Unti-unti namang lumalapit si Lendon sa dalaga upang mahalikan ito, wala na syang pakealam kung magalit ito sa kanya, ang gusto nya lang ay gawin ang sinasabi ng puso nito.
Nakapikit na ito pero bigla na lamang syang napamulat ng narinig nya ang halakhak ni Eli
"Hahaha, grabe sarap mong picturan, tabi na nga dyan at malelate na tayo"."Konting konti na lang aissshh" inis na bulong nya sa sarili.
"Can we talk Isa?" Yan na lang ang bumungad kay Eli ng pagpadok nya ng klase.
Tumingin tingin muna ito sa paligid, hindi kasi sya sure kung sya talaga kinakausap ng gwapong nilalang na nasa harapan nya at nakita nya na halos lahat ay nakatingin din sa kanilang dalawa.
"Yes Elisa Shayne Fernandez, I'm talking to you" seryosong sabi nito.
"Ahm eh ngayon na ba?"
Imbis na sagutin sya nito ay kinaladkad na lamang sya nito.
"Hoy bitawan mo nga ako!! I don't even know you mister!!"
Pero tila walang naririnig si Mr handsome.
"Mr handsome este Mr. Stranger bitawan mo nga ako, sasama naman ako sayo e".
"Oh i miss you so damn much my wife" bigla naman naging maamo ito sa kanya at niyakap sya.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?! Wife? Miss? Ako? Seryoso ka ba baka naman ibang babae ang tinutukoy mo?" naguguluhan pa din nitong saad sa binata.
"No. I mean it's me amore , you used to call me Den-den before, can't you remember?". Masuyong saad nito sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang naguguluhang espresyon ng dalaga.
"Paanong..." Hindi na naituloy pa ng dalaga ang sasabihin sapagkat hinalikan na sya nito, sa sobrang gulat ay hindi agad sya nakatugon pero naging malambing at tila sinusuyo sya nito sa kanyang mga halik, ramdam din nya na may pagmamahal ang mga ito.
"Hindi ko alam kung paano nangyare na hindi mo ko matandaan, I'm willing to chase you everyday kung ito ang makatulong sayo na makaalala". Sabay yakap dito ng mahigpit.
Hindi alam ng dalaga kung ano ang dapat nyang sabihin kaya niyakap na nya lamang din ito pabalik na sya namang ikinatuwa ng asawa.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomansaBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...