Mabilis na nagdaan ang mga araw.
Nagtataka man sina Lendon at Eli dahil sa hindi pagpapakita ni Dane, ay hinayaan na lamang nila ito.
Pakiramdam nila ay parang unti-unting bumabalik ang buhay nila noon, nung mga panahon na sila lamang dalawa ang magkasama.Hindi alam ni Eli kung kailangan nya bang pasalamatan ang Diyos, dahil sinagot na nito ang mga panalangin nya noon, na layuan sya ng asawa.
Pero ganon pa man, ay hindi nya maiwasang malungkot, magalala at higit sa lahat magalit dito.
Parang sa ginagawang paglayo ni Dane, ay mas nagiging maliwanag kay Eli, kung gaano kababaw ang pagmamahal nito dito.
Ang akala nya kasi ay handa syang suyuin nito, gaya ng pagkakasabi nito dati.
Para saan pa at bumalik muli ito sa buhay nya, kung aalis din naman pala ito, kung sasaktan lang din naman pala sya ulit nito.
Mas lalo lamang lumalaki ang galit ni Eli sa asawa, pakiramdam nya ay pianaglalaruan lang sya nito.
Kung kailan handa na si Eli na harapin ang asawa ay bigla naman itong maglalaho na parang bula, hindi nya nga alam kung buhay pa ba ito o ano.Pero kung ganito ang gustong laro ng asawa ay pagbibigyan nya ito.
-
Malapit na ang sembreak nina Eli & Lendon, madami silang gustong gawin at puntahan, pero tila hindi sila makapagdesisyon."Sa beach na lang tayo Lendon, masarap mag sunbathing". Hiling ni Eli sabay yugyog sa braso ng binata.
"Baby, gustuhin ko man, ay hindi pwede" sagot nito dito ng medyo naiinis na "Baka makapatay pa ako dun ng wala sa oras" dugtong nito ng mahina ang boses.
"At bakit naman? May balak ka bang mangisda dun? Lendon naman, ang kj mo talaga kahit kailan!" Sagot nito dito sabay irap at bitaw sa binata.
Naglalakad na kasi sila patungo sa condo, katatapos lang ng klase at ngayon ay pinagpaplanohan nila kung paano nila maeenjoy ang sembreak, isang linggo na lang din kasi.
"El!" Takbo nito dito, sabay akbay.
"Ang baby ko talaga tss, ang slow slow kahit kailan". Sabay kurot sa ilong nito, gamit ang isang kamay.
"Ha?" Ngo-ngo na sagot nito, na syang nakapagpatawa sa binata.
"Ganto kasi yan". Sabay pagobserba sa kanya ng dalaga, halata ang kuryosidad dito, hindi pa din kasi talaga nito naiintindihan kung anong gustong ipahiwatig ng binata.
Natuwa naman ang huli sa reaksyon ng dalaga."Beach. Hot. Boys." Paliwanag ni Lendon dito, sabay taas ng kilay.
Binigyan nya na nga ng clue ang dalaga pero mas lalong kumunot ang noo nito, hindi nya tuloy alam kung naintindihan na nito ang point nya o naiinis ito sa kanya, sa paraan ng kanyang pagkakasabi."Lendon.." Babala na nito dito.
Senyales na naiinis na si Eli dito.Bumuntong hininga na lang ang binata sa dalaga.
"Baby mainit doon, madaming boys". Pagpapaliwanag nito dito.
"Lendon, niloloko mo ba ako, e tinagalog mo lang naman yung sinabi mo kanina at paano magkakaron ng boys doon aber?". Sagot ni Eli, ng nakahawak na ang kamay sa bewang.
"Pero nga kasi, ayoko na pagpantasyahan ka ng mga dugyot, syokoy at iba pang mga nilalang doon."
Sagot ng binata.Nabatukan naman ito ng dalaga ng wala sa oras.
Minsan talaga walang sense kausap ang isang Lendon Matthew Western, masyadong pilipit ang utak, kung gaano ito kagwapo at kalakas ang sex appeal ay sya namang maypagkabebe nitong magisip.Ang tinutukoy kasi ni Eli ay ang beach resort na pag-aari ng pamilya nya sa Batangas, private ito kaya naman silang dalawa lang ang naroroon, kung sakaling makumbinsi nya si Lendon.
"El naman, masakit yun ha". Sabay himas ng binata sa ulo nito.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" Naiinis na sabi pa din ng dalaga.
At mabilis na naglakad muli ang dalaga na kasunod si Lendon, na patuloy pa din itong sinusuyo.
Napangiti na lamang ang dalaga sa inaasal ng lalaki.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...