Nagbabasa ng paboritong libro si Eli ng dumating si Lendon, nakabihis lamang ito ng simpleng polo shirt and shorts, na mas lalo namang ikinagwapo nito.
Kumislap ang mga mata ng lalaki ng nakita ang mga pagkain, natakam naman agad ito.
Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang mga pagkaing hinanda ni Eli, ganadong ganado ang binata.
Natuwa naman si Eli dito, sapagkat na-appreciate ng taong mahal nya ang mga kanyang pinaghirapan .May mga beses na sinusubuan pa sya ni Lendon, kahit busog na sya ay tinatanggap nya pa din ito, sa takot na baka totohanin ang banta sa kanya ng binata, na hindi sya nito ipagmaneho bukas.
Bukas na kasi ang balik nila sa Maynila, napagdesisyonan nila na doon na lamang magpahinga.Ang totoo nyan, ideya iyon ni Eli, balak nya na kasing humingi ng annulment papers at ipadala ito sa asawa, ng sa ganon ay tuluyan ng mawala ang ugnayan nila, hindi na din naman ito nagpapakita sa kanya, kaya't ano pang saysay ng kasal nila; mas lalo lang syang binigyan ng motibo ng asawa na ituloy ang binabalak noon pa man.
Aminin nya man sa sarili o hindi, ay alam nya ang totoong rason, kung bakit nya pinili na sa private resort sila magbakasyon ni Lendon, ng sa ganon ay matuklasan nya ang klase ng pagmamahal na meron sya para dito.
Kung sapat na ba ito, para sumugal sya muli.
Kung seryoso ba ito sa kanya.
At kung gaano ba talaga kalalim ang pagmamahal nila sa isa't-isa.
Lahat ng iyan ay napatunayan nya sa mga nagdaang araw, sa mga lambing, pagtingin, respeto at pag-aalaga sa kanya ng lalake.
Napatunayan nya tuloy sa sarili na naka-move on na nga sya ng tuluyan sa asawa, hindi nya makukuhanang magmahal ng iba, kung may natitira pa din syang pagmamahal dito.
Tama nga sya noon, isa lamang ang puso, kaya dapat ay isa lang din ang nilalaman nito at ayon ay si Lendon.Busog na busog ang dalawa, kaya naman nanatili lang silang nakaupo at pinagmamasdan ang kalangitan at karagatan.
Natigil ang katahimikan ng nagsalita si Eli "Lendon nakapag decide na ako". Sabi nito dito, ng diretso pa din ang tingin sa unahan.
"Ano yon baby?". Nagtatakang tanong ng lalaki, sabay lingon dito ng nakakunot ng bahagya ang noo.
"I want to give you a chance". Sagot nito.
Nakakunot pa din dito ang lalaki. Tanda na hindi nya naiintindihan ang pinagsasabi ng dalaga.
"I will send an annullment papers kay Dane, I want to be free". Pagpapatuloy ng dalaga, halata ang sinseridad sa boses nito.
"So, ibigsabihin ba nito El, pwede na tayo? Pwede na akong manligaw sayo?". Tanong ni Lendon dito, halata sa boses nito ang kasabikan.
Tumango na lang ang dalaga bilang sagot, na syang ikinasaya naman ng lalaki.
"Yes, thank you El, I love you!". Saad ng binata, sabay pinugpog ito ng halik sa mukha at niyapos ito ng mahigpit.
"Mahal kita Elisa Shayne Fernandezz!!".Sigaw ng binata sa paligid ng nakatayo.
Binuhat naman nya ang dalaga ng buhat pangkasal at sapilitan itong dinala sa dagat.
Kahit nagpupumilit si Eli ay hindi nya nakayanan pang labanan ito, kaya't nagpaubaya na lamang sya sa gusto ng lalaki.
Imbis na awayin nya ito, ay pinagtatalsikan nya na lamang ito ng tubig, na syang ginantihan naman ng lalaki.Para silang totoong couple sa senaryong iyon, pero ngayong binigyan na ni Eli ang binata ng pagkakataon na ipakita sa kanya kung gaano ito kaimportante dito, ay gagawin nya ang lahat makamit lamang ang matamis na oo ng dalaga.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...