Chapter 38- Spy to Verify

31 8 1
                                    

Nagdaan ang mga araw.

Lalong lumalaki ang pagitan kina Lendon at Eli.
Simula ng itinaboy ng lalaki si Eli ay hindi na ito lumabas pa sa sariling condo, masyado ng malala ang kanyang nararamdaman, halos hindi na nga sya makatayo sa umaga sa tindi ng sakit ng kanyang ulo, idagdag mo pa na lagi itong diretso sa banyo upang magsuka, kulang na nga lang ay doon na sya matulog, para iwasan ang sarili sa pagtayo, ng sa ganon ay hindi sya mapapagod.
Kahit patuloy ang pagkuha nya ng gamot ay tila wala namang bisa ang mga iyon, pakiramdam nya mas lalo lamang lumalala ang kanyang sitwasyon, bagay na ayaw nyang ipakita sa iba, lalong lalo na kay Eli.
Kahit miss na miss nya na ang dalaga ay hindi nya makayanang magpakita dito, ayaw nyang kaawaan sya nito, mas pipiliin nya pa ang sitwasyon nila ngayon kesa ang makitang nasasaktan ito para sa kanya, iyon ang pinaka ayaw nyang magyari.

Samantala ang dalaga naman ay walang araw na hindi sinusubukan kausapin si Lendon.
Naging parte na din ng routine nya ang suyuin at dalawin ito, pagkatapos nya sa klase ay dideretso agad ito sa huli, ngunit laking dismaya nya na kahit anino nito ay wala syang makita.
Sobra na syang nagaalala sa binata, hindi nya na alam kung paano ito kakausapin, lahat na yata ng paraan ay nasubukan nya na, pati ang bigyan ito ng mga sulat na isinusuot nya sa ilalim ng pinto, pero tila wala din epekto ang mga iyon, dahil wala man lang bumabalik sa kanya.

-
Isang araw, naubos na ang stock ni Lendon na gamot, kaya naman kailangan nyang lumabas upang bumili at magpa check-up na din.

Lumabas ito ng nakahoody na black at loose pants, halata sa kanya ang laki ng ipinayat, malalalim ang mga mata nya at halata ang pagod sa kanyang mukha.

Bago ito tuluyang lumabas ay sinilip nya muna ang condo ni Eli, ng napagtanto nyang tahimik doon ay tuluyan na syang umalis.

Sandaling nanonood si Eli ng mga oras na iyon, ng nakarinig sya ng pagsara ng pinto, hindi sya pwedeng magkamali si Lendon iyon, kaya naman sa halip na sugudin nya ito ay minabuti muna nyang hintayin na makaalis ito ng tuluyan.
Mabilis nyang kinuha ang susi, jacket at kanyang sunglasses, ng sa ganon ay hindi sya mahahalata ng lalaki.
Susundan nya ito sa pangalawang pagkakataon, ito na lang ang tanging paraan para makapagusap sila.
Sa pagsunod ni Eli sa lalaki ay hindi nya maiwasan manibago sa nakikita, parang ibang tao na ang nasa harapan nya, hindi na ito ang dating Lendon na malakas ang appeal sa unang sulyap pa lang, kung dati ay pumayat na ito, ngayon naman ay mas lalo bumagsak ang katawan nito, kahit may kalayuan sya sa lalaki ay hindi nya maipagkakaila na nakikita nya ang lungkot at pagod sa mukha nito, parang may matinding pinagdadaan ang lalaki.
Nasasaktan sya sa nakikita. Bakit nakuha ni Lendon na pabayaan ang sarili?
Oo nga at mahigit isang linggo na silang hindi nagkikita, pero hindi iyon ang dahilan ng pagbabagong anyo nito, sa tingin nya ay may itinatago talaga sa kanya ang lalaki, at aalamin nya iyon.

Nagtaka si Eli ng nakitang sa isang ospital pumasok ang binata.
Wala syang maisip na dahilan kung bakit ito nagtungo doon, siguro ay may dadalawin itong kamaganak- isip niya.
Dahan dahan nya itong sinundan, ang mga mata nya ay patuloy na nagmamasid dito.
Muli syang nagtaka ng tinawag ng isang nurse ang lalaki at pinapasok ito sa loob ng opisina.
Balak nya sanang humingi ng pabor sa nurse para papasukin sya nito sa loob, pero sadyang mahigpit ito, kaya naman sa huli ay wala na syang naggawa pa kung hindi ang hintayin ang lalaki na lumabas sa loob.
Kinakabahan na sya sa nangyayari, masama ang kutob nya.

"Nurse, nurse, ang anak ko...". Desperadong tugon ng isang ina habang naghahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanya.

Naagaw naman ng ina ang atensyon ng nurse kaya't sa huli ay sinundan nya na lang ito para matulungan.

Kinuha iyong pagkakataon ni Eli at mabilis na nagtungo sa pinto at binuksan ito ng dahan dahan.

"Lori, salamat ha, malaki ang utang na loob ko sayo, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Your so good".

Hindi maiwasan mapakunot noo ni Eli sa narinig. Ano itong naririnig nya? At sino ang kausap ni Lendon?

"Ano ka ba Lendon, wala yun, ginagawa ko lang ng maayos ang trabaho ko". Nahihiyang tugon dito ng doktor at tinapik ai Lendon sa balikat.

"Napakahusay mo talaga Lori, salamat". Nakangiting sabi ni Lendon sa doktor.

Mas lalo namang naginit ang dugo ng dalaga sa narinig.
Good?
Trabaho?
Napakahusay?

Ano ang ibig sabihin ng mga ito?tanong ni Eli sa sarili.

---Itutuloy---

~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon