Chapter XXI

15 2 0
                                    

LG's P.O.V.

"Why Logan?! Why are you so... Argh!" Halos mapasabunot na si Kreme sa sarili niya habang pabalik-balik sya sa paglalakad. Wala na namang imik si Sam at nakikinig lang.

"You know what? I don't understand you. WE, don't understand why did you let the deal be continued, akala talaga namin tututol ka. My God!" Pagtutuloy nya.

"Kreme, let's go. Wala tayong mapapala sa pakikipag-usap sa kanya." Hinila ni Sam si Kreme paalis at hindi naman ito umangal.

Pucha! Ano ba kasing sumagi sa isip ko dati at hindi ko sinabi sakanila na alam ko na.

Ah, oo nga pala. Nung nalaman ko yun akala ko naglihim talaga sila sakin, napakaclose-minded ko para makaligtaan na gusto nga pala nila na yung pamilya ko ang mismong magsabi sakin para hindi ako magalit.

At anong ginawa ko? Hinayaan ko lang silang magkasunduan para sa negosyo. Ang tanga tanga ko. Walang kwenta kagwapuhan ko. Jusko.

Yun din pala yung oras na sawang-sawa ako sa kaartehan ni Claire, at lagi kong kasama si Kreme. Umasa ba ako na magugustuhan nya ko? Eh halos pandirihan niya ko kasi sabay kami lumaki at alam niya mga kalokohan ko.

Ano bang problema ng sarili ko. Wala naman akong gusto kay Kreme. Oo maganda sya, magaling makisama, talented, mabait, sexy, maalalahanin, pero hindi ko siya gusto. Siguro medyo, pero hindi. Kay Sam na siya. Magandang makita pag ang saya-saya niya kahit may pagka abnormal sya.

Eh bakit hindi ko pinigilan yung kasunduan? Tangina ko. Si Flaire ang mahal ko, eversince, siya lang talaga. Sya nga lang ba? Pta. Hindi naman ako magagalit kay Eric kung hindi ko mahal si Flaire e. Ang dami kong ginawa para sakanya, kahit nung bata pa kami.

Iritang irita ko sa sarili ko. Napagdesisyunan ko na lang na sa condo magpalipas ng gabi.

Galit ako kay Eric, hindi ko malapitan si Flaire at ni hindi ko alam kung nandito na rin ba siya sa Pinas, galit naman sakin si Sam at Kreme dahil sa nalaman nila. Anong susunod? Kakampihan nila Blue at Lewis yung tatlo?

Kinabukasan pinatawag ulit ako ni Ate Xy sa opisina niya. Mukang alam na din nila ang kalagayan ng unggoy na yun. Serves him right.

"WHAT IS WRONG WITH YOU??! JESUS!" Salubong nya sakin. Welcome na welcome talaga ako dito ngayon.

Pinikit niya ng mariin ang mata niya at minentain ang pustura pagkaupong pagkaupo niya sa swivel chair. Bukod pagiging manager namin ay producer din si Ate Xy, intindi ko yung galit at stress niya.

"Sa lahat ng oras na pu-pwede mo siyang bugbugin bakit ngayon pa?!" Napahawak naman sya ngayon sa sintido nya.

"Uhh, no, mali. Hindi pala dapat siya mabugbog dahil isa syang malaking asset sa network natin. Halos sa lahat ng social media accounts siya ang pinag-uusapan. At ang tataas ng ratings ng palabas niya!"

Maybe you're wandering why Eric has projects kahit asa abroad siya. Well, pinagkakagastusan talaga yung mga palabas niya kasi dun ang shooting. Tss. Sabi nga ng fans niya, kung si Daniel Padilla daw e 'medyo bad boy', siya bad boy talaga, ewan ko ba bakit nagkakandarapa ang mga babae sa arroganteng lalake.

"Hindi mo man lang ba naisip na baka kasuhan ka Logan? Alam mong hindi papalampasin ng management ang ginawa mo kasi madedelay ang projects for weeks! Hindi lang araw, kundi linggo! O baka buwan pa ang abutin!!"

"Hey, Ma'am Xy, pinapunta mo lang ba ko rito para sermonan? If that's the case then maybe I better go--"

"Not yet, you need to see this." May inabot sya saking folder. Binasa ko yung laman neto sa loob. At napangiti ako sa nakita ko.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon