Hinehele ni Eli ang nakatulog na si Mia sa mga bisig nito, si Lendon naman ay pinapanood lamang ang mga ito.
Hindi mapigilan ni Lendon na makaramdam ng kiliti sa dibdib, kahit hindi nya alam ang nanyayare ay natutuwa ito, ngayon nya lang kasi nakita ang kakaibang side ni Eli, malambing, maaruga at kita mo sa mga mata nito ang kakaibang saya.
Marahan lang pinagmamasdan ni Eli ang batang mahimbing na natutulog sa kama, samantalang si Lendon ay pilit pa ding sinusundan at pinagmamasdan ang bawat kilos nito.
"El, you own me an explanation". Madiin na sabi nito dito.
"Lendon not now, please. Let me enjoy this moment...Ang ganda ganda nya, para syang anghel, kung sana nabubuhay sya ngayon ay malamang magkasing edad lang sila". Malungkot na saad nito, habang hinahaplos ang munting daliri ng bata.
"Baby". Tugon naman ni Lendon dito, pati tuloy ito ay nalulungkot na para sa dalaga.
Sa mga oras na iyon, pakiramdam nya ay wala syang magawa, hindi nya alam kung ano ang sasabihin, kung paano nya ito aaliwin; ang kaya nya lang gawin sa ngayon ay ang makinig at damayan ito."Lendon hanggang ngayon masakit pa din eh, ang sakit sakit". Maluha luha ng sabi ni El.
Kung tutuusin ay kulang ang salitang sakit, sa nararamdaman ngayon ni Eli.Kahit kailan ay hindi nya napagluksaan ang anak, hindi nya kasi matanggap na nawala na ito, para kasi sa kanya ay buhay ang anak, hindi man pisikal kung hindi patuloy itong naninirahan sa puso nya.
Totoo nga naman na walang kasing sakit ang mawalan ng anak, kahit sabihin na natin na hindi nya ito nakilala o nasilayan man, ay naging parte naman ito ng sistema nya, ng pagkatao nya.
"Lendon wala akong naggawa para ipagtanggol man lang sya, all this time sinisisi ko ang ama nya, pero ako pala talaga ang may kasalanan, naging pabaya ako, hindi ko sya naalagaan".
Nanginginig na sabi na ni El, habang si Lendon naman ay maingat na nakikinig dito at hinahaplos ang likod nito."Napaka wala kong kwentang ina, hindi ko naibigay sa kanya ang buhay na nararapat sa kanya, ang pamilya na ipinangako ko sa kanya...Lendon ang sama sama ko" .Naiyak na nitong saad at tuluyan na itong napayakap sa binata.
"Ssh El, wag mong sisihin ang sarili mo, may plano ang Diyos at maari ngayon ay hindi pa natin maiintindihan, pero darating din ang panahon na magiging klaro ang lahat". Tugon nito dito habang patuloy ito sa paghagod sa liko ng dalaga.
"El, baby. Sshh. Remember, even if the world turns it's back on you, I'll always be right by your side". Sabi nito dito ng may sensiridad sa boses at diretsong nakatingin sa mga mata nito.
"Siguro, oras na para pakawalan mo sya, i mean kung sakaling nakikita ka nya ngayon hindi nya ito magugustuhan.
I think kelangan mo ng subukan na maging masaya para sa kanya, oo nga't hindi mo sya nabigyan ng buhay na ninanais mo para sa kanya, pero El ma-swerte sya at ikaw ang naging nanay nya. You are amazing, baby, kaya mahal na mahal kita and ganon din si baby.."."Sundy, baby Sundy.
Ako talaga nag pumili ng neutral name na yan". Dugtong nito ng may kaunting ngiti sa labi."Sundy, what a nice name, i'm sure he/she likes it". Paninigurado nya dito.
"Thank you Lendon, for everything, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka pumasok sa buhay ko, baka tuluyan na akong nabaliw nyan". Natatawa na nitong sabi sa huli.
"It's my pleasure baby, alam mo na, destiny, minsan malupit pero minsan naman mabait. Sadya nyang pinagtatagpo ang dalawang tao for any reason". Nakatitig na sabi nito sa mga mata ng dalaga.
"At ano naman yung atin?". Tanong dito ni Eli.
"Siguro.., to protect you and to stay with you even in the darkest moments and lastly to love you, baby".
Napangiti na lamang ang dalaga dito at hinagkan sya ng matagal.
"Mahal din kitang mokong ka".
"But you still own me an explanation. I don't accept any other excuses.
Ok? baby?". Seryosong dugtong pa nito.Napatango na lang ang dalaga, bilang pag sangayon dito.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...