Chapter XXII

14 2 0
                                    

LG's P.O.V.

"Hey Sammy! Wait! I just want you guys to talk..." sigaw ni Kreme kay singkit.

"I'm really sorry Logan, maybe next time? It's been a while though. Bye." Tsaka sya tumakbo paalis.

Hindi na tuloy ako nakapagpasalamat kahit papano.

Sinubukan kong makipag-usap kay singkit para makipag-ayos pero iniiwasan niya talaga ako. Kaya si Kreme ang pinaki-usapan ko, sabi niya siya na bahala mag set ng pagkikita namin. Napagkasunduan namin na sa bahay na lang nila para iwas sa media at paparazzi.

Kaso nung nakita kagad ako ni singkit nagwalk-out kagad siya. Kung anong pakiramdam ko pag andyan si Eric, ganun din siguro yung nararamdaman niya ngayon.

Ang bait talaga niya kahit na busyng busy siya naharap niya pa ring subukan kaming magkaayos.

Nakaka-miss tuloy yung panahon nung high school pa kami. Puro lang kami kantahan, asaran, at pag gawa ng kalokohan, kahit president si singkit ng SSG sumasama siya sa amin.

Bakit ba ang drama ko lately. Kaumay na tong ganto.

Buti pa si Liam na kakauwi lang ulit dito sa Pinas e magpa-party lang. Lagi naman e. Pero this time, house party ang gagawin niya kasi celebration ng pagkakabuntis ni Ariza, asawa niya.

Hindi ako makikiparty, iinom lang ako. Syempre tamang gatas lang yung asawa ni Liam at bawal ang yosi mamaya.

Pagkauwi ko, rinig na rinig yung ingay kahit asa kotse pa ko. Alas syete kasi yung napagkasunduan naming oras ni Kreme dahil dun matatapos yung isang photoshoot niya kaya nag umpisa na din tong party na naabutan ko.

Pagkapasok ko, nagulat ako kasi sobrang daming tao, hindi ko ine-expect na ganto karami yung dadalo. Sa bagay hindi nila nakakasama yung mag-asawa kaya nagsidagsaan sila dito ngayon.

Kailangan ko talaga magtago, mahirap na. Dirediretso lang ako sa paglalakad papuntang hagdan para makaakyat na ng kwarto.

"Yow bro." Nakipag kamayan ako sa ibang kakilala ko na nakasalubong ko. Yung iba hindi ko na alam ang pangalan pero namumukaan ko pa. Ang ingay at sumasabay pa yung tugtog, nagmuka tuloy bar tong baba ng bahay.

"Hey man! Pumapayat ka ata a!" Sabi sakin ni Draven. Eto yung best man sa kasal ni Liam.

"Yeah." Matipid kong sabi tsaka ngumiti, ayoko makipagkwentuhan kasi siguradong lalasingin nila ko dito.

Nabigla ako kasi sumunod sya sakin sa pag-akyat habang may hawak na dalawang bote ng beer.

Imbes na dumiretso ako sa kwarto pumunta na lang ako sa veranda na nakaharap sa garden namin. Ang dami din palang tao hanggang doon, buti di nila naisipan gawing pool party to.

Pinatong ko ang braso ko sa bakod ng veranda. Ganun din ang ginawa ni Draven na sumunod sa akin at binigay ang isang beer. Nakalahati nya na kagad yung kanya.

"You're brother's worried about your career. We've heard what happened. Sumama ka na lang kaya samin sa pag asikaso sa business nyo?"

"Don't want to, wala akong hilig dyan."

Graduate ako ng kursong Architecture, hindi ko pa  alam kung magkakalisensya na ko kasi wala pang result yung exam. Hindi kasi sigurado ang trabaho sa showbiz, kaya mabuti nang magkalisensya ako para hindi ako aanga-anga pag nawala na ko sa industriya.

Si Kreme naman e, BS Psychology ang kinuha. Ewan dun sa abnormal na yun bakit yan ang kinuha. Si Sam naman, Accountancy, after niya daw maging CPA plano nya mag-law. Mahaharap niya pa kaya yun e may negosyo na sya?

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon