Chapter VIII

22 3 0
                                    

LG's P.O.V.

"Kahit maputi, na ang buhok ko..." Then the crowd cheered. "Please enjoy our Foundation day, thank you."
At sabay sabay kaming nag bow ng banda. Duet kami ni Kreme dun sa performance namin. After ng workshop ay eksaktong foundation day ng school namin. Na-feature ako sa isang interview dahil dun sa workshop, once lang yun, pero ang laki ng impact nun.

Dumami ang fans ng banda, nakilala din ito lalo dahil sakin, syempre gwapo ako e.

"Kyahhhhhh"
"Waahhhhhhh, Logan pansinin mo kamiiiii."
"Ang pogi pogi mo talaga Papa Logan!"

Oh di ba? Syempre chini-cheer din ng ibang estudyante yung ibang members ng banda pero ako pa rin talaga yung bida, gwapo e.

"Hoy LG, tumulong ka nga sa pagliligpit ng ibang gamit natin dito sa stage, wag mong sabihin na yang mic lang ang aayusin mo. Aba, malaki na nga yang ulo mo halos lumobo pa lalo this time." Pangangaral sakin ni Kreme.

"Kaya nga, pabebe talaga tong si LG, palibhasa bakla. HAHA" saad naman ni Blue.

"Oo na, oo na. Para naman pinagbubuhat ka namin ng mabibigat." Di ko na lang pinansin si Asul. Mapapagtripan lang ako lalo pag pinatulan ko pa.

"Psh, kunin mo na nga lang yung bass drum, yan dalhin mo, papansin." Sagot nya.

"Sungit. Meron ka? Hoy Lewis! sabihan mo nga tong syota mo, ako napagdidiskitahan nya e." Yun na lang nasabi ko.

"Tse." At umirap pa talaga si Kreme bago umalis bitbit ang mic stand. Tumingin ako sa syota nya na nag aayos ng wires ng electric guitar at ngumiti lang sya. Weird. Nag away ata sila.

Sumunod na lang ako sa utos ng aming malditang Senyora. Mabigat pa naman tong bass drum. "Sigurado kang ikaw na magbibitbit nyan LG?" Tanong ni Sam, since sya yung drummer namin.

"Oo, okay lang, mabigat din naman yang symbals e, pampalaki na din to ng braso. HAHA" At sinimulan ko na ang pagbubuhat ng drums pabalik sa Music room na Dance studio din. Public school tong pinapasukan namin kaya ganun, all in one, kasi dun din minsan nagpa-practice ang choir ng school.

Malapit lang naman yun sa gym kung saan ginaganap ang programs, kaya hindi hassle.

"Uy. Si Logan"
"I-video nyo daliiiii."
"My God! Ang hot nya tignan habang nagbubuhat."
"Sht, wag ka nga maglaway dyan, nakakahiya kay Master LG."
"Nakuhanan mo ba ng magandang anggulo?"

Hayyyy. Ganto ba talaga pag pinanganak kang gwapo? Parang sumpa na ang kaparusahan ay hahabul-habulin ka ng mga babae at binabae.

Nung malapit na ako sa Music room napansin ko ang isang sobrang pamilyar na muka. Yung mukang iniisip isip ko araw-gabi. Mag isa lang sya. Flaire.

Inaabangan nya kaya ako?

Nakaupo sya sa bench malapit dun sa Music room, expected na tambayan kasi sa gilid lang ng gym to. Tapos kakatapos lang ng program.

Ang assuming ko naman.

May hawak syang banner na nakatupi na. "Go" lang yung nabasa ko kasi yun lang yung nakikita sa pagkakatupi. Asa isang side yung kadugtong.

Nung nalagpasan ko sya, lumingon ulit ako para mabasa yung nakasulat sa banner.

"Go Sam!" Yun yung nakasulat.

Pnyta. Nakakapanghinayang. Nakaka bawas ng self esteem, at confidence pero hindi ng kagwapuhan.

Inilagay ko sa music room yung bass drum. Wala na kong balak tumulong sa pagliligpit ng stage dahil nawalan na ko ng gana. Nanghina ako dun sa nakita ko.

Ano ba tong iniisip ko? President sya kaya malamang ichecheer talaga nya yun. Pero may itsura din naman talaga si Sam. Chinito pa. Pero mas gwapo naman ako sa kanya e.

Ptang ina naman oh. Sinipa sipa ko na lang lahat ng batong nadadaanan ko papuntang classroom.

Chineck ko yung phone ko dahil bored ako.

*3 text messages received*

Lucy: Hey grey. I'm sorry. Can we meet up?

Nakaka ilang na talaga sya.

Lucy: Again?

At dunugtungan nya pa talaga.

The last one.

Unknown Number: You did great. Gumanda lalo boses mo. :) keep it up.

And in a split of seconds, nagbago yung mood ko. I dunno. Ina-assume ko kagad na sya tong nagtext. Ramdam ko lang.

I replied: who's this?

Agad namang nagvibrate yung phone ko. Sinave ko na kagad yung number.

F<3: it doesn't matter. I just want to compliment you.

Ang lapad ng ngiti ko ngayon. HAHA. Muka na siguro akong baliw na naglalakad ngayon.

Lumipas ang mga araw na madalas ko syang nakakatext. Umaga hanggang gabi. Walang palya. Kinikilig nga ako e. Normal naman sa gwapo to di ba? Yung kiligin?

Sinusubukan ko syang tawagan minsan kaso hindi talaga sya sumasagot. Tas niyayaya ko makipagkita kaso umaayaw sya, minsan pag nakukulitan sya di na sya nagrereply kaya di ko na pinilit.

Sa tamang panahon.

"Pst." Asa daan ako ngayon patungong school. May holoween party kami. Syempre naka costume dapat yung mga dadalo, mga fourth year lang ang invited para masulit ang last year na magkakasama.

"Psssst." Pang anim na sutsot na yung narinig ko. Ayokong matakot kasi gwapo ako. Kaso...

"Awoooooooo." May nakita akong sumulpot sa harap ko na white lady na may dalang kutsilyong duguan.

"Aaaahhhhhhh!!!!!!!!!" Wala sa sarili akong napasigaw bigla.

"HAHAHAAHAHAHAA"

At nagsilabasan ang mga kabanda ko at ilan pang mga kaklase namin.

"Isave mo dali. Mamaya na natin i-upload" narinig ko kaso hindi ko alam kung sino yun dahil hinahabol ko pa rin yung hininga ko dahil sa kaba.

Fck.

"HAHAHA bakla ka talaga bro." Sabay akbay sakin ni Eric. I guess, okay na kami.

"Nice Kreme. Ganda ng costume ah, saktong sakto para takutin si Logan. Haha" sabi ni Sam.

"Yeah, The Purge sadya kong iportray e." Sabi ni Kreme habang inaalis ang maskarang nakangiti. Creepy.

"Muka kang bakla sa pag sigaw mo kanina. Ahhhh! hahahahaha!" At ang lokong Eric na to ay nagawa pang gayahin yung pag sigaw ko.

Ang ingay nila. Parang kanila ang buong kalsada.

"Ow, lagot ka Ericxon, mukang mag aaway na naman kayo ni Logan ah." Sabi ni Tanya. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

Tapos ngumuso siya na parang may tinuturo at nakita ko sa bandang likod. Fck. Sht. Bullsht. Si Flaire.

Napatingin na din ang ibang kaklase namin sa kanya, ang ganda nya talaga kahit naka-costume sya na parang Dracula. Sumisipol lang naman ang unggoy na katabi ko. Masama ang tingin ko sa kanya ngayon. Wala akong lakas ng loob para tumingin ulit kay Flaire.

Nakakahiya ako.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon