Kinabukasan.
Napahawak na lang si Lendon sa sintido nya, pakiramdam nya binibiyak ang parteng kaliwa ng ulo nya sa sakit.
Kasulukuyang nasa eskwelahan silang dalawa ni Eli at nakikinig sa titser.
Ipinatong na lang ni Lendon ang ulo sa lamesa sa pagasang mawala kahit papaano ang kirot na nararamdaman.
Hindi nya mabilang kung ilang beses sa loob ng isang araw syang nakakaramdam ng matinding kirot at panghihina.
Siguro nga ay kailangan nya ng magpatingin sa doktor bago pa lumala ang nararamdaman, pero hindi nya maiwasang matakot sa kung anong pwede nilang ibalita sa kanya.
"Lendon, psst, huy..". Tawag sa kanya ng dalaga.
"Hmm". Tugon naman nya dito ng nakapatong pa din ang ulo at kamay sa lamesa.
Siguro yung iba iisipin na natutulog lang ito, bagay na hindi nya gawain sa eskwelahan.
"Galit ka pa ba? Sorry na, alam mo namang parehas ko kayong baby ni Mia, wag ka na namang magtampo oh". Sabay yugyug nya dito.
"Baby ko.. Huy!".
"Lendon baby my love, huy!". Pagkanta pa ng dalaga.
"Ano ba!!". Medyo pasigaw na pahayag ni Lendon dito at tinignan ng diretso ang dalaga.
Nagulat naman si El sa inakto ng binata, hindi nya lubos maisip na magiging ganon ang reaksyon nito.
"Stop pestering me El!! Hindi mo ba nakikita na nagpapahinga ako!". Medyo napalakas pa yata ang tono nito, kaya naman naagaw nila ang atensyon ng mga kaklase.
May mga naggising, nagulat, tumawa at nagbulungan sa narinig; ngayon lang yata kasi nila nakita na sinigawan ni Lendon ang dalaga at sa harap pa ng maraming tao."Mr. Western! Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw sa klase ko? At kung intensyon mong magpahinga ay wag dito, hindi dito sa klase ko! Get out!". Sigaw ng professor at turo sa pinto senyales na kailangan nya ng lumabas.
"Pssh". Tayo nito at nagtungo ng mabilis sa pinto.
Naiwan namang tulala si Eli, ngayon nya lang nakitang ganon ang lalaki, kahit na in this past few days ay hindi maipagkakaila na ibang iba ang ikinikilos nito. Palaging pagod, mainitin ang ulo at kung minsan nga ay hindi na sya pinapansin nito.
Hindi na nakuhanan pang mag concentrate ni Eli sa mga leksyon, iniisip nya pa din kasi kung may naggawa ba syang mali sa binata o kung nakagawa ba sya ng bagay na hindi nito gusto.
Humiga na lang si Lendon sa ilalim ng puno sa paborito nilang lugar ni Eli, ang "C&C" . Gustohin man nyang matulog ay hindi nya magawa, nakokonsensya kasi ito sa paraan ng pagkakasabi nya kay Eli, alam nya na nasaktan at napahiya nya ang dalaga, hindi nya naman ginusto iyon, sadyang masama lang ang pakiramdam nya.
Kaya imbis na pahirapan ang sarili sa kaiisip ay susulitin nya na lang ang oras ng mag-isa, pupunta sya sa doktor.
-
"Mr Western, come in". Narinig nyang banggit ng nurse."Good morning Doc".
"Good morning too sir..-".
"Lendon na lang po". Sabay abot nya ng kamay dito.
"Oh nice to meet you Lendon, Take a sit". Abot ng kamay dito ng babaeng doktor at kung hindi sya nagkakamali ay nasa 25 lamang ito.
"So.. What brought you here Lendon?". Tanong ng doktor ng nakangiti.
"Ah e balak ko po sanang magpa check-up".
"Ah ok, but please wag ka ng mag 'po', halos magkasing age lang naman tayo".
"Ah sige po.. Este doc..-"
"Lorraine. Doc Lori na lang for short".
"So, may nararamdaman ka bang kakaiba in this past few days?".
"Madalas akong mahilo at sumasakit ang ulo ko doc, tapos mabilis din akong mapagod at tingin ko bumaba ang timbang ko".
"Kelan mo pa nararamdaman ang mga ito Lendon?". Nakatungong tanong nito at nagsusulat.
"Ahm siguro mga 1 month na din".
"1 month.. Pero ngayon ka pa lang pumunta sa doktor o nagpa check-up ka na dati?".
"Ngayon lang doc. Akala ko kasi simpleng sakit lang ng ulo, kaya uminom ako ng moment, kaya lang walang epekto".
Tumango na lang ang doktor sa narinig.
"Kelangan mong obserbahan ang sarili mo Lendon, bibigyan kita ng gamot, pero kailangan mo pa din pumunta dito next week para malaman natin kung umepekto ba ang gamot o hindi, ng sa ganon ay alam natin kung anong totoong kondisyon mo".
"Salamat Doc.".
"Walang anuman, basta twice a day mo inumin yung gamot na niriseta ko sayo".
"Makakaasa ka Doc."
~Yan Yan
BINABASA MO ANG
The Shape Of Love (COMPLETE) -Book 1-
Любовные романыBabaeng bigla na lang natuklasan na may asawa pala sya. All this time ang buong akala nya ay tanging sya na lamang mag-isa sa buhay, hanggang sa nagpakilala ang transfery ng school nya at sinabing asawa sya nito. Pero, hindi nya na ito mahal at may...