"Pero bakit ikaw lang ang hindi ko maalala?" Naluluha pa din nitong tanong.
"Siguro karma ko na din yun, masyado kitang nasaktan kaya pinili ng puso mo na kalimutan na lang ang isang gagong katulad ko haha". Natatawa ngunit umiiyak na tawa pa din nito.
"Ang tagal kitang hinanap, mahal ko, ngayong andito ka na magiging masaya na ulit tayo". Yayakapin nya sana ito pero pinigilan sya ng babae.
"No please.. Don't! Ngayong naalala ko na lahat wag mong asahan na basta basta na lang kita mapapatawad.
Hindi lang ako ang winasak mo Dane, pati na ang anak ko, nawala sya ng dahil sa walang kwenta nyang ama!". Singhal nya na may kasamang suntok sa dibdib ng lalaki."Patawarin mo ko Elisa, patawad, patawad" paulit ulit nitong saad at kinabig ang babae sa kanyang mga bisig.
"Paano mo nagawa sa akin to Dane?! San napapunta ang mga pangako mo?! Paano mo nagawa to Dane?! Minahal kita! Lagat binigay ko sayo! Bakit!?" Panay ang suntok nito dito kahit na yakap yakap sya ng asawa.
"Hindi ko alam Elisa masyado pa tayong mga bata noon, siguro nadala lang ako sa tukso"
"Tukso?! Dane naririnig mo ba ang sarili mo?! Nawala ang anak ko dahil sa puny*tang tuksong yan". Singhal nito ng paulit ulit syang hinahampas.
Hanggang sa nawalan na ito ng lakas at kusa na lamang bumitaw sa lalaki.
"Tama na, wala na din namang patutungugan ang usapang to, aalis na ako" paalis na sana si Eli, ngunit bigla na lamang may pumilipit na mga braso sa bewang nya.
"No please.. Nagmamaka awa ako, Don't go, dito ka lang sa tabi ko, promise aalagaan na kita, ibabalik natin ang nakaraan". Sabay subsob sa leeg ng babae na nagpupumilit pa din umalis.
"Dane sawang sawa nako, sa mga pangako mo, sa mga sinasabi mo!
Palayain mo na ko, utang na loob, sobrang sakit na eh, sobra sobra na" tugon nito na nawawalan na ng lakas."Babalik ka ulit sa akin Elisa, tandaan mo yan, hindi kita susukuan!".
At tuloy ng umalis ang babae sa mansyon, ng luhaan.
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
RomanceBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...