Chapter 18- Picnic Brunch

61 18 5
                                    

Mahimbing na natutulog si Lendon, ng may narinig syang ungol sa tabi nito.

Si Eli pala iyon.
Walang gabi na hindi ito binabangungot, simula ng nangyare ang aksidente ng gabing iyon.
Kaya naman, palagi na lamang tumatabi ang binata dito, upang pakalmahin ito kahit papaano.
Sa mga yapos at himig ng maamong boses nito, ay nakakatulog ulit ng mahimbing ang dalaga.
Pakiramdam nga ni Lendon, ay palagi na lamang syang puyat sa dalaga, kaya naman lagi itong nahuhuling bumangon; pero ganon pa man ay masaya ito, na kahit papaano ay may naidudulot itong maganda.

Hindi alam ni Lendon kung ano ba talaga ang nangyare ng gabing iyon, pero base sa mga ungol, daing at sigaw ni Eli, sa mga gabi gabi na binabangungot ito, ay halatang may takot pa din ito, na kahit hindi man nito sabihin sa kanya ng personal ay ramdam nya na mabigat ang dinadala nito at wala na syang sinisising iba kung hindi si Dane.

Galit na galit si Lendon kay Dane, sapagkat hanggang sa pagtulog ni Eli ay ginugulo pa din nito ang babae.
Ang hinihiling lang ni Lendon ay ang manatili na lamang ang mga bangungot ni Eli sa pagtulog nito.
Hindi nya alam kung anong magagawa nya, oras na magpakita muli ang asawa ng babae.

Hindi na nakatulog pang muli si Lendon, kaya naman napagdesesisyonan niyang magjogging na lang.
Doon nya na lamang ibubuhos ang galit kay Dane.
Iniwan nya na ang dalaga, na mahimbing na natutulog ngayon, umalis sya kahit na mag-isa na lang ito, kampante naman sya na walang mangyayareng masama dito, sila lang naman kasi ang tao doon.

-
Nagising si Eli, sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nya at natunton nya na magisa na lang sya sa kama.
Napabangon naman ito bigla, bihira lang kasing maggising ng maaga ang mokong, kaya't nagtaka ito.
Sandaling lumabas si Eli sa balcon ng kwarto, ng may nakaagaw ng atensyon nya, isang maskuladong katawan ng binata na mabilis tumatakbo at tanging shorts lang ang suot nito, kaya naman kahit sa malayo ay tanaw na tanaw ang malalapad at makisig nitong dibdib, isama mo pa ang six pack abs nito, kahit may kalayuan ito ay alam nyang wala na itong iba kundi ang nag-iisang Lendon Matthew Western.

Napagdesisyonan na lang ni Eli na magluto na lamang, habang wala pa ang lalaki, masyado na nyang napagmasdan ang kakisigan nito, bagay na hindi sya magsasawang gawin.

Napagpasyahan ni El na sa labas na lang sila kumain, sa ilalim ng puno, mainit kasi sa loob ng bahay.

Naghahayin na ito ng nakaramdam sya ng mga kamay na tumakip sa mga mata nya, sa una'y nagulat ito pero ng naramdaman nya ang malalapad nitong dibdib at ang masculine nitong amoy, ay hindi na sya nagdalawang isip pa, si Lendon nga iyon.

Bigla naman napaharap dito si Eli, pakiramdam nya kasi ang tagal nilang hindi nagkita, na miss nya kaagad ang binata, pero ayaw nyang ipaalam dito, tutuksuhin lang kasi sya nito.

"Flowers to the most beautiful girl on the universe, Elisa Shayne Fernandez this is for you". Magalang na saad ng binata dito, sabay bigay ng mga bulaklak na pinitas nito kanina.

"Thank you Lendon Matthew Western". Sagot naman ng dalaga, hahalkan na sana sya ng binata, pero pinigilan nya ito.

"A-ah Lendon magbihis ka muna at maligo, ang baho mo, hihintayin kita dito". Pagtataboy nito dito, pawisan kasi ito, pero ganon pa man ay mas nangingibabaw ang bango nito, ang totoo nyan, nasisilaw lang si Eli sa pawisan na katawan ng binata.

"Mabaho daw, e kulang na nga lang paliguan mo ko ng mga halik, tss". Tugon nito habang papasok na ng bahay. Wala naman itong magawa kundi sundin na lang ang babae.


~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon