Chapter 17- The heat

57 17 6
                                    

Maagang nagising si Eli, exited kasi itong makita muli ang karagatan.

Unang araw nila ngayon sa Resort.
Sa huli ay napapayag nya din ang binata na doon na lamang sila magbakasyon, ng sa ganon ay makapag relax na din.

Nakahiga lamang ito sa tela na inilatag nya kanina, suot suot ang itim na two piece, na mas lalong nagpalitaw sa kaputian nito.
Pinakikiramdaman nya lamang ang paligid: ang malakas na agos ng dagat, ang mga puno na tila sumasayaw sa ihip ng hangin at ang init ng araw na dumadampi sa kanyang balat.

Hindi nya na nakuha pang gisingin ang binata, bago sya umalis; mahimbing pa kasi itong natutulog at halata nya dito ang pagod sa biyahe,  ginawa nya kasi itong driver.

-

Nagising na lamang si Lendon, ng nakapa nyang wala na sa tabi ang dalaga. Bigla naman itong kinabahan, baka kasi may nangyare ng masama dito.

Patakbo itong lumabas ng kwarto at hinanap sa lahat ng anggulo ng bahay ang dalaga, pero wala syang nakitang Elisa Shayne Fernandez, kaya lumabas ito upang ipagpatuloy ang paghahanap.

Patuloy pa din ito sa pagsigaw sa pangalan ng babae, nagbabakasakaling maririnig sya nito.
Hanggang sa nakita nya ito  na nakahiga at tila dinadama ang paligid.
Nawala bigla ang kaba nya, para syang nabunutan ng maraming tinik.

Nakalapit na at lahat si Lendon sa dalaga, ay hindi pa din nito napapansin ang  kanyang presensya.
Napahaplos na lamang sya sa buhok nito, na sumasabay sa ihip ng hangin. Muli nya na naman napagmasdan ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso: ang mahahabang pilikmata nito, ang matangos na ilong, ang mapupula nitong labi at ang makinis, maputi at alaga nitong balat; para itong isang anghel, ang anghel ng buhay nya.

Balak sanang halikan ni Lendon ang dalaga ng bigla naman itong napabangon.
Kaya't naglapat na lamang ang mga labi nila, pareho silang nagulat, pero sa huli ay hindi na napigilan pa ni Lendon ang sarili at mas lalo pang idiniin ang halik na sinabayan naman ng dalaga.
It was a passionate yet sweet kiss, inihiga muli ni Lendon ang dalaga ng hindi itinitigil ang halik.

Naglalakbay na din ang kanilang mga kamay sa iba't ibang parte ng katawan nila, si Eli ay malambing na hinihimas ang makikisig nitong mga bisig, yan kasi ang paborito nyang parte sa katawan ng lalake, ang mga bisig nito, na lagi syang pinoprotektahan.
Si Lendon naman ay maingat na hinihimas ang likod ng dalaga.

Damang dama nila ang init na dala ng kanilang mga katawan, tanging short lang kasi ang suot ni Lendon, hindi kasi ito nagsusuot ng pang taas kapag natutulog. Isama pa na tanging two piece lamang ang suot ni Eli, mas lalo tuloy nasasabik ang binata dito.

"Lendon..". Pagputol ng dalaga sa kanilang mga halik.

Dumistansya naman ng kaunti ang binata dito at hinaplos ang pisngi nito.

"Sorry El, hindi ko lang napigilan, sorry". Sabi nito dito ng nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Ssh Lendon, you don't have to say sorry naiintindihan ko, pero sana alalahanin mo pa din na hindi pa tayo pwede, ayokong masaktan ka, ng dahil sakin". Nagaalala nitong sagot.
Sa mga  halik ng binata sa kanya kanina, sa bawat haplos nito dito, ramdam nya ang pagmamahal, ang pag-iingat.

"Naiintindihan ko El, wag kang mag alala". Tugon naman ng binata.

"Thank you Lendon, I love you". Sabay ngiti dito ng may tamis sa labi.

Humiga na lang din ang binata sa tabi nito, tumagilid at sinabi "I love you more baby. Maghihintay ako". Sabay ngiti nito dito.


~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon