Chapter XV

14 3 0
                                    

Flaire's P.O.V.

"Marunong ka ba magluto?" Tanong sa akin ng soon boss ko.

Gusto kong ilaglag yung sarili ko, para hindi ako matanggap. Pero kailangan kong magtiis.

"Opo."

"Anu-anong alam mong lutuin?"

"Filipino dishes Sir, at ibang American dishes."

"Marunong ka bang magluto ng sinigang na baboy?"

Why does he need to ask me that? Alam kong alam niya na alam kong paborito niya yun.

Dahan dahan na lang akong tumango. Di bale nang magmukang bastos. Sa kanya lang naman e.

"Hindi ka pa pala pwede magtrabaho, you're only 16. Pineke mo pa tong resume mo."

Wala pala akong lusot sa isang to.

"Ganun po ba, sige po, maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho, salam--" hindi niya na ko pinatapos.

"No, its okay. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko."

Bakit ba kasi siya ang nag-interview mismo. Usually naman yung parents ng magiging amo ang kikilatis kung Personal Assistant ang kailangan, lalo na at kasing edad ko lang din tong magiging engot na amo ko.

Matamlay ko na lang siyang tinignan.

"You need to be updated about my schedule, and I need you at the set or shoot everytime. Sanay ka ba sa puyatan?"

"Opo."

"Good."

Wala akong expression sa pagsagot ko sa bawat tanong nya. Ganun din naman sya.

"Sa August ang Flight natin papuntang U.S. since September ang umpisa ng klase doon. Give me your records para maipadala na doon at mai-enroll ka na din."

"Uhh, Sir, wag na po, ako na mag aasikaso, para makahanap pa po ako ng university na may murang tuition fee doon."

"No need, you're my P.A., dapat malapit ka lagi sa akin. Kaya sa iisang university tayo mag aaral."

"Okay po. Thank you, Sir."

"Don't thank me yet, hindi ka pa nga natatanggap."

"Then why would you send my records abroad?" Pabulong kong tanong.

Napansin ko kagad ang iritasyon sa muka nya.

"Pardon?"

"Wala po yun, Sir."

"Stop calling me Sir, Flaire."

"Pero, Sir--"

"Okay na ko sa 'Logan'".

Napaismid na lang ako.

"Then, that means tanggap na po ako?"

Parang wala sa sarili naman siyang nabigla. May pagka-engot talaga to. Masyado siyang obvious. Pero wala naman akong ibang ina-assume.

"Tatawagan na lang kita."

Pagkatapos nun, nung nakauwi na ako kila Tita Tess ay sinabihan niya ko na mag-uumpisa na ko sa trabaho ko next week ng Lunes.

"Sigurado ka ba dyan, anak? Minor de edad ka palang. Baka mahirapan ka dun. Lalo na at magta-trabaho ka pa habang nag-aaral. Tapos maninibago ka ulit sa mga makakasalamuha mong tao--", nag-aalalang sabi ni Tita.

Kumakain kami ngayon ng dinner. Wala si Tito kasi duty niya ngayon sa hospital. Si Kris naman ay nagpaalam na mago-overnight sa bahay ng bestfriend nya.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon