Chapter 8- Personal Comforter

89 18 6
                                    

Isa lang ang sigurado ni Eli, galit sya, galit na galit sya sa walang kwentang asawa nya.
All this time akala nya maayos ang lagat sa buhay nya, paanong nangyareng nakalimutan nya ang anak nya dahil lang sa galit nito sa ama ng bata.
Alam nya na hindi tama na ibuhos lahat ng galit kay Dane, kasi responsable din sya sa pagkawala ng bata, pero sa umpisa pa lamang, ang asawa nya ang puno't dulo ng lahat. Hindi nya pa din matanggap ang rason nito, tukso, sinong matinong asawa ang mapapaikot nya, lalo lang syang nag-iinit sa galit sa tuwing naalala nya ang walang kwentang rason nito.

Wala pa din sa sarili si Eli ng buksan nya ang condo, humihikbi pa din ito. Hindi ganon kadali para sa kanya na tanggapin ang lahat, damang dama nya ang sakit ng isang ina na nawalan ng anak at ng isang asawa na binaliwala at sinaktan sya.
Asawa, na naging malapit na kaibigan nya, noon pa man bago sila ikasal.

"El!! What happened to you? Are you hurt? Sinong gumawa nyan sa'yo?"

"Eli!!" At tuluyan ng bumagsak ang dalaga sa kanyang mga bisig. Nawalan ito ng malay.

Kinabukasan, naggising ang babae ng may mga bisig na nakapulupot sa kanyang bewang, ang swerte nya at nandyan ang kaibigan nyang si Lendon. Kahit na maraming beses silang nag aaway sa walang ka-kwenta kwentang bagay, alam nya na hindi sya nito sasaktan.
Niyakap nya din ito pabalik, at sa hindi namamalayan ay may mga luha na namang pumapatak sa mga mata nito.

"El!! Oh God thank you. I'm so worried about you, muntik na akong mabaliw dito, sssh hush now baby, I'm here, hindi kita iiwan". Sabay upo at yakap ng mahigpit dito.

"Em.. Ang sakit sakit, hindi ko na kaya". Nakayakap na tugon nito dito at umiiyak pa din.

"Sshh nandito lang ako, kasama mo ko sa lahat ng problema ok" sabay lingon sa dalaga at punas ng luha sa mga pisngi nito.

"Handa akong makinig El, nandito ako para sayo, my loves". Nakuha pa talagang magbiro ng binata sa ganitong klaseng eksena.

"Ikaw talaga, kita mo ng seryoso yung tao eh!" Ngumiti naman kahit papaano ang dalaga at pinaghahampas si Lendon.

"Eto naman, naglalambing lang eh, namiss kasi kita. San ka ba nagpunta kahapon? pati cellphone mo out of reach, gumaya pa sa puso mo". Pabulong na pahayag ni Lendon pero sapat na para marinig ng dalaga.

Alam nya sa sarili nya na espesyal sa kanya si Lendon, higit na din siguro sa kaibigan ang turing nya dito, pero iba na ang sitwasyon ngayon, may asawa na sya.
Asawa na wala namang ginawa kung hindi ang saktan sya ng paulit-ulit.

-
At ikinwento na lahat ni Eli ang mga pangyayari noong nakaraan at kasalukuyan kay Lendon.

Ng nasabi na nya lahat dito, bigla na lamang naramdaman ni Eli ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya na halos hindi na sya makahinga, parang ayaw sya nitong bitawan.
Ngunit sinusubukan naman ng dalaga na pakalmahin ito, sa pamamagitan ng paghangod sa makikisig na braso nito.

"Lendon.." Agaw atensyon nya sa binata.

"Sorry" narinig nyang tugon ng binata

"Wala ako sa tabi mo noong mga oras na iyon, sorry El". Naiiyak na pahayag nito dito.

"Sshh ano ka ba, ayos lang, ang importante andito ka ngayon, hindi mo naman ako iiwan diba? Diba Lendon?Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala sa tabi ko". Sabay subsub sa malapad at maskulado nitong dibdib.

"Hinding hindi kita iiwan El, pangako yan at lalong lalo hinding hindi kita sasaktan katulad ng gago mong asawa". Sabay hahod sa likod nito.

"Salamat Lendon, maraming salamat sa lahat lahat"
"..mahal kitang mokong ka" gusto nya sanang idugtong yan kaso komplikado pa ang lahat.

Hindi alam ni Lendon kung anong gagawin, may asawa na ang babaeng kinababaliwan at pianapangarap nya, pero ganon pa man lalaban sya, hindi nya hahayaang makuha na lang ng isang walang kwentang Dane Marcus ang kanyang mahal.
Ipaglalaban nya ang babaeng nakakapagpasaya sa kanya, ang nag iisang nag bibigay ng kulay sa mga araw nya.
Hindi nya hahayaan na mawala ang mga ngiti sa labi nito.

"Mahal na mahal kita Elisa Shayne Fernandez, mahal na mahal". Tugon ng puso at isipan nya.


~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon