Lunes na.
Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nangyari, buti na lamang at napigilan pa ng dalawa ang kanilang mga sarili.
"El, ready?". Tanong ng binata.
Alam ni El ang gustong ipahiwatig sa kanya ng binata, kung handa na ba syang harapin si Dane.
"Kung hindi ko sya haharapin ngayon, kelan pa?". Naisip nya.
"Ako pa, syempre naman no. Tara?". Mayabang na tugon nito dito, pero sa totoo lang kinakabahan sya sa kung anong pwedeng mangyari.
"Magiging maayos din ang lahat". Tugon ng binata, sabay halik sa noo ni Eli, napapikit na lamang ito.
At sabay umalis ang dalawa ng magkahawak ang kamay.
Nagtungo ang dalawa sa eskwelahan, gamit ang bike ng binata.
Kung tutuusin meron namang kotse ang binata, pero kapag pumupunta sila sa school mas gusto nyang gamitin ang bike, kung baga excercise daw, pero ang totoo nyan, gusto nya lamang maramdaman ang mahigpit na yakap sa kanya ni Eli.
Corny, kung iisipin ng iba, pero ganyan ang nagagawa ng love kay Lendon Matthew Western.
Nakuha na lang ngumiti ng binata habang nagbabike at pinagpatuloy ang pagkanta.
Mas lalo nya kasi naramdaman ang higpit ng yakap ng dalaga dito.Pumasok ang dalawa sa klase, business manegement ang kurso nila pareho at nasa last year na sila, halos lahat nga ng oras magkasama sila, ang akala nga ng iba ay mag dyowa na sila.
Nakikipag kwentuhan lamang si Eli sa mga iba nyang kaklase about sa project nila, ganon din naman si Lendon sa mga barkada nya, hanggang sa dumating ang kanilang professor.
-
Payapang nagtuturo si Mr. Santiago ng bigla na lamang kumalabog ang pinto, ang iba ay huminto sa kanilang ginagawa, may sumigaw naman at tumayo dahil sa gulat at takot.
"Mr. De Ambrosio!! Anong kaguluhan ito! You're late! At bakit ganyan ang itsura mo! Ipinapaala ko lang sayo mister hindi ito bar kung hindi eskwelahan! nagkak..-". Pasigaw na pahayag ng professor, pero hindi pa sya tapos ay sumagot na agad ang lalaki kaya't mas lalo itong nagalit.
"Shut that fuc*king mouth of yours, you're irritating me tss". Sagot nito ng walang galang at wala sa sarili.
Hindi maipaliwanag ni Eli ang nakikita nya ngayon, he looks miserable, in pain and broken.
Parang ilang araw na itong walang tulog at walang kinakain, halata dito ang pagod and at the same time nangangayayat na ito.Nakaramdam ng sakit si Eli, pakiramdam nya sya ang may kasalanan kung bakit ganon na lamang ang kilos at estado ng lalaki, masyado na nitong inaabuso at pinapabayaan ang sarili.
Pero hindi nya dapat ito maramdaman, "Kung ano sya ngayon ay kasalanan nya iyon". Bulong nya sa sarili.
"Get out of my class, Mr. De Ambrosio, kung ayaw mong ipa-suspend pa kita!" Pasigaw na pahayag ng professor, halatang galit na galit ito.
At umalis na nga ang lalaki, tutal ayaw nya naman talaga pumasok ngayon, ang intensyon nya lang ay ang makita ang kanyang asawa.
Pakiramdam ni Eli may mga matang sumisisid sa kanya, ng mga oras na iyon, kaya't sya ay napatunghay na lamang sa unahan.
Tama nga ang hinala nya, tinitingnan sya ng asawa ng may lungkot at pangungulila, saka ito umalis.Kung tutuusin balewala sa lalaki kung i-suspend man sya o hindi ng kanilang professor, tapos na din naman sya sa pag-aaral.
Ang totoong inaatupag nito, ay ang kanilang kumpanya, pero ng nalaman nya na nag-aaral pa pala ang kanyang asawa ay nag enroll ulit sya.
Noong una ay ayaw syang payagan ng direktor ng eskwelahan, pero ng dahil sa kanyang pera at posisyon ay napapagyag nya din ito. Lahat gagawin niya makita't makasama lamang nya muli ang kanyang asawa.Marami sa mga kaklase nila ang nagchichismisan dahil sa nangyare.
Ang iba ay kinuhanan pa talaga ng picture ang lalake, bago ito lumabas, ang iba naman mga kalalakihan ay pinagtawanan lamang ito.
Habang ang professor naman ay nagtatangkang ibalik ang katahimikan, na kanina ay bumabalot sa klase.Tila ang lahat ay abala sa pag-alaala sa nangyari, samantalang si Eli at Lendon naman ay naiwang tulala.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...