Chapter V

43 3 0
                                    

Ericxon's P.O.V.

Nabibilisan ako sa paglipas ng araw. Next week magpe-periodic exam na. At wala pa rin akong natututunan.

Pero sa ngayon, abala lahat kasi may role play kami sa Filipino, tungkol sa kultura natin at ano na ang kalagayan nito ngayon, paano ito nakakaapekto sa mga kabataan, at marami pang arte.

Hindi ako kasama diyan, tulad ng inaasahan, ako yung tagahila ng kurtina -- tagabukas at tagasara. Pero iisa lang naman grade namin lahat. Ang saya di ba. Hayahay.

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon, Hahaha. Yan para maniwala kayo.

(A week ago)

"Sino gusto magvolunteer as main characters?" tanong ni Sam. Kakatapos lang ng klase namin, magfa-5:30 na. Nagmemeeting daw kami.

"Eto yung mga pagpipilian, Lima lang naman eh, tapos puro extra na lang. Una. Si Brosia, isang maldita na ambisyosa..."

May nagtaas ng kamay," Bagay yan kay Brey." nagsitawanan naman sila.

Ha. Ha. Ha. nakakatawa di ba. Nagstart na magsulat si Addisson sa board.

"Tapos, si Josemaria, pilyong 2014 version ni Rizal. . . Eric, gusto mo ba?"pagtutuloy ni Sam.

"Akala ko ba volunteer?" sagot ko.

"Wag nang madaming arte, sige na, para makauwi na tayo." sabi nila Kreme sakin.

"Ayoko nga, ang pangit kaya ni Rizal."

"Okay, si Eric na. Next, bisayang yaya, kaya mo na to Monica. . ." psh, parang tanga. Sabi volunteer. Tapos sila sila lang din pala masusunod. Nagpameeting pa sila. Di ba.

"Sunod naman. Si Maria Henesy, kailangan ng mahinhin."

Napatingin kaming lahat kay Flaire. Ano pa nga bang aasahan namin?

"Wag niyo na ituloy iniisip niyo, baka maging mime pa yung play natin." Sabay irap ni Lucy. Ang bitter niya.

"Guys, nagjojoke sya, tawa kayo plith." sabi ko. Ang corny ko. Tumawa naman sila.

"Babae ang gaganap dito, baka gusto mo Lucy?"

"Gusto niya yan, exposure. Nagpapasikat." singit ko. Tumawa ulit sila. Hahaha. Sabay din kayo.

Tinignan lang niya ko ng masama.

"Palibhasa bitter sakin. Hmpf."

"Kausap mo sarili mo?" pang aasar ko.

"Tse! Whatever." trying hard talaga kahit kelan.

"Lastly, si Carlo na Carla naman sa gabi. Any suggestion?"

Wala kasi kaming bakla na kaklase ehh.

Kaso. Wait. . .

Lahat sila nakatingin sa dulo, kay,

"Pare, dream come true na oh, oppurtunity mo na magpakatotoo." Biglang sabi ni Blue, sabay akbay.

"Mga ulol!" sabi niya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Lahat kami nagtawanan, hahaha, yan para maniwala ulit kayo, except dun sa dalawa.

Nanahimik lahat ng biglang may nagtaas ng kamay.

"Okay, settled na, si Flaire na ang gaganap as Carlo. Tapos na ang meeting. Bye!" at tumakbo paalis si Sam. Lagi na lang nagmamadali.

"Hay naku day, halika na at baka masayang pa ang beauty natin dito." saad ni Flaire.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon