Magulo ang paligid.
Maingay.
May mga taong nagbubulungan.
Mga doktor na mabilis pa sa hangin kung kumilos upang maisagawa ng maayos ang kanilang trabaho sa pasyente na kadadating lang.Lahat may pinagkakaabalahan, lahat may ginagawa; pero si El nanatili lamang syang nakatayo sa entrance ng ospital ng tulala, naguguluhan na sya sa nangyayari, kanina lamang ay kausap nya pa ang binata pero eto sila ngayon at nasa ospital.
-
Eli's PovNamanhid ang mga paa ko pagkapasok ko sa ospital, masyado ng madami ang mga alala na pilit kung kinakalimutan sa lugar na iyon.
Una, dito sa ospital na ito ang una at huling beses ko nasilayan ang lumaho kong anak na si Sunny; dito ko naramdaman ang sakit na hanggang ngayon ay bitbit ko pa din.
Pangalawa, dito ko nasaksihan ang panloloko na ginawa sakin ni Lendon, noong sinabi nyang hindi nya na ako mahal at kailangan.
At ngayon, sa pangatlong pagkakataon nandito na naman ako sa hindi malamang dahilan.
Ano ba talaga ang tinatago mo sakin Lendon?
Bakit nilalayo mo ko sa buhay mo?
Ano ang dapat kung gawin?
Paano kita matutulungan kung hindi ko alam ang problema?Tinitigan ko lang ang mga doktor na patuloy ginagawa ang kanilang makakaya para tulungan si Lendon na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.
Blanko lang ang puso at isipan ko ng mga oras na iyon. Sa halip na magisip ng hindi maganda ay pinikit ko na lamang ang mga mata ko at mataimtim na nagdasal sa Panginoon, sya lang ang tanging nakakaalam ng mga nangyayari o pwedeng mangyari kay Lendon. Alam ko na meron dahilan ang lahat, gaya ng sinabi noon sa akin ni Lendon.
Sa Diyos ko na lang ibinuhos ang lahat ng mga gumugulo sa isip ko.Hangga't kaya ko pang kontrolin ang mga emosyon ko ay pipiliin kong alalahanin ang mga pagkakataong masaya pa kaming dalawa ni Lendon.
Wala na akong pwedeng mahiling pa kung hindi ang mabigyan ng pagkakataon upang madagdagan ang mga iyon, kahit na sinabi nya na sa akin ng harapan na sumusuko na sya, na pinapalaya nya na ko.
Gustuhin ko man kalmahin ang sarili ko, ay hindi ko pa din maiwasang maiyak sa naisip.
Sobra na.
Sobra ng sakit.
Para akong tanga na iiyak tapos ngingiti at sasabihing Eli ano ka ba magtiwala ka kay Lendon, hindi ka nya bibiguin.
Patuloy ko lang kinukumbinsi ang sarili ko na magiging maayos din ang lahat, dahil alam ko na malakas si Lendon at meron syang mabigat na dahilan para bitawan ang mga masasakit na salitang iyon.
Sa ngayon ang pinanghahawakan ko na lang ay ang pag-ibig ko para sa kanya. Dito na lang ako kumukuha ng lakas sa mga oras na ito.Lumipas ang oras, mag aalas syete na ng umaga, ngunit hindi pa din lumalabas ang doktor sa loob.
Konti na lang at mababaliw na ako, gustuhin ko mang papuntahin dito si Sara ng sa ganon ay may mapagkuhanan ako ng lakas, ay hindi pwede may bata din kasi itong inaasikaso at malamang tulog pa ang mga iyon."Miss kapatid ka ba ng paayente?". Rinig kong tanong ng doktor na papalapit sa akin.
"Doc, girl friend po nya ako, kamusta po si Lendon? Maayos na po ba sya?".
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa miss, delikado at kritical ang kondisyon ni Lendon at baka hindi nya makayanan ang operasyon, mahina at maselan ang katawan nito, dala siguro ng masyadong stress".
"Oh God!! Doc, gawin nyo ho lahat ng makakaya nyo, wag nyo hong hahayaan mapahamak si Lendon".
"Gagawin namin ang abot ng aming makakaya miss".
"Salamat doc".
Tumango na lamang ang doktor bilang pagtanggap ng pasasalamat ko at tuluyan na syang umalis.
"Doc, kamusta si Lendon?". Tanong ng isa pang doktor na kadadating lang at kung hindi ako nagkakamali ay ito din ang babaeng kausap ni Lendon noong nakaraang araw. Ang araw na nagaway kami.
"Doc. Loraine! Andito ka na pala, finally! Kanina ka pa namin hinihintay. Anyway nasa loob si Lendon at malala ang kondisyon nya, marami itong tama at pasa sa mukha, kaya siguro ito nawalan ng malay dahil sa mga suntok at sapak na natamo nito". Sabi nito habang naglalakad sila palayo.
"No doc, may mas malalin pang dahilan..hindi ba kayo nagsagawa ng test sa pasyente".
"Yes we did, but we are still waiting for the results. Bakit? Is there something wrong?".
Hindi ko mapigilang ibaling ang atensyon sa dalawang doktor na naguusap sa hindi kalayuan ko, sigurado akong si Lendon ang pinaguusapan nila. There's no need to doubt about it.
"Yes, he has a brain tumor at sigurado akong ito ang dahilan kung bakit sya nawalan ng malay".
Hindi ko na nakayanan pang manahimik at makinig na lang sa isang tabi kaya naman mabilis ko silang pinuntahan. Oo nga at umaga na at wala pa akong tulog idagdag mo pa na medyo lasing pa din ako, pero hindi ako bingi at lalong hindi ako tanga para hindi maintindihan ang pinagsasabi nila.
"Anong sabi mo?!" Malakas na sigaw ko sa doctor na babae at lumapit sa mga ito.
"Ulitin mo ang sinabi mo! Ano?!, hindi mo maggawa kasi gumagawa ka lang ng kwento para ilayo sya sakin, ganun ba?!".
"Eli huminahon ka, hindi ako gumagawa ng kwento at kahit kailan hindi ko makukuhang magsinungaling sa trabaho ko, totoo ang sinasabi ko..".
"No..no..no hindi pwede..hindi totoo yan..". Paulit ulit na sabi ko sa sarili habang nakaupo na sa sahig, umiiyak at sinasabunutan ang sarili.
"Eli, makinig ka- sabay luhod nito- alam kung mahirap tanggapin pero andito na eh, wala na tayong maggawa kung hindi ang magdasal at maging malakas para sa kanya".
"Kasalan ko to..ako ang may kasalanan..Lendon I'm sorry..sorry..hindi ko alam". Paulit ulit ko pa ding sabi habang umiiyak at yakap yakap ang sarili.
"Ssshh magiging maayos din ang lahat, malakas si Lendon right?". Pag aamo nya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango na lang ako bilang pagsangayon, dahil wala na akong lakas pa para magsalita.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
Storie d'amoreBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...