Chapter XXXI

10 2 0
                                    

A/N: Hi dun sa consistent reader ng story na to. HAHA. Please leave a comment para alam ko pano i-improve yung flow ng story. Thank you!

LG's P.O.V.

Sa wakas napaamin ko din ang sarili ko. After ng heart to heart talk namin ni Mama naintindihan ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko. Para lang akong 13 years old na nagkukwento tungkol sa crush ko.

Hindi lang dahil ang babaeng to ang naging sandalan ko, kundi dahil sa kakaiba kong pakiramdam para sa kanya.

Mas malala pa to kesa sa nararamdaman ko kay Flaire. Sigurado ako dito. Hindi ko siya ginawang panakip butas, o tinake for granted.

Andiyan lang siya bilang kaibigan ko, at ganun lang din ang tingin ko sa kanya dati, bago ko pa malaman sa sarili ko na nag-iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Di ko alam kung kelan bro, matagal na din siguro, pero sigurado akong siya talaga. Hindi ako namili, sa kanya ko talaga naramdaman yun." Sabi ko kay Asul.

Sa kanya ako nagpapatrain mag-piano kaya kasama ko siya lagi netong mga nakaraang araw at naging gym buddy ko na rin.

"Nung nakasama mo ba si Flaire, wala na talaga?" Saad nya habang inaayos yung print out ng notes ng mga kantang tinuro niya.

"Kumpara sa naramdaman ko kay Kreme, walang wala yun."

"Eh pano si Sam? Sila na di ba? Tsaka nagpaalam ka ba kay Lewis?"

"Hindi ko din alam e. May nabanggit si Kreme dati, hindi ko alam kung tama pagkakaintindi ko, basta sabi niya 'ganto pala pakiramdam maging taken for granted, naiintindihan niya daw bakit nagpaka-busy si Sam'."

"Ahhh. Baka nga tinake for granted niya din si Sam kagaya ng ginawa mo sa kanya."

"Hindi ganun yun ginawa ko. Nahuli lang ako sa pag-intindi sa nararamdaman ko."

"Okay, tama na ang drama, pero bro isipin mo ha, una mong kinalaban si Eric, sunod naman si Sam, syempre damay na din si Lewis. Ano ba trip mo? Nakakabadtrip ka din e."

Hindi ko na nasagot yung tanong niyang yun. Matagal naman nang buwag ang banda. Pero naisip ko din na, habang tumatagal, lumalayo ang loob namin sa isa't isa.

"Snob ka na din pala sa personal ha. Wag mo kong ginaganyan ia-unlike ko yung page mo at ia-unfollow na kita. Nyeta to. Porket famous. Nakipagkwentuhan lang saglit di na namansin."

"Ano na naman arte yan asul? Dun ka sa kusina! Maghanap kang malalamon."

"Tss. Papeymus, nagpapahid din naman ng kulangot sa dingding. Ambaho pa ng utot."

Pabulong bulong pang nalalaman e rinig ko naman. Pagkalabas niya ng music room saktong pagpasok naman ni Ate Rose na titig na titig sa kakaalis na si asul.

"Damulag, may bisita ka." Sabi niya ng di man lang lumingon sakin tsaka umalis na din.

Si Ate Rose ay halos kasunod lang ata ni Nay Ising na kinuha ni Mama na kasama namin dito sa bahay.

Sino naman kaya yung bisita na yun? Maghahapunan na din pala maya-maya. Kaya pala kanina pa sumisigaw yung tyan ko.

Bumaba na ko pero wala akong naabutan na bisita sa sala.

"Ate Rose! Asan yung bisita?! Pinagtri-tripan mo na naman ako noh." Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si Ate Rose na nakikipagkwentuhan kay asul habang si asul naman ay sarap na sarap sa palabok na kinakain niya.

Teka, allergic to sa seafood a. Mahilig pa naman maglagay ng maraming hipon at itlog si Mama pag gumagawa nun. Hayaan na nga lang.

"Asan yung bisita na sinabi mo kanina Ate? Tsaka sino ba yun? Natae ba bigla kaya hindi na ko nahintay bumaba?"

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon