"Aba't g*go ka ah!!" Sambit ni Lendon pagkalapit nya sa lalaki at pinagsusuntok ito.
Hindi na alam ni Eli kung ano ang gagawin, gusto nyang pigilan si Lendon, pero gusto din naman nya na magising sa kahibangan ang asawa.
Naiwan na lamang sya sa isang tabi na umiiyak.
Awang awa sya sa sarili.Hindi pa din nya lubos maisip na magagawa yun ng asawa, hindi nya alam na ganon na kalaki ang pinagbago nito, to the point na kaya na sya nitong pagsamantalahan.
Lalo lamang lumalaki ang galit na meron sa puso nito, lalong lalo na dahil sa mabibigat at masasakit na salita na binitawan nito kanina.
Alam nya na mali ang magmahal ng iba, sa kondisyon nya ngayon, sobrang komplikado pa ang mga bagay, pero wala naman yatang pinipili ang love, wala itong sinusunod na patakaran.
Nagbabalikan lamang ng suntok at sapak ang dalawang lalaki.
Galit. Sakit. Inis. Yan ang mga nararamdaman ngayon ni Lendon.
Galit, hindi lang sa ginawa ni Dane, kung hindi na din sa sarili, sapagkat nangako ito sa sarili na babantayan, poprotektahan at aalagaan nya ang kanyang pinakamamahal, pero pakiramdam nya ngayon ay pumalpak sya.
Sakit, hindi dahil sa mga suntok, kung hindi dahil sa nakikita nya nanaman na umiiyak si Eli sa pangalawang pagkakataon.
Kung siguro ang iba tatawagin syang martir, pero sadyang mahal nya lang ng tunay ang babae.Inis, dahil alam nya na hindi na dapat sya tumuloy pa sa walang kwentang party ng kaibigan.
Si Dane naman ay kahit lasing ay parang walang bisa ang alak na ininom, gising na gising ang diwa nito, dala na din sa mga suntok na nakukuha kay Lendon.
Damang dama nya ang sakit, galit, inis, pangungulila at selos.
Sakit, dahil habang kanina sa paghalik nya sa dalaga ay parang wala syang naramdamang pagmamahal dito.
Mas lalo itong nasasaktan sa katotohanan na sobra nyang nasaktan ang dalaga noon, hindi nya alam kung paano hihingi ng tawad dito at kung paano makukuha muli ang loob nito.Galit, dahil para bang sa isang pagkakamali lang ng nakaraan, ay nakuha ng maglaho ng pagmamahal ng dalaga dito, alam nya na hindi madaling magpatawad, kasi mismo sa sarili nya ay hindi nya magawa.
Hanggang ngayon, galit na galit sya sa sarili nya, ng dahil sa pagkawala ng kanilang anak, sa pagiging immatured nito at pagiging pabaya; nasira ang mga pangarap, relasyon at pamilya na matagal nilang pinangarap dalawa.
Inis, sa sarili. Paano nya nagawang pagtangkaan ng masama ang kanyang asawa.
Nagpadala na naman ito sa mga nararamdaman.
Balak nya lang sana talagang makipag usap sa asawa, ngayong araw na ito, pero noong nakita nya at naamoy na may kakaiba sa asawa ay nag iba ang timpla nito, kaya't hindi nya nakayanan pang kontrolin ang sarili.Pangungulila, sa buhay na meron sya dati, noong magkasama pa silang mag asawa sa iisang bubong.
Na mimiss nya yung mga araw na, dadating sya galing trabaho, ipagluluto sya ng asawa, maglalampungan at matutulog ng magkatabi sa iisang kama.Selos, hindi nya alam kung paano nakapasok ang lalaki sa condo ng asawa.
Hindi nya alam kung ano ba ito sa buhay nya ngayon, kung may nangyare na ba sa kanila, kung ganon, hindi nya mapapatawad ito, baka mapatay nya pa si Lendon sa naisip.
Kung bakit ganon na lamang protektahan ng lalaki ang kanyang asawa, pakiramdam nya tuloy may namamagitan talaga sa dalawa.
Selos na selos sya, kasi sya dapat ang nasa posisyon ni Lendon."Akin lang ang asawa ko!!". Sigaw na sambit ni Dane, sabay sulyap sa umiiyak pa din na si Eli.
"E g*go ka pala eh! Wala ka ng lugar sa buhay ni Eli! Maaring asawa mo nga sya, pero ako ang mahal nya!". Pasigaw na sagot na din ni Lendon.
Ng dahil sa narinig mas lalo lang nagalit si Dane, dahilan ng mas lalong pagsuntok nito dito.
"Ikaw ang t*rantadong walang lugar sa buhay nya! Sino ka ba? Kabit? Kaibigan? Haha". Tugon nito dito, sabay tawa na lalong nagpapikon kay Lendon.
"Tama na!!" Malakas na sigaw ni Eli, na syang nagpabalik sa huwisyo sa dalawa.
"Umalis ka na Dane!" Pasigaw na utos nya dito.
"Alis!! Ayaw na kitang makita pang muli!! I hate you!" Pagtataboy nya dito.
" No, no Isa (ElISA) asawa ko, makinig ka sak..-". Sagot ni Dane.
"Umalis ka na Dane, parang awa mo na, mas lalo lang gumugulo ang mga bagay". Nagmamaka awa na tugon nito dito.
"Magiging akin ka ulit Isa, tandaan mo yan, babalik ka din sa akin". Sambit pa nito.
Ayaw nya mang umalis doon, ay napilitan na din sya sa huli, sobrang sakit pala marinig sa mahal mo na kinasusuklaman ka nito.
"Hindi pa tayo tapos". Sabay tapon ng tingin kay Lendon, bago ito umalis.
Naiwan ang dalawa.
Walang sino man sa kanila ang kumikilos, para i-comfort ang isa.Tulala pa din si Eli sa pinto, kung saan lumabas ang asawa, habang ang binata naman ay nakakuyom pa din ang kamao at pinagsusuntok ang pader.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...