Parehong hindi nakapag concentrate sa klase sina Lendon at Eli ng araw na iyon.
Si Lendon ay nag aalala sa dalaga, halata nya kasi dito na simula ng nagpakita muli ang lalaki kanina, ay nagbago na ang mood nito.
Hindi pa naman sanay ang lalaki na makita sa ganoong lagay ang dalaga, pati tuloy sya ay naaapektuhan, pero kailangan nyang magpakatatag para dito, pero paano nya naman gagawin iyon, kung sa mga ngiti lang ng dalaga sya kumukuha ng lakas?
Sa tuwing naalala ni Eli ang naganap kanina, ay paulit ulit na lamang nyang nakikita ang titig na tinapon sa kanya ng asawa.
Ang titig nitong may sakit, lungkot at pangungulila.
Ganon pa man ay hindi naaawa dito ang babae, ayaw nya na kaawaan ito.
Pero hanggang konektado pa sya sa asawa, ay hindi panatag ang loob nya, pakiramdam nya ay kelangan na talaga nilang mag-usap, para tapusin ang lahat.Kahit na ngumingiti ang dalaga sa mga pakulo ni Lendon, alam nya sa sarili nya na hindi tunay ang mga iyon.
Naaawa nga sya sa lalaki sapagkat wala naman talaga sa kanya ang atensyon nito, bilib na talaga sya sa mokong, pursigido kasi."El, just call me, kung kelangan ok?. Kumain ka bago matulog and magpahinga ka na, alam kong marami kang iniisip. Good night, baby". Sabay halik sa noo nito at tuluyan ng umalis.
Pupunta kasi ito sa party ng isang kaibigan, ayaw nga nitong umalis, pero syempre kinumbinsi nya ito, kelangan pa din ng lalaki ng ibang libangan.
"No girls, ok?! Kung ayaw mong hindi na kita patuluyin sa condo ko". May pagbabanta na sabi naman ng dalaga.
Alam nya kasi na hindi isang simpleng party lang ang pupuntahan nito, maraming ibang babae doon, sigurado, pero may tiwala naman sya sa lalaki.
"Opo mahal kong baby". Tugon nito bago isara ang pinto ng condo ng dalaga.
Napangiti na lamang si Eli sa sagot ng binata, maswerte sya at minahal sya ng isang Lendon Matthew Western.
-
Katatapos lamang maligo ni Eli at ngayon ay nagsusuklay ng buhok habang nanonood ng tv.
Nakasuot lamang ito ng simpleng loose t-shirt na umaabot sa kanya sa tuhod at short shorts naman sa ibaba.
T-shirt ni Lendon to be exact, kapag kasi hindi sila magkatabi ng binata ay ang mga t-shirt na lamang nito ang kanyang sinusuot, komportable sya dito at pakiramdam nya kasama nya ito sa pagtulog, gaya ng kanilang nakasanayan.
Parang na-miss nya agad ang binata, dahil sa amoy na dala ng t-shirt nito.Nawala naman bigla ang atensyon nya sa tv, ng biglang may kumatok ng napakalakas sa kanyang pinto.
"Sino naman kaya iyon, gabi na ah? Baka si Lendon, pero maaga pa naman". Tugon ng dalaga sa isipan, sabay tayo upang pagbuksan ang bisita.
"Asawa ko..." Tugon ni Dane sabay subsob sa leeg ng dalaga.
"Dane?? Dane? Ano ba?! Anong ginagawa mo dito?! Paano mo nalaman na dito ako nakati..-". Hindi na naituloy ng dalaga ang sinasabi sapagkat siniil na ito ng isang agresibong halik ni Dane.
Nagulat ito at nakaramdam ng alak sa mga halik nito."Patawarin mo ko, asawa ko, miss na miss na kita, hmmm". Sabay ungol nito at ang mga labi nito na kanina ay nakadampi sa kanya, ay naglalakbay na ngayon sa kanyang leeg.
Habang ang mga kamay nito ay hinahaplos ang kanyang likod.Hindi maiwasan ni Eli na makaramdam ng kakaiba sa mga haplos na ibinibigay sa kanya ng lalaki.
"Dane ano ba?!, Tumigil ka na!". Madiin na pagkasabi nya dito at bigla ngang tumigil ang lalaki.
Nakita nya ang espresyon na meron ito, katulad pa din ng titig na binigay nito sa kanya kanina.
Bumaba ang tingin ng binata sa suot ng babae at bigla na lamang naging iba ang espresyon nito, kung kanina ay maamo pa ito, ngayon naman ay parang isang demonyo na handa syang dalhin sa impyerno, halata ang inis at galit sa mukha nito.
"Kaninong put*ng in*ng lalaki mo ko pinagpalit ha Elisa!!". Singhal nito dito.
Napatungo na lang ang dalaga, hindi nya kayang harapin ang masasakit na salita na binabato nito sa kanya.
"Anong meron ang kabit mo na wala ako!!?!?" Dugtong nito.
"Mas magaling ba sya, humalik?! Ha Elisa! Sabihin mo!". Tanong nya dito.
Sasagutin pa sana ito ng dalaga pero naramdaman nya na lamang ang mga labi nito na marahas at mahapdi syang hinahalikan.
Pilit nya itong nilalayo sa kanya, pero sa huli ay sumuko na din ang dalaga sapagkat hindi nya na kaya pang kalabanin si Dane.
Nadala na din ang dalaga sa halik na binibigay sa kanya ng asawa, kaya't sa huli ay nagpaubaya na din ito."Ano Elisa, mas magaling pa ba sya?! Mas mahusay ba ang bast*rdong iyon sa kama ha?!". Sabay tulak nito dito sa sofa.
Hindi na nakaramdam pa si Eli ng sakit, dahil mas masakit ang mga paratang nito dito.
Napahiga naman ang dalaga sa sofa, sa lakas ng pagkakatulak ng asawa.
"Dane para mo ng awa, itigil mo na 'to". Mahina at mangiyakngiyak na sabi nito dito.
Pero tila wala namang naririnig si Dane sapagkat buo na ang loob nito na angkinin ang asawa, sa ayaw man nito o sa gusto.
"Akin ka lang Elisa Shane Fernandez, akin ka lang". Madiin na tugon nito dito ng wala sa sarili.
Masyado na din nadadala ang lalaki sa ginagawa, ni hindi na nya pansin ang pagtutol na ginagawa ng asawa.Huhubadin na sana ni Dane ang suot na t-shirt ng dalaga ng biglang may narinig silang pumasok sa pinto.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomansaBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...