"Eli bilisan mo!"
Aga aga pa eh tss. Sagot ni Eli sa isipan nya.
Paano kasi ang aga aga ay kinakatok na agad ito ni Lendon para sabay na silang pumasok sa School.Minsan nga nagdududa pa din si Eli kung tama ba ang ginawa nya na lumipat sa harap ng condo ni Lendon, palagi na lang kasi yan ang senario tuwing umaga, palagi na lang siyang binubulabog ng mokong, o di kaya ay dito kumakain ng tanghalin maski hapunan, tingin yata ng mokong ay hotel ang bahay niya at konti na lang ay dito na sya tumira.
Ganon pa man ay malaki ang pasasalamat nya dito, malaki ang naititipid niya sa isang taon na pag lipat sa panibagong tirahan, kung noon ay sapat lang ang nakukuha nya buwan buwan na pamana ng mga lumahong mga magulang, ngayon naman ay may natitira pa para sa sariling pangangailangan."Eto na, saglit lang"
Bilis bilis naman itong bumangon para pagbuksan ang mokong.Para naman nakakita si Lendon ng diwata ng buksan ng dalaga ang pinto na ng sandaling iyon ay nagtatali ng mahaba at curly nitong buhok.
"O ano na, papasok ka ba o tutunganga ka lang dyan?"
"Hindi ba pwedeng: Good morning Lendon, my loves, kumain ka na ba?" Tugon naman nito gamit ang boses babae, sabay pasok nito sa loob.
"Hay ewan ko sayo, grabe ka hindi ka ba na lolowbat parang ikaw na yung personal allarm clock ko eh" sabay subo nito ng mansanas.
"Para sayo my loves lagi tong full, parang pagmamahal ko sa yo" sabay kindat nito dito.
Tila naman nabilaukan si Eli at namula pa sa narinig, hindi pa din kasi ito sanay sa mga hugot lines ng mokong.
Aminin nya man o hindi parang nakakaramdam sya ng kakaiba sa dibdib nito."Ewan ko sayo, dyan ka lang ha, liligo lang ako, meron diyang cookies na binake ko kahapon, wag mo lang uubusin" at nagtungo na ito sa banyo.
Naglibot libot lang si Lendon sa silid ng dalaga, sobrang linis niyon at halatang babae ang nakatira base sa designs at pagka arrange ng mga gamit doon.
Sa loob ng isang taon na magkakilala ang dalawa, ay parang lubos na nilang kilala ang isa't-isa.
Masaya si Lendon kasi pakiramdam niya ay higit pa sa kaibigan ang nararamdam niya sa dalaga, ayaw nya lang munang sumugal sa ngayon,
Hinihintay nya pa ang tamang pagkakataon; para sa kanya kasi worth it ang paghihintay kung puso naman ni Eli ang kapalit."Tara na!?" Masiglang sabi ng dalaga, at nagtungo na ito sa pintuan.
"Wait Eli!.. I l..I.."
Naguguluhan na si Lendon gusto nya ng umanin pero baka ma friend zoned lang sya kay Eli."Ha? May sinasabi ka ba Lendon?"
"Ha ah..eh..I love..the cookies" namumula at nakantungo nitong sabi.
"Hehe tingin ko nga eh, yan o at may amos ka pa haha" tawa ni Eli sabay lapit ng daliri kay Lendon.
"So shall we go now? Malelate na tayo" tugon ni Lendon.
Buti nga at nakapagsalita pa sya pagkatapos ng nangyari."Let's gooo" masayang tugon ni Eli.
Nakakahawa ang mga ngiti nito, para bang laging walang pinagdadaanan, isa yan sa mga katangian na nagustuhan ni Lendon sa dalaga.
Kung baga yung mga ngiti nya ang syang tunay na nakakapagpaganda dito.~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomansaBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...