, e-ben". Sagot naman ng bata sabay turo sa langit.
Natuwa naman ang dalaga dito sapagkat naiintindihan din sya nito, kahit papaano."Hug mo nga si Ate, baby". Request naman ni Eli, sa batang nasa kandungan nya.
"Ma-mi". Sabi naman ng bata habang nasa mga bisig nya ito.
Natawa na lang si Eli sa sinabi ng bata.
"No Mami, A-te".
"Ma-mi". Tugon naman nito dito.
"No, A-te. A-te, hindi Mami". Ulit naman ng dalaga.
"Ma-mi".
"A-te".
"Ma-mi".
Sumuko na lang si Eli dito, para kasing mas gusto talaga sya nitong tawaging Mami, pagbibigyan nya na lang ang kagustuhan ng bata, tutal gusto nya din naman.
"Ma-ma". Sigaw ng bata sa parating na si Sara.
"Ma-mi". Turo nya kay Eli.
Napakunot naman ng noo ng bahagya si Sara.
"Nako pasensya na ha Sara, ayaw na yata akong tawaging Ate ni Mia, mas gusto nya yata ang Mami". Nahihiya nitong sabi sa dalaga.
"Ano ka ba, ako nga dapat humingi ng pasensya sayo at kinulit ka pa nitong anak ko". Paumanhin naman ni Sara dito.
Kinailangan nya kasi talagang sagutin ang tawag ng boss, mainitin pa naman ang ulo nito pag asawa na ang pinaguusapan.
Mukha ngang nagugustuhan nito ang serbisyo nya at binigyan na agad sya ng advance, tuwang tuwa naman si Sara sa nalaman, kaya naman mas pagbubutihin nya pa ang trabaho dito.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...