Chapter XXV

10 2 0
                                    

LG's P.O.V.

Palabas na ako ng kusina dahil tapos na kong maghugas ng pinagkainan namin. Ang loko kong Mama e sinermonan ako kunwari para magligpit ng pinagkainan ko e pati pala kanila ay hindi pa nahugasan.

Pasalamat sila at may bunso silang gwapo na nga, masipag pa.

"Yeah, Flaire's family was our rival before. Mas nauna silang nagtayo kesa samin, at patok na patok talaga ang specialties nila, at sakanila kami nagbenchmark."

Wala akong alam sa negosyo pero parang nagkaron ako ng ganang makinig sa kanila nang nabanggit ni Papa ang pangalan niya.

"Their restaurant was one of Mamita's favorite, nakwento rin po niya sakin yan before, pero bata pa po ako nun."

"As I was saying, it was the favorite of everyone, pero nung nagsimula na kami ng Tita mo, dun din nagsimula ang pagbagsak nila. Dahil kakilala din namin sila, they took that personally, parang kami pa ang sinisi nila sa pagkalugi nila dahil siguro sa pagkataranta." Narinig ko pa ang maingay na paghigop ni Papa sa tsaa niya.

"Nalaman namin kay Logan na pinagbawalan si Flaire na makipaglaro sa kaniya. Ang alam ko, her father was pressured by her grandparents. Kaya what they did is, hinayaan nilang mamatay ang negosyo at lumipat sa ibang bansa." Pagtutuloy ni Papa.

Nangangalay na ko ditong nakikinig ha.

"Tsismoso ka na din pala ngayon Logan." Nagulat ako at andito na sa likod ko si Mama.

"Bakit kasi hindi ka umupo roon at nang hindi ka nahihirapan dyan, may pasilip silip ka pang nalalaman, dinaig mo pa yung mga fan girls mo nung high school ka e." Panenermon niya pa.

"Oh heto yung gatas mo, iaakyaatan sana kita kaso naabutan kita ditong nakikiusisa. Naku anak, masama iyang ganyan, baka lumaki bigla yang tenga mo dahil sa sumpa--"

"Ma, kaya mo bang ikwento ang pagsisimula ng negosyo niyo?"

"Aba oo naman. Pero dun ka sa Papa mo magpakwento dahil sya ang--"

"Kaya nga po ako nakikinig di ba. Sige na Ma, akyat na kayo, magpahinga na po kayo, salamat po sa gatas."

"Ahy hindi pa ko pwede matulog dahil nanonood pa ko ng Descendants of the Sun. Hihi. Ampo-pogi ng bida dun." Talagang kinilig pa si Mama ha.

"Naku Ma, isusumbong kita kay Papa at pinagpapalit mo siya ha. Para namang wala kayong anak na pogi. Tsk."

"Syempre iba pa rin ang kapogihan mo baby damulag namin. Good night na. Labyu!" Tsaka ako hinalikan at umalis nang kinikilig ang aking medyo maharot na Ina. Pero mahal na mahal ko yun.

"Kaya nga e, I feel sorry for her. Siguro alam naman na ni Logan yun. Nabanggit nga din ng Tita mo sakin noon na ang laki ng pinagbago sa itsura nya."

What?! Ano nang pinag-uusapan nila? Si Mama kasi e.

"Anyway, kila Kenji ka ba kumukuha ng liqours? Maganda ang quality ng wines nila." Are they pertaining to Kreme's father? Yung mukang perang yun.

"Hindi po e, may iba po akong kinuhang supplier." Good for him then. Pero tingin ko pinairal lang ni singkit ang pride niya.

"Sige po Tito, at medyo lumalalim na ang gabi, para makapagpahinga na din po kayo, pasensya na po talaga sa abala. Maraming salamat po." Narinig ko yung pag galaw ng upuan kaya malamang e tumayo na si singkit.

"No problem hijo. Just ask me if you need and want to know anything next time. We will expect your Mamita here tomorrow, alright? Ingat sa pagmamaneho." Tumayo na din si Papa tsaka hinatid palabas si singkit.

Ano kaya yung ibig sabihin nung sinabi ni Papa na, I feel sorry for her, at alam ko daw yun. Huh?

Naguluhan ako dun sa narinig ko dahil hindi ko alam yung naunang pinag uusapan nila bago sabihin yun ni Papa. Dumiretso na ako sa kwarto at nagpahinga.

Masyado na kong nastress ngayong araw. Inaantok na din ako dahil busog na busog ako.

Naglalakad sa aisle ng simbahan ang isang napaka-gandang babae. Alam kong maganda siya kahit hindi ko pa nakikita ang muka niya, lalo na at nakabelo siya.

Bagay na bagay sa kaniya ang puting gown na nagmuka siyang prinsesa at ngayo'y magiging reyna na.

Heaven.

At syempre alam kong gwapo ako sa suot kong amerikana ngayon.

Hindi ko alam pero ang saya saya ko. Siya lang ang nakapagparamdam neto sakin at sobrang saya ko sa araw na to.

Kaliwa't kanan ang pagkuha ng litrato sa kanya at sa akin.

Habang inaabangan ko siya, hindi ko maiwala ang malaking ngiti sa labi ko.

Ilang hakbang na lang at aabutin ko na ang kamay niya, walang naghatid sakanyang kapamilya niya pero alam ko na masaya siya kahit tumulo na rin ang luha niya.

Paakyat na siya sa altar at aabutin ko na sana ang kamay niya pero kinuha ng isang lalake sa likuran ko ang kamay niya.

"You're gorgeous Flaire." Sabi ng lalake sa kanya.

No. Fckshit. Bakit ganto? Akala ko ako yung ikakasal. Anong nangyayari?

"Logan! Dito ka umupo, ano pang hinihintay mo dyan? Dito ang pwesto ng best man." May nagtawag sakin na medyo matandang lalake pero hindi ko na ito namukaan.

Kahit yung lalakeng kasama ni Flaire, hindi malinaw ang itsura.

Gusto kong magwala. Bakit ako nandito? Best man ako? Sa kasal ni Flaire?! Wow! Masyadong imposibleng mangyari yun!

Jusko. Bakit ganto?! Tulong! Gusto kong tumakbo palabas rito pero hindi ko magawa.

Hindi ito maari! Hindi dapat to nangyayari! Hindi dapat matuloy ang kasal, ni hindi ko dapat to hinayaan mag-umpisa.

Akala ko talaga sa akin sya ikakasal, pero bakit ganto?! Pucha naman oh!

"Itigil ang kasal!" Sinigaw ko pero walang nakarinig. Napatayo na ko.

"Itigil sabi ang kasal! Ihinto nyo yan!" Pupuntahan ko sana yung pari pero hindi ako makagalaw. Napansin ko nakaupo pala ulit ako at mistulang naidikit na ang katawan ko sa upuan.

Nagpupumiglas ako pero hindi talaga ako makagalaw. Nahihirapan na ko huminga

"Itigil..."

Dumilat kagad ako nung naramdaman kong gising na ang diwa ko. Napaupo ako at tinignan ko agad ang paligid. Napahawak na lang ako sa ulo ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, hinihingal ako at medyo namamawis kahit sobrang lamig ng aircon.

What the fuck was that?!

Eto ata talaga napapala ng mga busog tapos matutulog agad e, biglang mababangungot.

Ang dami kong tanong tungkol dun sa nakita ko. Pakiramdam ko totoo yun. Parang nangyayari talaga.

Natatakot ako.

Bakit ganun? Bakit ako magiging best man sa kasal ni Flaire?! That's bullshit.

At sino yung lalakeng papakasalan niya? Yung nagpakilalang fiance niya dun sa interview nung umaga? Pero bakit best man ako? Ni isa sakanila hindi ko nga ka-close e. Si Flaire, oo dati... Pero sobrang tagal na nun.

That was a deadly nightmare.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon