Hindi maipaliwanag ni Lendon ang nararamdaman, iba pa din talaga kapag mahal ka din ng taong pinakamamahal mo.
Pagkatapos nilang kumain ay nagdesisyon ang dalawa na mag movie marathon na lang.
Hapon na din kasi at makulimlim pa."Ano gusto mo, eto na lang kaya?" Tanong ng binata habang namimili ng dvd.
Hindi maiwasan makaramdam ni Eli ng kakaiba, pakiramdam nya ang unfair nya sa lalaki, sobrang bait nito sa kanya at lagi itong nandyan para pasiyahin sya.
Samantalang sya puro pasakit lang ata ang dala nito sa buhay nya."Elii? Are you there, iniisip mo na naman ba?" Sabay lapit nito dito ng dala dala ang napiling dvd.
"Lendon pakiramdam ko kasi, ang sama sama kong tao, may legal akong asawa tapos may mahal naman akong iba". Malungkot na saad nya dito.
Kahit na hindi sila sa simbahan noon kinasal ni Dane, nangako pa din sya.
Pero anong magagawa nya, ayaw nya ng maulit ang nakaraan, gusto nya naman sumaya at alam nyang sa piling lamang iyon ni Lendon matatagpuan."Pero isa lang ang mahal mo kaya walang masama dun, nagkataon lang siguro na ngayon lang ako dumating sa buhay mo.
Ganito na lang, although hindi pa naman talaga tayo officially, let's treat each other na parang normal friends lang, ok ba yon?""Bakit ba ganyan ka? Lalo lang akong naiinlove sayo nyan eh". Paglalambing nito dito sabay yapos ng mahigpit sa lalaki.
"Hmm ang baby loves ko nanlalambing" at niyapos nya din eto.
"Ano nood na tayo?" Tanong ng dalaga.
"Yes but, i'm the one who will choose". May pagka bossy nitong sabi.
"Ano pa nga ba?!" Tugon ng nagkukunwaring nagtatampong si Eli.
"Simula ngayon dyeta ka na! Hmp". Dugtong ni Eli.
Umupo naman sa tabi nya ang binata pagkasalang ng movie.
"Ano uli yon baby love? Diet, ako? E hindi pa nga kita natitikman dyan eh, hindi pa ako nakakaiscore, paano mo ko ipag dadiet?" Sagot ni Lendon sabay akbay sa kanya ng may malokong ngiti sa labi.
Kahit naman sa pheripal vesion, ay kita ng dalaga na inaasar sya nito."Magtigil ka nga dyan! Anong tikim? Anong score? Pinagsasabi mo?". Namumulang sagot ni Eli, sabay kurot sa tagiliran ng mokong.
"Eto naman, sinusubukan ko lang, kala ko kasi bibigay ka na sa kapogian ko at sa hot-oh so-yummy kong katawan ". Sabay kindat ng binata dito.
Hindi nya man sabihin dito ng personal, ay alam nya na sa sarili, sadyang meron talagang ipagmamalaki ang mokong, palibhasa ay Amboy ang kalahati nitong pagkatao.
"Heh! Tigilan mo nga ako dyan sa pagpapacute mo! Ang ibig kong sabihin ay hindi na kita ipagluluto simula ngayon". Pagbibiro nito kay Lendon, gusto nya kasing malaman kung big deal baga ito dito.
"Ay baby love wala namang ganyanan! Alam mo namang ikaw ang the best pag dating sa kusina, pakiramdam ko nga tumataba na ako". Sabay tanggal ng t-shirt nito, na sya namang nakapag papula sa dalaga, nanatili lamang itong nakaupo sa sofa at tila hinihintay ang reaksyon ng dalaga.
"Lendon". Tawag nya dito.
Hindi nya alam kung bakit parang sexy voice yata ang lumabas sa bibig nito.Bigla namang nakaramdam ng init si Lendon sa pagtawag sa kanya ng babae.
Kinuha nya ang kamay ng babae at dinala sa malalapad nitong dibdib.
"Ano baby love, tumataba na ba ako?" Tanong ni Lendon na parang nang aakit na.
Walang nagawa si Eli ng mga sandaling iyon, kusang gumalaw ang kanyang mga kamay at hinaplos ang malalapad na dibdib nito pababa hanggang sa matigas nitong tiyan na may pack 6 abs.
"Lendon.." Sabi pa ng dalaga dito habang nag lalakbay pa din ang mga kamay nito.
Siniil naman ng halik ng binata ang mga mapupulang labi ng dalaga, ng may pagmamahal at pag-iingat.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...