Chapter XXX

15 3 0
                                    

LG's P.O.V.

I was playing the piano while singing. Kinakabahan pa rin ako sa entablado pero ininda ko na lang ito para hindi makaapekto sa performance ko.

"And now I must move on, tryin' to forget all the memories of you and me. But I can't let go of your love that has taught me to hold on. I want you to stay never go away from me. Stay forever." Ngumiti ako habang nakapikit at kasabay nun ang pagbagsak ng luha ko sa kaliwang mata ko.

"Yiiiiiiieeee! Our Logan Grey is back!" Sigaw ni Ate Xy. Pinanood namin yung performance ko kanina dun sa Sunday noon show sa flatscreen tv dito sa office niya. Nakapalibot sa amin ang ibang staff at producer.

"Geez! Namiss ka namin. Group hug! Bawal tsansing ha!" Pinalibutan nila ako at nagyakapan kaming lahat. Andito din si Kreme pero as usual, tahimik lang siya at pangiti-ngiti.

"Ang galing galing mo Logan, ang lamig talaga ng boses mo kahit isang beses ka lang nakipractice, hindi pa lip sync yun ha." Sabi ni Ma'am Annie, siya ata ang pinaka matanda dito samin.

"Kaya nga Papa LG! Malamang mag-aagawan na naman sayo ang mga fans mo. Parang ikaw pa nga ang nagka-comeback kesa kay Eric." Hindi ko kilala tong bakla na to, bago lang siguro.

"Right! And aside from that, may paluha luha effect ka pa talaga don Logan ha. Mukang may pinanghuhugutan ka, meron nga ba Kreme?" Intriga naman ni Ate Xy.

"I think so? I'm not sure." Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Ganda ganda talaga ni Kreme ko.

Pwe. Corny. Jusko. Ni hindi ko pa nga sigurado kung may gusto ako sa kanya tapos may 'ko' na kagad sa pagbanggit ng pangalan niya.

"Okay, back to work guys! Congrats Logan! We love you. You know that."

"Yeah right." Napatawa ako sa sinabi ni Ate Xy.

"Bye Ma'am Xy. Bye guys! Thank you sa pagmamahal." Nagflying kiss ako sa mga tao sa buong opisina at nakita ko pang may mga kinilig na empleyado.

"Sige Ma'am Xy, thank you for the accompany." Bumeso si Kreme kay Ate Xy at kumaway sa mga taong nandoon. May iba pang nagpapicture sa amin bago kami tuluyan nakaalis doon.

Dahil sabay kaming umalis, dalawa lang kami ni Kreme na asa elevator bumaba. Himala nga at wala kaming nakasabay bumaba.

Awkward silence.

Gusto ko siyang kamustahin at yakapin. Namiss ko siya. Nakakasama niya pa kaya si Sam?

Bakit parang ang tagal ng pagbaba namin? Nakatingin lang ako sa numero ng bawat palapag pababa.

"You did great." Pagkatapos niyang sabihin yun ay eksaktong pagbukas ng elevator. Mabilis ang lakad niya palabas at pumunta sa van niya. Naalerto naman sa presensya niya yung driver at guards kaya agad siyang pinagbuksan ng pinto.

Kahit yun lang yung sinabi niya na-overwhelm talaga ako. Walang wala ang mga compliments ng tao kumpara sa opinion niya sa naging performance ko kanina.

Nakalimutan ko na naman siyang pasalamatan.

Pagsakay ko sa sasakyan ko naisip ko na naman yung mga nangyari sakin lately. Siguro hindi ako dapat nago-overthink. Kasi eto talaga yung rason bakit ako nasstress masyado.

Kung anu-ano naiisip ko. Bakit nga ba nagduda pa ko sa pagkatao ko at naisip kong ampon ako? Eh pano kung nakibirthday lang pala kami nun tapos nagkataon lang na pinicturean kami.

Pero bakit nga ba andun sa library yung litratong yun? Hays.

Eto na naman ako e.

Hanggang sa nakauwi ako pinilit kong wag mag-isip ng kahit ano. Sumabay na lang ako sa mga kanta sa ipod ko para hindi mabore sa byahe lalo na at traffic na naman. Dito ata talaga mahahanap ang forever e, forever traffic.

"Anak dali! Tignan mo to, ang pogi pogi mo dito. Pero ang payat mo tignan. Dapat ata laging nilasing na hipon ang ulam natin para tumaba ka ulit baby damulag namin." Salubong sakin ni Mama na pinapakita yung hawak nyang magazine.

"Good Looks and Good Deeds. Ahihihi. Manang mana ka talaga sa akin." Basa ni Mama dun sa title ng mga pahina na nagpapakita nung interview sakin. She looks so proud.

"Kanina ko pa 'to paulit ulit na binabasa. Napaka-pogi mo talaga anak. Tapos ang ganda ng pagkakagawa sa article na to." Binuklat ni Mama yun at tsaka umupo. Tinabihan ko naman siya sa sofa namin. Buti at hindi na naman siya naglalaro ngayon sa ipad mini nya.

"Si Flaire pala ang author neto, I bet she's a really great journalist. Kaya pala ang ganda ng pagkwento tungkol sa'yo anak, siya pala ang gumawa, siguro kinikilig pa to nung in-interview ka. Ahihihi." Loko talaga si Mama, mas nakakaloko pa yung tawa niya, or more like hagikgik ba tawag dun, yung tawa na kinikilig.

"Why didn't you invite her to have a dinner with us that time? Kilala pa naman niya siguro kami di ba?" Napatingin naman na sakin si Mama.

"She said she was busy before Ma, and besides, she already has a fiance."

Napansin ko ang pagbagsak ng balikat ni Mama galing sa postura niya. Yes, Ma, nakaka-disappoint para sa inyo alam ko, pero hindi ako nalungkot masyado.

"Kaya pala halatang stressed out ka lately, di bale anak--"

"Ma, nagkakamali po kayo, it has nothing to do with her. I'm not... I'm not that affected nung nalaman ko po yun." Medyo nagulat naman sila sa sinabi ko at nahaluan ng pagtataka ang reaksyon nila.

"What do you mean anak? I know you we're betrayed by her sister, pero magka-iba naman sila. Ikaw na nagsabi dati na iba yung ugali ni Claire compared kay Flaire. Don't you want to fight for her?" Napa-iwas ako ng tingin kay Mama. Hinintay niya atang sagutin ko siya pero wala akong masabi.

"Isn't she worth fighting for?" That question made me smile, a bitter smile.

"She is Ma." Ngayon napangiti na talaga ako ng malapad.

"But then things got different." Tumingin ako kay Mama. "My feelings changed."

"Baka naguguluhan ka lang anak."

"I am, Ma. Naguguluhan din po ako. I missed her, I was desperate to see her again, pero nung andyan na siya may iba nang nagpapasaya sa kanya." Hinintay lang ni Mama na ipagpatuloy ko ang pagku-kwento.

"You know Ma, before she came back, I was happy even without her presence. I was also happy to see her again, I felt that excitement. Pero Ma--"

"Na-realize mo na you are better without her?"

"No. Hindi sa ganun Ma. I realized that hindi na siya yung favorite girl ko. Sabi mo sakin dati, when you have your favorite person, you dream of her, you think about her every now and then--."

"So, you we're saying, your feelings we're diverted?" Napatango ako ng mabilis.

"I think I can already see the picture properly. Sigurado ka ba sa nararamdaman mo Logan? Baka naman panakip butas mo lang yung babae. Kawawa naman siya pag ganun. Don't you ever treat a girl that way. It's unfair. Or baka naguguluhan ka lang kasi ayaw mo magtiwala kay Flaire dahil sa ginawa ng kambal niya--"

"Ma... hindi ko siya ginawang panakip butas. Sa totoo lang po, neto ko lang naintindihan yung totoong nararamdaman ko, I thought I was still hoping for Flaire, and then my thoughts became wrong. All this time iba na pala ang mas nagpapasaya sakin, iba na talaga yung gusto kong makasama lagi. Sana hindi pa huli ang lahat kasi ang tagal pa bago ko maisip na hindi na pala si Flaire ang mahal ko."

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon