Chapter 42- In danger

38 8 1
                                    

Nagdaan ang mga araw, linggo.

Wala ni isa sa kanila ang balak makipagayos; hinang-hina na si Lendon at pinipigilan nya ang sarili na makaramdam pa ng ibang uri ng sakit, na ikakasama lang nya; habang si Eli naman ay halos gabi gabi na nagpupunta sa bar, sinusubukan kalimutan ang sakit na pilit syang iginagapos. Gustuhin man nyang kausapin ang lalaki ay hindi nya maggawa, sawa na syang makarinig ng masasakit na salita dito, saka nya na lang ito kakausapin kapag handa na syang harapin ang katotohanan, bagay na kahit kailan ay hindi nya magagawa.

-
Hindi makatulog ng gabing iyon si Lendon, masama kasi ang kutob nya, pakiramdam nya merong masamang mangyayari.

Sinubukan nyang tawagan si El sa cellphone, ngunit nakailan na itong subok ay wala namang sumasagot.

"Aah sh*t!!". Naitapon nya na lang ito sa sahig, dala ng inis at pagaalala.

Naglakad sya ng pabalik balik sa kwarto, hindi nya alam kung anong gagawin, kaya naman lumabas sya upang dalawin ang dalaga sa condo nito.

"El!! El!! Baby open the door? Are you there?". Tanong nya dito habang patuloy na kinakatok ang pinto nito.

"El, baby talk to me, andyan ka ba?!".

Ng walang sumagot sa mga paulit ulit nyang tawag dito ay sinipa nya na lang ang pinto, dahilan upang mawasak ito.

Binuksan nya ang ilaw at laking gulat sa nadatnan. Maggulo at madumi ang bahay nito, bagay na kahit kailan ay hindi nya nakita.
May mga baso, alak, pagkain at damit na nagkalat sa sahig. Nakuha din ng atensyon nya ang cellphone nito na nasa lamesa, kaya pala kahit anong pilit nyang tawagan ito ay walang sumasagot.
Nagtungo sya ng mabilis sa kwarto ng dalaga, ngunit laking dismaya nya ng hindi nya ito nakita, sinubukan nya din na hanapin ito sa bawat anggulo ng bahay, pero wala talaga sya doon.
Lubos na syang nagaalala sapagkat magaalas dos na ng umaga, hindi normal iyon, para sa isang babae ang mawala ng ganoong oras, hindi si El.

Kahit labag man sa loob nya ay sinubukan nyang kontakin ang kaibigan ng dalaga na si Sara.

"Sara! Where the hell is El!?!".

"Hello? Letse sino ba to? Storbo, tss..." Sagot nya ng naiinis, halata sa boses nito na galing ito sa tulog.

"Sh*t! I'm dead serious here Sara! Nawawala si El, alam mo ba kung nasan sya?".

"Oh sh*t lagot ako kay Dane nito". Bulong ng dalaga sa kabilang linya, sabay balikwas sa kama.

"What?! Alam-mo-ba-o-hindi-kung nasan-sya?". Mabagal ngunit matigas na tanong nya dito.

"Hell no! Hindi ko alam at lalong hindi ko alam na nawawala pala sya, letse nasan naman kaya yung babaeng iyon". Naiinis ngunit may pagalala nyang sabi.

"Damn! Sige tawagan mo na lang sko kung may balita ka na sa kanya". Sabi nya ng nakahilamos na ang kamay sa mukha.

Damm*t El! Asan ka na ba?!. Sabi nito sa sarili.

Umupo na muna sya sa sofa at nagdasal na sana ay nasa magandang lagay ang dalaga.
Hindi nagtagal ay naagaw ng atensyon nya ang isang pamplet na nakapatong sa lamesa, binasa nya ito at nakitang imbitasyon pala iyon galing sa mga kaklase nila, kung hindi sya nagkakamali ay sa isang bar iyon gaganapin.
Mabilis na nagtungo sya sa pinto at lumabas.
Wala pang thirty minutes ay nakarating na ito sa lugar gamit ang kanyang sasakyan.
Hindi nga sya nagkamali, isa iyong bar, kaya naman mabilis syang nagtungo doon para hanapin at iuwi na ang dalaga.
Maingay at magulo ang paligid, puno ito ng mga babaeng halos wala ng damit sa katawan at mga lalaki na pilit sinusubukan na mapalapit sa mga ito.
Ang iba sa mga ito ay nagsasayaw, isang malaswang sayaw, nakikipaghalikan, nakikipaglandian; pero meron din naman nakikipagbiruan at nagkakatuwaan kasama ang kanilang mga kaibigan.
Hindi din maipagkakaila ang baho na dala ng paligid, amoy alak, sigarilyo at iba pa.
Kahit kailan ay hindi naisip ni Lendon na maaring mapunta ang dalaga sa lugar na iyon. Hindi nya kailanman inasan ito sa kanya.
Nakaramdam naman ng guilt si Lendon, sa wari nya ay sya ang may kasalanan, kung bakit nagiging iba na ang kilos ng dalaga.

Pilit nyang hinahanap si El sa paligid, ng biglang naagaw ng atensyon nya ang isang grupo ng mga lalaki na nasa isang sulok, parang may pinagkakaguluhan ang mga ito.
Kung hindi sya nagkakamali ay nasa edad lamang nya ang mga ito.
Balak nya na sanang balewalain ang kaganapang iyon, ng marinig nya ang boses ng babaeng kanina pa nyang hinahanap.
"Anou ba?! Layuan nyo nga ako!! Ga-anyan be talaga kayong mga-a lalake ha? Parepareho ka-ayo! A-ano?! Sasaktan nyo-o din ako-o gaya-a ng letseng ex ko? Baki-t dahil ba hindi-i ko nabigay-y sa kanya ang pangangailan nya? Ga-anon ba?". Rinig nyang sabi ni El, habang pilit na kumakawala sa bisig ng mga lalaki.

"Miss sexy, ibahin mo kami sa ex mo, kung paiiyakin ka man namin hindi iyon sa sakit kung hindi sa sarap, ahahha, mga pre mageenjoy tayo ngayong gabi, diba miss beautiful..". Sabi ng isang lalaki habang paunti-unti nitong nilalapat ang bibig sa leeg ng dalaga.

"Jackpot!".

"Ayos!". Sabi ng ibang kasamahan nito.

"Anou ba-a layuan nyo n..-". Natigil si El sa pagtutol ng nakarinig sya ng isang suntok, dahilan upang mapahiga ang lalaki sa sahig.

"Sh*t ano ba?". Dinig nyang sabi nito.

"Don't you dare touch my girlfriend again!! You jerk! Subukan mo lang na lumapit uli sa kanya, hindi lang yan ang makukuha mo". Galit na sigaw dito ni Lendon na nasa ibabaw na ng lalaki at patuloy itong sinusuntok.

"Girlfriend daw o mga tol! Haha sinong gago ang niloloko mo ha?!". Bulyaw ng lalaki at pinagsusuntok din ito pabalik. Malaki itong tao kaya naman malalaks ang mga suntok na naibibigay nito kay Lendon na halos hindi na makalaban.

"Please, itigil nyo na yan! Lendon, stop!". Sigaw ni Eli sa mga ito.

Patuloy lamang ang dalawa sa pagsusuntukan habang ang iba naman ay masayang nanonood.

"Ganyan nga tol!!".

"Go babe". Sabi naman ng ibang mga babae na nanonood na din sa eksena.

Napagdesisyonan ni El na tumawag na lang ng tulong sa mga security guards, ng sa ganon ay matigil na ang kaguluhan ng mga ito.
Wala kasing nagmamagandang loob na tumulong sa mga ito, kaya't sya na lamang ang gagawa ng paraan.

"Hoy!! Magsitigil kayo! Kung gusto nyong magpatayan sa labas nyo yan ituloy! Hindi yang gumagawa pa kayo ng eksena dito! Labas!"
At tuluyan na ngang itinaboy ng mga naglalakihang tao ang mga ito.

"Lendon, ano bang pumasok dyan sa utak mo at pinatulan mo pa yung mga yon!? Kaya ko naman ang sarili ko at pwede ba, wag mo na akong guluhin pa, malinaw na sakin na hindi mo na ako mahal, kaya tama na..". Matigas ngunit naiiyak na sabi nito dito, naawa kasi sya sa lagay ng lalaki, may mga pasa at dugo na ito sa mukha.

"El... I'm sor..-". Sabi dito ng binata habang hinahaplos ang pisngi nito at tuluyan ng nawalan ng malay.

---Itutuloy---


~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon