Chapter VII

29 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Asa secret garden ako ngayon, nakahiga sa damuhan, pinagmamasdan ko yung langit habang nakahiga ako. Hapon na kaya masarap magpahinga.

Pumikit ako, pinatong sa mga mata ko yung isang braso ko habang yung isa naman nagsisilbing unan. Ang sarap ng simoy ng hangin.

May narinig akong papalapit na yapak, nakiramdam ako. Napansin ko na umupo siya sa tabi ko. Tapos bigla akong hinalikan sa labi.

Napadilat ako bigla. Tinanggal ko agad yung braso ko sa muka ko. Itutulak ko na sana yung humalik sakin kaso nung nakita ko kung sino yun eh pinikit ko ulit yung mata ko ng dahan dahan. At pilit na sinusulit yung pagkakataon. Grabe. Heaven. Hindi ko ineexpect na mangyayari to. Nilagay ko yung kanang kamay ko sa pisngi nya. Ang tagal din nun. Tapos nung humiwalay na siya, nakangiti niyang sinabi na,

"Mr. Gonzalez! MR. GONZALEZ!!!"

"Okay na sana yung tulog ka lang sa klase ko eh. Kaso bukod sa ang lakas ng hilik mo, kapansin pansin pa yung pag ngunguso mo. Stand up."

Patay.

"Ma'am pasensya na po, nakakaantok po kasi yung oras ngayon tapos ang boring po talaga kasi ng history."

"Humingi ka pa ng pasensiya kung iinsultuhin mo lang din yung subject natin. Pumunta ka dito sa harapan."

F*ck, nakakahiya. Nakatingin lang sakin lahat ng classmates ko tapos napansin ko din na may mga usisera sa labas ng room.

"Now, tell us what dream did you have."

"Ma'am??!"

"Oh sige, explain how and why did the World War II started and ended. And what is our country's involvement with the said historical event?"

"Ma'am ikkwento ko na lang po yung panaginip ko."

Mahinang nagtawanan naman yung iba. Bakit ba kasi tukso yang alas dos na pagsisiyesta na yan.

"Start. And please. Tell us the truth. Halata naman sa pagnguso nguso mo kanina na may minamanyak ka sa panaginip mo. Tsk, tsk. Poor girl."

"Ma'am, baka poor guy. Eh bakla yang si Logan eh." Sabi ni Matt. G*ago talaga.

Nagsitawanan na naman yung iba. Maupakan nga mamaya.

"Ahmm." Hindi ko alam sasabihin ko. Napatingin ako sa kanya. Pusang gala na niligaw ulit at pilit na umuuwi sa bahay niyo kahit di niyo naman pagmamay ari. Nakakaasar. Nakakahiya.

"Ahmm, what??" Sabi ni Ma'am Minerva, ang sunget talaga niya."We don't have all day."

Nice. Ganun na lang. Papalipasin ko yung oras hanggang sa marealize niya na magtatime na at wala na siya maituturo kaya hahayaan niya na lang akong bumalik sa upuan ko.

"I know that you're thinking na papalipasin mo na lang yung oras 'till our dismissal comes." Nakangiti pa sya nung sinabi nya yun. Nang-aasar. Mind reader ata 'to eh.

"I'm not a mind reader, madali lang talagang basahin yang expression mo."

K, fine.

"Uhh. . ."

"Excuse me Ma'am, good afternoon po. Pinapatawag po si Mr. Logan Gonzalez ni Mrs. Guttierez, urgent daw po." Sabi ng isang kapwa ko estudyante na andun sa pintuan ngayon.

Saved.

"Swerte ah. Anyway, you may go now Mr. Gonzalez. Pero just make your dreams as an assignment, printed in long coupon bond, Arial, font size 12. Kailangan mo yung ipass sakin tommorrow, until 9am. Otherwise, meet me at the guidance office." Sabay ngiti pa niya. Psh. Nakakabanas lang. Daming arte.

"Copy Ma'am." At lumabas na ko ng room. Sinusundan yung estudyante na nagtawag sakin.

"Good afternoon po." Bati ko kay Ma'am pagkapasok namin sa faculty room.

"Good afternoon Mr. Gonzalez. Maupo ka." Bati niya din sakin."This won't be that long, sana makinig kang mabuti."

"Well, as we all know, you have the skills when it comes to singing. You have the looks, and. Uhmm. Wag na nating pag usapan ang grades."

Panimula niya. Okay, not a big deal. Basta, gwapo ako.

"Anyway, that's not the point here. As I was saying, you can sing, and I know you could dance as well."

Anong meron?? Wala akong panlibre sa teacher.

"So that means, you can perform. Acting will be easy for you, we trust you. Napag usapan naman na namin ni Principal Cabrera na dahil kailangan na naming mamili ng isasali, we will appoint you na lang kesa magpa-audition pa kami, which will obviously a waste of time."

Hindi ko na sya nagegets.

"Napili kasi ang school natin na magrepresent ng province natin. Since we are well-known, dahil tayo ang largest public school dito, dahil na rin sa awards. Limited slots for a National Performing Workshop."

Walang pumapasok sa utak ko.

"You are chosen to attend the two weeks workshop, and that will be held on October at Harvent University, in Manila."

Uhh... Harvent University.

"So, congratulations and good luck, God bless. You still have class, di ba. May pupuntahan din kasi ako ngayon kaya sinabi ko na agad. You still have three weeks to prepare. All the requirements are listed here, and of course, those things to bring." At nag abot siya ng dalawang bond paper sakin. Hindi ko binasa.

"'Yung waiver mo andyan na rin, yung invitation bibigyan na din kita ng copy. That's all. You may go now Mr. Gonzalez." Nakangiti niyang sabi sakin. Binigay niya na din yung parang broschure galing sa ilalim ng desk niya. Siya yung Head teacher sa Mapeh Department.

"Aahh, Ma'am, may gusto po sana akong itanong." Nagbago bigla yung ngiti niya, parang iniiwasan talaga ha. Tumango lang siya as a sign na magsalita lang ako.

"Pwede po bang magreccommend na lang ako ng iba?"

"You are appointed Grey. Wala na kaming ibang kilala sa school na may kakahayahan tulad mo."

Pwe. Pinagsasabi neto. Ang dami kaya.

"Okay po. Sige po Ma'am, alis na po ako. Thank you po."

Napansin naman siguro niya na napilitan lang akong sabihin yun. Scripted na tong pag-appoint appoint na sinasabi nila.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon