Chapter X

16 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Tapos na ang Christmas party at eto ako, muling babalik sa realidad. Ayoko ang pasko kasi naiiwan ko lagi si Nay Loreng at Leo.

Pero kailangan e.

"Pa, ayokong sumama. Kung gusto nyo i-cash nyo na lang yung dapat pambili ng ticket." Dapat kasi ay sa susunod na araw pupunta kaming Alaska. Gusto kasi ng relatives namin na magbakasyon kami dun sa kanila kaso ayoko. Di ata sila nakakakita ng gwapong kagaya ko. Tsk. Tsk.

Asa living room kami, habang umiinom si Papa ng kape ay inistorbo ko sya sa pagbabasa ng kanyang dyaryo.

"You're so stubborn LG. Minsan ka na nga lang namin makasama umaayaw ka pa." Sabi sakin ni Liam, pababa sya ng hagdan mukang bagong gising. Kuya ko, and he's way older than me. About 11 or 12 years ata ang age gap namin.

"William, why don't we stay here instead? Tutal lagi naman na tayong nagttravel." Saad ni Mama habang naglalaro ng Piano Tiles sa IPad nya.

Our business is the reason why my family travels a lot. International Reastau yun dahil graduate si Mama ng HRM at nag Culinary Arts sya kaya yun ang sinimulan nilang negosyo ni Papa. Dahil si Liam ang magmamana, sya lagi ang sinasama. While I'm here waiting for a miracle.

Hindi ko na nakakatext si Flaire. Hindi ko naman naconfirm na siya nga yun kasi unattended na lagi yung number nya. Nakakalungkot nga kasi hindi pa umabot sa Christmas ang simpleng paglandi ko sakanya. Haha.

Sa school naman hindi nya ko pinapansin. Nahihiya siguro yun. Hindi na ko pinadalo ng Christmas party nila Dad kasi pinapunta kagad nya ko dito sa Manila. Nag iwan na lang ako kay Leo ng gift na pinabigay ko para kay Flaire.

I'll wait for her. Kahit hopeless na ko.

All of them knows he's a guy at andito ako na umaasa sa pagmamahal niya.

Minsan napa isip ako kung bakla ba talaga ako kaso naaalala ko lang yung tiwala ko kay Flaire na tutuparin niya yung pangako nya. Yun yung pinanghahawakan ko.

Di bale na magmukang bakla, ang importante maramdaman niya yung pagmamahal ko.

Naks naman. Dapat kinikilig si Flaire sa kagwapuhan ko e. Kaso, ibang iba na siya. Para siyang walang buhay.

Pero kaya nga ako nandito e, handang magpakatanga mapasa akin lang siya at nang mapasaya ko siya lagi. Ang corny ko. Haha di bale gwapo naman.

Andito ako sa veranda ng kwarto ko, inaayos yung album ng aking prinsesa. Yeah, stalker talaga ako. Marami siyang stolen pictures sakin.

"How's Flaire pala hijo? I heard from Leo that she already came back." Nabigla naman ako sa pagsulpot ni Mama. She's really beautiful kahit na lumalabas na ang kanyang mga wrinkles.

"I don't think she's fine Ma." Saad ko. "Ang laki na ng pinagbago nga."

"Don't worry, anak. Everything happens for a reason. Remember that." At binigyan niya ko ng isang ngiti na parang nagpapahiwatig na magiging okay din ang lahat.

Tinignan ni Mama isa isa ang mga pictures na hindi ko pa naayos sa album.

"Why did she cut her hair?" Nagtaka sya sa mga nakita nyang latest stolen pictures.

"And why is she wearing a uniform for boys? Ano yan? Role play?" Nakakunot noo na si Mama.

"No, Ma. I told you, i think she's not okay. Ang lamya nya lagi. Parang namatayan, pasan ang daigdig. Gusto ko syang tulungan, alagaan like what I did before. Pero ayaw niya, kung makaiwas siya para akong may malalang sakit na nakakahawa." Pagpapaliwanag ko.

Napabuntong hininga si Mama. "She'll see your effort, Logan. Just have patience, I don't think it's about business, she's not that kind of girl."

"Hindi na siya nakatira sa bahay nila Ma, sinusundan ko siya palihim minsan pero naililigaw niya ko agad. Wala na kong balita sa kanya, kahit sa pamilya nila. Ginagawa ko lahat to reach her out pero wala talagang improvement sa amin." Pagda-drama ko. Grabe pala ka-cornyhan ko.

"You two will be fine. Tiwala lang, anak."

Sana nga. At hindi lang sana "fine", sana sinabi ni Mama na 'you two will fall inlove with each other and be married soon', mas okay sana pag ganun narinig ko.

"Just focus on your studies for now, alalahanin mong yan ay napaka importanteng bagay aside from being humble." Pangangaral niya sakin. "I'm updated about your grades so please do well in school, graduating ka pa naman. Don't worry about your career. Soon, your band we'll do great albums, you guys are talented, especially Kreme." She kissed my forehead at umalis na sa kwarto ko.

I'm not planning to inherit anything from my parents. Sapat na sakin na yung mga gastos ko dapat sa mamahaling school kung sakali ay nadodonate ko sa mga charities at orphanage.

Masarap sa pakiramdam makatulong, hindi naman ako naghihirap kasi natuto akong magtipid kay Nay Loreng. Bumili lamang ng bagay na kakailanganin kesa sa mga luho.

That's why I don't get people who do social climbing.

"Eww Logan. You're such a pig." Ani Kreme nang nakita akong naghubad ng shirt. Habang umiinom siya ng fruit shake sa gilid ng pool.

"You should start working out. Masyado ka atang nasasarapan sa mga luto ni Nay Loreng."

Asa likod kami ng bahay. Konting bonding. Our family decided to invite hers, aside from business, gusto ni Papa na magkaron ng totoong pagkakaibigan sa kanilang pamilya. Pati na rin sila Sam at ang mas bata niyang kapatid na si Mico. Mag pinsan si Mama at ang Papa nila Sam, kaya may halong korean din ako, di nga lang halata. Pero gwapo pa rin ako.

Kasama ni Liam si Mama sa pag-iihaw, at napag usapan din namin nila Kreme na mag swimming para di kami ma-bore. Ang mga tatay naman namin ay nagkkwentuhan habang umiinom.

"Wala akong pake, e sa masarap kumain." Sagot ko kay Kreme at lumusong na sa tubig.

Late afternoon. The best hour to swim. Hindi mainit, hindi din malamig.

"Oh, tignan mo tong si Mico, nags-start na magka-abs, samantalang ikaw. Tsk, tsk." Daldal pa nya.

"Sama ka na lang samin next time LG kung gusto mo, dun tayo sa bahay." Alok ni Sam.

"Kaya nga, you should join them Logan, ikaw din magsisisi, baka hindi ka magustuhan ni Flaire dahil sa pagkababoy mo." Ang daldal talaga.

"Bakit ba ako pinapansin mo? Di mo sitahin yung kapayatan ng syota mo." Sagot ko.

Nag iwas lang ng tingin si Kreme.

"We're done." Simpleng banggit niya.

"So, Tito Kenji already knew huh?" Singit ni Sam. Mico's just enjoying the time, swimming, at walang pakealam sa pinag uusapan namin.

"Yeah, unfortunately."

"Yan kasi, karma mo yan dahil sa panlalait lait mo sakin. Haha. Enjoy sa pagiging broken hearted."

"As if I'm the only one here. Did Flaire stopped texting you after our dinner at our house Logan?"

Wait... Paano nalaman ni Kreme yun?

"How did you know about those stuff Kreme? Did she finally talked to you?" Si Sam ang nagtanong, na-curious din siguro.

"Nope. Not yet. I still don't want to bug her. Dad just grounded me up, and he took my phone after he knew about it."

Processing...

Nanlumo ulit ako.

Hindi pala si Flaire yung katext ko.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon