Chapter 37- Payo

38 10 1
                                    

Sorry.
Yan ang salitang patuloy na bumabalik sa utak ni Lendon nang gabing iyon.
Sa halip na makapagpahinga sya ay mas lalo naman syang na iistress sa nangyari kanina.

Hindi nya naman talaga balak ipagtabuyan ang dalaga, pero sadyang hindi pa sya handa na sabihin dito ang natuklan kanina lamang, kaya't pinili nya na lang na palayuin ito hanggat may lakas pa sya, hanggat hindi pa huli ang lahat.

Hanggat kaya nya, ay pipiliin nya na wag ng ma-involve pa si Eli sa sakit nya, alam nya na mas lalo itong masasaktan kung sasabihin nya ang totoo dito at ayaw nyang mangyari iyon.
Yun ang iniiwasan nyang mangyari, ang makitang nasasaktan ang dalaga ng dahil sa kanya, nangako sya na aaalagaan nya ito at hindi sasaktan, pero bakit tila tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para mabali nya ang pangakong iyon.
Alam ng Diyos kung gaano kalaki ang rispeto at pagmamahal nya sa dalaga, pero siguro nga ay hindi iyon sapat para magsama sila habang buhay.
Mismo sarili nya ay hindi nya maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa kanya, kung tutuusin ay wala naman syang nagawang masama para parusahan sya ng ganito.

-
Kasalukuyan, sa condo ni Eli.

"Sara, hindi ko na maintindihan".
Umiiyak na sabi ni El dito.

"Wala akong ideya kung anong nagawa ko sa kanya ng hindi nya nagustuhan".

"In this past few days palagi na lang mainitin ang ulo nya, masungit at palaging galit. Konting galaw ko lang sisigawan nya na ako..".

"Hindi ko alam ang gagawin ko Sara, ayaw nya naman makipagusap sakin, gustuhin ko man syang tulungan hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung anong problema".

"Sara anong gagawin ko??". Tanong nya dito ng pugto na ang mata.

"Ah ehm friend sa tingin ko...punasan mo muna yang sipon mo, kadiri ka eh, yuck". Nabatukan tuloy sya ni Sara sa narinig.

"Seryoso ako Sara". Matalim na titig nya dito.

"I am serious too Eli, ito panyo oh". Sabay abot dito ng panyo kay Eli.

Kahit naiinis na sya sa kaibigan ay tinaggap nya pa din ang alok nito para matapos na ito sa kakulitan.
Kung minsan talaga ay mahirap kausap ang isang Sara Elaine Salazar, wala kasi itong bagay na sineseryoso, kung baga walang problema dito ang hindi nadadaan sa biro at yun ang isa sa mga katangian na nagustuhan ni Eli sa kaibigan, kahit papano kasi ay nakakagaan ng loob kausapin si Sara, kahit napakadami nitong pinagdadaanan sa buhay nakukuha pa din nitong tumawa at harapin ang araw-araw ng may ngiti sa labi.

"Pero friend seryoso talaga, walang forever". Seryosong sabi ni Sara kaya naman nakatanggap na naman sya ng isa pang batok sa kaibigan.

"Isa pa talaga Sara, makakauwi ka na".
Diretsong sabi ni Eli.

"Eh kasi naman diba, tingnan mo ko dalagang ina, iniwan ako ng walang kwenta kong boy friend na si Jeff, tapos ikaw....maghihiwalay din naman kayo ni Lendon baby mo, kasi nga WALANG POREBER".

"Sara naman eh, hindi ka nakakatulong alam mo ba". Sabay tayo nito at nagtungo na lang sa kusina.

Sinundan naman ito ni Sara at sinabi "Bakit hindi ka tumingin sa paligid mo, malay mo nandun ang sagot". Makahuluguhan nitong sabi.

"Ha?? Anong pinagsasabi mo dyan? Hay nako Sara kung alam ko lang na puro HUGOT lines yang dala mo, edi sana hindi na kita tinawagan, bwisit". Sabay alis nya ng may hawak hawak na juice sa kamay.

"You know Eli ibigay mo lang sa kanya yung hiniling nya ng wala ng problema. If he ask for space, then give him space. If he ask for a break up, then ibigay mo din. If he ask instead for a rock and roll, then t..-". Tuloy tuloy na sabi nito.

Binatukan naman ni El ang kaibigan sa narinig, minsan talaga wala ng preno ang bibig ng huli.

"Ouch ha?! Masakit yun friend, nakakailan ka na ha". Sabay himas sa ulo nya.

"Yang bibig mo kasi eh, kung hindi na lang para sakin kung hindi dyan kay Mia mahiya ka, aba hindi na ako magtataka kung isang araw matulad sya sa nanay nyang walang preno ang bibig, hayyss". Sabi ni El sabay tingin kay Mia na nanonood ng tv sa salas.

"Eh friend payong-pang-dyosa lang naman yung sinasabi ko eh". Nakatungo at nakanguso nyang sabi.

"Anyways -pagpapatuloy nya- ibigay mo ang lahat wag lang ang bataan ha".

"Haay, bakit ba dyan napapunta ang usapan ha?! Anong bataan bataan ang pinagsasabi mo?!".

Nagkibit balikat na lang si Sara sa narinig, senyales na mismo sya hindi din nya alam kung bakit doon napunta ang usapan nila.

"Syempre naman friend, loves kita ayoko na matulad ka sakin, no! Mabuti na yung mapagsabihan din kita".

"Oo na lang Sara". Suko na sabi ni El dito.

Minsan talaga kung saan saan na lang umaabot ang usapan nilang magkaibigan.
Minsan nga nagaaway na silang dalawa sa hindi malamang dahilan, pero kahit papaano masaya pa din si El na may isang Sara Elaine Salazar syang kaibigan na laging handang tulungan at damayan sya, anumang oras.

~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon