"Breakfast in bed, Ms beautiful!". Sigaw ni Lendon papunta sa kama na dala dala ang tray, ng may mga pagkaing niluto nya kanina.
Sabado ngayon kaya naman napagdesisyonan ni Lendon na gumising ng maaga para maipagluto ang dalaga at tutal naman walang pasok ngayon balak nya sanang yayain itong makipagdate.
"Anoo ba, aga aga eh, letse ka!". Sagot ni Eli gamit ang kanyang morning voice at ibinato kay Lendon ang unan malapit sa kanya, mabuti na lang at nakailag ang lalaki dito, kung hindi ay masasayang lang ang pinaghirapan nito buong magdamag.
"Sh*t baby, that was near tss, pasalamat ka, love kita..". Tugon ni Lendon ng papalapit pa din dito, ayaw nyang sumuko, minsan lang nyang pagsilbihan ang dalaga kaya lulubusin nya na.
"If you love me, then let me sleep!". Sagot dito ni Eli sa ilalaim ng unan.
"Are you really that tired baby? It's 11am, napagod ba kita kagabi?". Sabay kindat nya dito at ipinatong ang tray sa lamesa malapit sa kama.
"Anong pagod pinagsasabi mo dyan?! Hoy Lendon umayus ka, kung ano ano pinagsasabi mo! As if may nangyari, duh". Sabi nito ng nakaupo at tinignan ang lalaki ng naiinis na.
"Baby naman, hindi na mabiro. At tsaka hindi ko alam na ganyan ka na pala magisip ngayon haha". Sabi ni Lendon ng nauutas na sa katatawa, habang si Eli naman ay matalim itong pinagmamasdan.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga! Bwisit". Sabi dito ni Eli habang nagtutungo sa banyo.
"El wait!". Pigil nya dito, dahilan upang mapabaling ang huli sa kanya. "Ang ibig ko lang naman sabihin, ay kung napagod ba kita kagabi, kasi ikaw lang yung tumatakbo dito-sabay turo sa utak nya- at dito-sa puso nya". Sabi ni Lendon ng may pacute effect pa.
"Yuck, kadiri ka! Ang corny, letse! Tabi nga dyan tss". Sabi ng dalaga at hinablot ang binata sa isang braso, para makadaan sya.
"Kung hindi lang talaga kita mahal baby ko..". Sabi ni Lendon sa sarili.
Naligo at nagayos na lamang si Eli sa banyo, wala syang ganang lumabas ngayon, tutal sira na din naman ang umaga nya ng dahil sa boy friend. Napatingin tuloy sya sa singsing na suot suot at ngumiti. Hanggang ngayon, hindi pa din sya makapaniwala na sinagot nya na ito, sa dami na ng napagdaanan nila ay tama lang na bigyan nya ito ng chance, madami na din naman kasing napatunayan ang lalaki, kaya't hindi nya na kailangan pang pahirapan ito sa panliligaw sa kanya.
Nagtatali ng buhok si El ng nakarinig sya ng ingay sa labas, mga laglag ng kutsara sa sahig at mga yabag ng paa.
"Hoy dwende!!". Sigaw ni Lendon.
Lumabas si Eli para makumpirma ang hinala.
Tama nga sya, dumating na ang mag-ina at kasalukuyang naghahabulan ang dalawa, si Lendon at si Mia na may hawak na pancake sa kamay nito."You little ugly dwarf, come here!". Aigaw ni Lendon sa bata na papalapit na kay Mia.
"Mami, you here". Sabi ni Mia, sabay taas ng kamay sa ere.
"Baby ko, how are you? Mami misses you so much". Sabi nya habang pinupogpog ng halik ang batang nasa bisig nya.
"Miss you too mami". Sabay halik sa kanya at kagat sa pancake na hawak hawak pa din nito sa kamay.
"Bleeee". Sabi ni Mia, sabay luwa ng pagkain sa bibig.
"Mia don like it, mami". Sabi sa kanya nito ng may asim sa mukha.
"Hoy dwende, hindi para sayo yan at tsaka bumaba ka nga dyan, istorbo!". Sabi ng naiinis na si Lendon.
"Ahuhu mami, mumu away Mia". Sabi ng bata ng naluluha na.
"No baby, don't cry. Alam ko na! Do you want mami to cook for you?". Sabi ng dalaga dito.
Nagliwanag naman ang mukha ng bata at sinabi "Yey mami cook for Mia!" Sigaw nito at bumaba na sa dalaga at diretsong pumunta sa kusina.
Matalim namang tinitigan ni Eli ang binata.
"What?".
"I just..".
"I..".
Hindi tuloy maituloy ng binata ang sasabihin, halata nya kasi na konti na lang at mauubos na ang pasensya ni Eli sa kanya.
"Fine". Buntong hiniga nya. "I'm sorry". Sabi nya ng nakatitig sa mga mata ng dalaga. "I was just jealous". Pag amin nito habang nakatungo.
Nainis naman lalo si Eli sa narinig at sinabi "God! Lendon! Bata pinagseselosan mo! Are you insane!"
"Insane agad baby?, hindi ba pwedeng masyado kitang love kaya ako nagseselos". Nagtatampong sabi dito ng binata.
"Ewan ko sayo". Sabi nya at tuluyan ng pumunta sa kusina.
Wala ng naggawa pa si Lendon, kaya pumunta na lang sya sa sala at nanood ng tv.
Nagtatampo sya sa dalaga, maaga syang naggising para lamang ipagluto ito tapos babalewalain lang pala ng huli, idagdag mo pa na wala man lang syang natanggap na good morning kiss dito o kaya naman isang Good morning Baby Lendon, how was your sleep?. Naawa tuloy sya sa sarili. Lahat ng mga plano nya ng araw na iyon ay biglang nasira. Sumasakit tuloy lalo ang ulo nya sa kakaisip.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
Любовные романыBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...