"El, ready?" Tanong dito ng binata.
Sandaling nasa libingan sina Eli at Lendon, katatapos lang magsulat ni Eli ng letter para kay baby Sundy.
Nagtirik na ito ng kandila sa puntod ng bata at nilagay ang mga bulaklak at teddy bear na binili nila kanina.Ito lang ang tanging naisip ni Lenon para gumaan kahit papaano ang nararamdaman ni El.
Hindi naman maiwasan ni Eli na maging emosyonal sa nangyayari, ngayon na lang kasi sya muli pumunta doon, natatakot kasi sya na tanggapin ang katotohanan.
Masakit, oo, kasi mahal mo.Sandali namang pinagmamasdan ni Lendon ang dalaga, may hawak itong mga lobo na hugis puso sa kamay.
Ng handa na si Eli ay tumayo na ito at binasa ang sinulat nya kanina:
My dearest love Baby Sundy,
Your spirit was brought to us
from a wish made of love.
We couldn't believe it when we realized
we'd been blessed from above.In my womb you were growing slowly,
but I found peace knowing you were there.
Then came the tears of loss and I wanted
to know how life could be so unfair.I had to realize that because you were so special,
God needed you more than I.
It helps me when I feel His loving
hands wipe away my tears as I cry.I know that someday we'll be together again,
but for now I'll keep you in my heart.
Always remember that I love you more than words can say
and that God will protect you while were apart.Love, Your forever Mommy Eli.
Pagkatapos niyang basahin ang mensahe para sa anak ay hinalkan nya ang sulat, itinali ito sa mga lobo at sabay nilang pinalipad ang mga iyon.
Tahimik lang nilang pinagmasdan ang mga lobo hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.
"Lendon, thank you". Sabi naman ni Eli ng makarecover na ito ng kaunti sa nangyari.
Gumaan kahit papaano ang bigat na dala dala nito sa puso; hindi nya naman ginawa ang lahat ng iyon para kalimutan ang anak, kung hindi para maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal.
Hindi naman mawawala ang sakit, pakiramdam nya nga ay madadala nya iyon hanggang sa pagtanda.
Pero sa kabila ng sakit ay tatanawin nya iyong paraan ng Diyos upang mas lalo syang tumibay at maging mas malakas, para harapin ang bukas.
Masakit mawalan ng mahal sa buhay, ito ang sakit na hindi kayang magamot na kahit na sinong doktor, tanging sarili mo lamang ang pwedeng tumulong sa iyo, ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin na ang buhay ay may hangganan, na lahat tayo ay nabubuhay para sa isang rason at lahat ng nangyayari ay plano ng Diyos, maganda man o hindi sa mata natin.
Mahirap man sa umpisa ay alam ni El na malalampasan nya ang lahat ng ito, na gagabayan sya ng Panginoon at ng anak nya sa langit.
Laking pasasalamat nya at may munti pa syang anghel, na laging handang protektahan at alagaan sya, walang iba kung hindi si Lendon.Ngumiti na lang si Lendon at mahigpit na hinawakan ang kamay ng dalaga.
"You always can count on me, baby"
Binigyan naman ito ni Eli ng isang totoong ngiti.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...