Chapter 44- Answers

27 7 1
                                    

"Mag dadalawang buwan na nakaramdam si Lendon ng kakaiba sa kanya bago pumunta dito sa ospital at magpacheck-up, akala nya daw simpleng sakit lang ng ulo ang sakit nya, pero dumaan ang mga araw, linggo at buwan ay mas lalong lumalala ito". Pagpapaliwanag ni doc. Loraine kay Eli.

Nasa cafeteria sila ng mga oras na iyon at mataimtim na nakikinig si Eli sa paliwanag nito.

"Nagsagawa kami ng mga test sa kanya kumailan lang at napagtanto nga namin na malala na ang sakit nito, although pwede pa naman syang gumaling".

"Kung hindi mo nahahalata, malaki ang ipinagbago ni Lendon, mula sa pisikal nitong anyo hanggang sa emosyonal nitong pagkatao".

"Kaya pala malaki ang ipinayat nya, tapos lagi pa syang pagod at mainitin ang ulo, kung minsan sinisigawan nya ako ng walang dahilan, pero imbis na intindihin ko sya ay sibasabayan ko lang ang init ng kanyang ulo, kaya naman nagaaway kami". Tugon ni El ng hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari.

"Hindi ko kailanman naisip na pwede itong mangyari sa kanya, hindi sa kanya, hindi sa ganitong point..". Naluluha na naman nyang sabi.

Hinawakan na lang ng doktor ang kamay ni El na nakapatong sa lamesa, upang damayan ito kahit papaano.

"Masama din sa kanya ang ma stress at mapagod, lalo na ang magisip ng masyado".

Naguilt naman si Eli sa narinig, lahat pala ng bawal dito ay syang idinulot nya sa lalaki, kaya't hindi na sya magtataka pa kung bakit sa ospital ang bagsak nila.

"Kasalanan ko to eh -sabi nya at kinuyom ang kamao sa lamesa, galit na galit sya sa sarili- ako ang may dahilan ng lahat, kung hindi ko sya sinundan, hindi sana kami magaaway at kung hindi ko sya pinagalala, sana....,sana wala kami sa letseng ospital na to!". Sabi nya sabay hampas ng kamay sa lamesa at umiyak ng tahimik.

"Ssh El, nanyari na eh, wag mo ng sisihin ang sarili mo, wala namang may gusto sa nangyayari".

"Doc..gawin nyo ang lahat, parang awa mo na, hindi ko kakayanin kung pati sya mawawala sakin...hindi ko kaya".

"Ipa sa Diyos na lang natin ang lahat El, pero gagawin pa din namin ang abot ng aming makakaya.
Kelangan nya ng maoperahan as soon as possible dahil kung hindi ay baka lumala pa ito. Dapat ay sa susunod pa na buwan ang schedule nya kaso kailangan natin itong paagahin para maagapan ang sakit nya.
Masyadong malakas at madaming suntok ang natamo nya at maaring natamaan ang sensibleng parte ng ulo nya kaya sya nawalan ng malay.
Tatapatin na kita Eli, delikado ang operaston na isasagawa namin, dahil gaya ng alam mo isang sensitibong organo ang utak, isang maling galaw lang namin ay maaring magkaron ng malaking epekto ito sa pasyente, idagdag mo pa na mahina ang resistensya at katawan ni Lendon.
Hindi ko maipapangako sayo na magiging succesful ang operasyon pero gagawin namin ang lahat, sana maintindihan mo".

Sobrang kaba at alala ang nararamdaman ni Eli, kahit wala syang matinong tulog, kain at pahinga ay sapat na ang mga impormasyon na nakuha nya ngayon upang maggising sa katotohanan na nasa malubhang estado ang kanyang boyfriend at anumang oras ay pwede sya nitong iwan.
Ayaw nya sanang magisip ng hindi maganda kaso hindi nya mapigilan ang sarili na hindi tignan ang mga negatibong aspeto na pwedeng mangyari pagkatapos ng operasyon.
Pakiramdam nya ay anytime mababaliw na sya, lahat ng mga tanong sa isipan nya noon ay nabigyan na ng sagot. Inaasahan nya sana na sa lalaki mismo marinig ang mga ito, ng sa ganon ay magkaintindihan sila.

"Napakamakasarili ko doc, ang buong akala ko ako lang ang nasasaktan sa relasyong ito, akala ko ay pinagpalit nya na ako sa iba, kaya ganun na lang nya ako ipagtabuyan, yun pala sya yong mas nasasaktan sa aming dalawa..ang sama ko". Patuloy na iyak at sabi nya.

Hinahagod na lang ng doktor ang likod nito, para maiparamdam na hindi sya nagiisa.

"Pero bakit wala syang sinabi sakin about sa sakit nya?
Bakit nya pinilit na itago ito sakin?
Hindi na ba talaga ako mahalaga sa kanya?
Ayaw nya ba na tulungan ko sya?".

"Hindi ko alam Eli, tanging si Lendon lang ang makakasagot ng mga iyan, sa ngayon ipagdasal mo na lang ang operasyon".

Susubukan nyang maging matatag at lalakasan nya ang loob dahil alam nya na kung si Lendon ang nasa posisyon nya ngayon ay ito rin ang gagawin nya para sa kanya, ganito sya kamahal ng lalaki at ganon din sya dito.

~Yan Yan

The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon