Chapter XLV

29 3 0
                                    

Kreme's P.O.V.

Kahit na sobrang sakit nung pagtataboy niya sakin, isinawalang bahala ko iyon. Iniyak ko lang ng iniyak hanggang sa makatulog ako kagabi. Wala din naman kasing epekto pag uminom ako, hindi din ako nalalasing.

At heto ako ngayon, nag-aayos ulit para bumisita sa kanya.

"Kaila, anak... mag-usap tayo saglit."

Mom's better now. Unlike before because of their continuous arguments with Dad.

I looked at her as I stopped brushing my hair. Hindi ko narinig na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hinintay ko silang magsalita.

"I heard what happened at the hospital... hindi ba pwedeng sa mga susunod na araw ka na lang ulit bumalik doon?"

Nakita ko na naman yung nag-aalalang mga mata nila. She's always like this. Like, I'm something so fragile, could easily break, and really weak inside.

Actually, I am.

"Mom, kailangan niya po ako. Kailangan ako ni Logan."

"I know, anak... it's just that, isipin mo din naman ang sarili mo. Payat ka na nga mas lalo ka pang pumayat. Just because you still don't have any disease doesn't mean you're healthy. Hindi ko nga alam kung kumakain ka pa ba..."

Pakiramdam ko nga ay kulang lagi ang kinakain ko. Napapabilis ang gutom ko.

"Mom... you're overeacting again--"

"I'm not, alam mo anak, paano mo siya aalagaan kung mismong sarili mo ay napapabayaan mo na. You can't give something you don't have."

Umiwas ako ng tingin at nilingon ang aking repleksyon.

Wala na kong pake sa sarili ko, hindi ko din alam bakit ang laki ng pinayat ko sa maikling panahon.

"You care too much about him that you forget how to care about yourself. And Kaila, it's not a sin to remember yourself first before the others. That's not selfishness..."

Hinaplos ni Mom ang manipis kong buhok. Oh, I missed this, her touch, her care...

"It's called loving yourself."

She kissed my head.

"I'll expect you to dine with us for today." I stared at her, she still don't look old, weak smile and worried eyes, flashed on her face. And then she walked out of my room.

I'm sorry Mom. I can't do that for now. He badly needs me.

Nagpalit ako ng longsleeve at fitted pants. Nagsisintas na ko ng rubber shoes ko nang may napansin akong bruise sa paa ko. San ko naman nakuha to?

Tapos nakita ko rin na meron din sa kabila, parang meron din sa may part ng wrist ko kaya itinaas ko ng bahagya ang suot kong longsleeve. Hindi ko naman maalalang nabunggo ako kung saan. Baka malapit na ang "time of the month" kaya mabilis na naman akong nagkapasa.

Pumunta ako sa harap ng full size mirror ko, isinusuot ko na yung kwintas ko at nahalata ko rin na may pasa ako sa balikat. Napatulala ako.

Hindi ko na lang ulit yun pinansin at bumaba na lang ako tsaka lumabas. Ayokong magpaalam kila Mom, itetext ko na lang sila mamaya. Tumulak na ako pagkasakay na pagkasakay sa kotse.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? I hope his condition improves sooner.

Will he hug me later? Tell me how much he missed me? Ask me to sing for him?

I tried to smile. I need to cheer up.

Nagsuot ulit ako ng face mask at cap nang paakyat na ko sa kwarto niya.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon