Chapter XXXVI

9 3 0
                                    

LG's P.O.V.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Mukang hindi niya inaasahan na gising pa rin ako hanggang ngayong oras. Tinignan niya lang ako saglit at nawala agad ang pagkabigla sa itsura niya.

Madaling araw na.

"Hindi ako makatulog." Sagot niya tsaka tumingala sa langit. Sa gantong oras napakaraming bituwin ang masisilayan, lalo na at hindi maulap.

Parang ang lapit lang ng mga ito. Parang kaya mo itong abutin.

"Gusto ko munang tumakas. Like what I've said, I need a break."

Tinabihan ko siya sa malaking batong inuupuan niya. Nakadagdag pa sa ganda ng tanawin iyong lugar na kinaroroonan namin ngayon, isang bangin na hindi kataasan at sa ibaba nito ay ilog, puro puno ang asa gilid ng ilog at di kalayuan ay mga street lights na.

Pero wala nang mas gaganda pa sa nilalang na katabi ko ngayon.

"You should rest..." pagkabigkas ko nun, katahimikan muli ang bumalot sa paligid. Malinaw ang tunog ng agos ng ilog at mga insekto sa paligid.

"Buti na lang pala madami akong kinuhang gamit. Sabi na e, may adventure na magaganap." Dugtong ko, para hindi niya isipin na nabobore ako ngayon.

Napangiti siya sa sinabi ko. She's really beyond beautiful. Too bad I'm a bit late to feel something different yet special for this Goddess-like being.

"Don't you want to ask me some things?"

"Tungkol saan naman?" I'm trying to change the topic. Bukod sa mga dapat kong itanong, kailangan ko din ng eksplenasyon kung bakit ganun ang naging usapan nila ng pinsan ko.

Minabuti kong pigilan ang bibig ko, nang makapag pahinga siya ng payapa.

"Stop denying. I know you're too curious right now."

"Ayoko lang mas ma-stress ka."

Pumulot ako ng isang bato at pinaglaruan ito.

"Let's get away from here. Away to universe that's not so close my dear..."

Nagsimula siyang kumanta, nakakatanggal pagod yung boses niya. Hindi ako pamilyar sa kantang to.

"I'm fine, Logan." Gusto kong ipatuloy yung kinakanta niya.

"I know you're not."

Napaismid sya.

"Funny how my career and bachelor's degree helped me a lot in dealing with life."

Hinintay ko lang siya magkwento para mahayaang mailabas niya ang saloobin.

"Alam mo kung gaano ko kamahal at hilig ang pagpe-perform di ba?"

Lumingon siya sakin. I nodded. Naalala ko pa kung pano siya magpuyat para lang sa pagmememorize ng steps, at maperfect ang forte niya, ganun din sa genre ng boses niya.

"Hindi ko alam kung kelan, natauhan na lang ako bigla na... na hindi ko na maramdaman yung saya."

Gusto ko siyang yakapin.

"Puro sakit na lang. I managed to compose myself everytime, natutunan kong itago yung totoong nararamdaman ko..."

That's our work, express naturally what your character feels. Forget who you really are for a while. Pero sa kaso ni Kreme, sa sangkatutak ba naman na proyekto, puro pag papanggap na lang ang ginagawa niya.

"After all, nakaya ko yun... kasi may taong laging sumusuporta sakin, more than how my Mom does. Lagi siyang andyan, walang ibang ginawa kundi iparamdam na mahalaga ako at hindi lang ako pinagkakakitaan ni Dad."

Hindi ko din alam kung bakit ganun si Tito Kenji sa kanya.

"He did his best to be more than enough on Dad's standards. Kilala mo naman yun e. He literally did everything for me..."

Siguro pang dalawampung buntong hininga na ang pinakawalan ngayon ni Kreme. Malungkot na ngiti ang pinakita niya.

"I'm thankful. Sobra. But then, alam ko na dapat masuklian ko lahat ng kabaitan na nagawa niya sakin. Binalik ko sa kanya yung atensyon na kailangan niya sa akin... hindi naging sapat yun, alam ko."

Nakatitig pa rin ako sa kanya, hindi iniinda ang pangangalay. Bahala na kung ma-stiff neck ako.

"Siya ang naging bestfriend ko. At hindi lang ganun ang turing niya sakin. Higit pa dun. Akala ko, okay kami. Hindi pala talaga magtatagal kung magkaiba kayo ng paningin sa isa't isa. Dadating yung oras na hihilingin ng isa na higitan yung label ng relasyon."

"Kaya mo ba sinabing, alam mo na yung pakiramdam na ma-take for granted at naiintindihan mo si Sam sa pagpapakabusy nya... kasi hindi mo masuklian yung pagtingin niya para sayo?"

Lumingon muli siya sakin. Lumipas ang ilang segundo at nakipagtitigan na rin siya.

"Oo. Nakaka-frustrate ang love. Magmamahal ka, pero may mahal na iba yung mahal mo. At kung mahal niyo naman ang isa't isa, madaming pipigil... magkaka-problema kayo ng sandamakmak."

Hinawi niya yung buhok niyang nakaharang sa kanyang muka tsaka ito inilagay sa likuran ng tenga. I know this move.

Hindi ko na lang yun pinansin kasi nahumaling na naman ako sa ganda niya. Bakit ba ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang muka netong abnormal na to? Sobrang perpekto.

"You've been so desperate over Flaire, not minding other's feedback to your gender... while Eric chose to be selfish for her. Sam chase me. And I..."

Napa-iwas na siya ng tingin. Kinagat niya yung ibabang labi niya.

Kreme wag ganyan, please. Solong solo kita ngayon, wag kang magpacute.

"And I was secretly inlove with you..."

Hindi ko sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Pero wala na kong pake. Hindi niya na mababawi yun. She's inlove with me! She loves me back. Jesus! Ang swerte ko. Thank you Lord! Grabe talaga. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at naramdaman ko ulit yung parang natatae na ewan na nangingiliti sa loob ng tyan ko.

Sht. Pta. Jusko. Fck. Mahihimatay ata ako sa sobrang saya. HAHAHA. Ang saya ko lang masyado. Siguro pulang pula na ko ngayon. Hindi naman halata dahil madilim at tanging liwanag galing sa langit ang nagsisilbing ilaw.

"Even when Lewis and I are still together. Sinagot ko siya para kahit papano maiwasan kong mas mahulog sayo. Pero kahit ganun, hindi talaga napipigilan ang totoong nararamdaman."

She loves me, matagal na pala. Bakit hindi ko napansin yun? Sa bagay feelings ko nga na-late kong naintindihan, kanya pa kaya. Hahaha. Nababaliw na ata ako, hindi na ata mapapantayan ang saya ko ngayon.

"Eh bakit mo pa kami sinuportahan? Ikaw pa nga nagsabi sakin ng mga bagay na pampakilig na pwede kong gawin para sa kanya."

"I just want you both to be happy. Masarap sa pakiramdam makitang masaya ang dalawang pinaka importanteng tao sayo sa tuwing makikita mo silang nakangiti. Yung totoong ngiti."

"Ang tagal na nun Kreme."

"Kaya nga. Sobrang tagal na, pero ganun pa rin yung sakit."

Nilapit ko ang sarili ko sa kanya at tsaka siya niyakap ng sobrang higpit. Unti-unti din siyang yumakap pabalik. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Nasasaktan ako para kay Kreme, pero sobrang saya ko sa nalaman ko, at ngayon yakap yakap ko na ang mundo ko.

Sa wakas, naabot ko din siya.

"I love you."

Nadulas ako sa pagbigkas. Pero hindi ko yun babawiin. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya to.

Ang gaan sa pakiramdam. Eto ata yung cloud nine na sinasabi nila.

"From now on, let's face our paths together. Okay?"

Mahigpit pa rin ang yakap namin sa isa't isa. Parang bigla namang nabasa ang dibdiban ko. Umiiyak na naman siya at sana hindi na dahil sa mga problema ang iyak niya.

Mula ngayon iiyak ka lang dahil sa saya.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon