Chapter L

13 1 0
                                    

Logan's P.O.V.

Inilagay ko yung bulaklak na binili ko sa puntod niya, tsaka nagsindi ng kandila at itinirik ito. Pang-ilang araw ko na ring balik to.

Hindi ko matanggap na, hindi ko man lang naiparamdam sa kanya yung pagmamahal ko.

Nakarinig ako ng yapak papalapit mula sa likuran ko, pinunasan ko agad ang mga luhang kanina pa walang tigil sa pagbagsak.

Kinalma ko ang aking sarili at huminga ng malalim.

"Son, just let go..."

Hindi ko din natiis na hindi umiyak muli.

"I-- I can't D-dad."

Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang iyon ay hindi na muling nagsalita si Dad, oo, ganun na ang tawag ko na sa kanya.

Nakatulala lang kami habang pinagmamasdan ang puntod niya. Hinahangin ng kaonti ang apoy ng kandila. Rinig din ang kaluskos ng mga tuyong dahon dito sa sementeryo.

"We'll always be here for you, hijo." Tsaka niya ko tinapik sa balikat at umalis na din, siguro ay may mahalagang meeting na dadaluhan.

Masakit masyado para sa akin to.

Kung hindi lang dahil kay Kaltnix siguro sumunod na din ako...

Takipsilim na nang napagdesisyunan kong umuwi. Walang gana akong nagmamaneho.

Walang gana pero maingat, ayoko nang maulit yung aksidente dati.

Let's get away from here, away to universe that's not so close my dear...

May tumatawag, ginawa kong ringing tone yung paborito kong kanta, na narinig ko lang sa kanya.

"Bro, ano na? Kanina ka pa namin tinatawagan. Ikaw na lang kulang. Kailangan na talaga nating magpractice."

Si Asul. Nakaligtaan ko na naman yung rehearsal.

"Papunta na ko dyan. Sa bahay tayo nila Sam di ba?"

"Oo bro! Bilisan mo na, madaming pagkain dito!"

Same old trick. Pag yan kasi ang sinasabi nila sakin noon, mabilis agad akong dumidiretso kung saan kami magpa-practice.

"Sige." Pinatay ko na ang tawag at nag-iba ng ruta ng daan, tungo sa subdivision ng pinsan ko.

Kailangan umaliwalas kahit papano yung mukha ko. Matagal ko na ding hindi nagagawang umarte, pero kahit ganun lang kaikli yung panahon na yun ang propesyon ko, hindi pa rin ito bago sa sistema ko.

Napalingon ako sa isang malaking bahay, pamilyar na pamilyar pa rin ang mga pangyayari noon, walang pinagbago ang mansion. Dinaanan ko lang ito ng mabagal, sandali, gusto kong bumaba at pumasok doon, kaso wag na lang.

Iiyak lang ulit ako.

Bumusina ako sa guard nang nakarating na ko sa tapat ng bahay ng pinsan ko. Pinapasok naman agad ako.

Maingay kahit asa garahe palang ako, sa likod ata sila nagset-up.

Naabutan ko silang nag-umpisa nang mag-practice.

Mukhang gusto ulit nilang masubukang mag-rotation.

May kulang talaga. Anim dapat kami. Walang bungangerang maldita.

"Oh! Andyan na pala siya! Bilisan mo bro, halika na." Bungad ni Lewis.

Nginitian ko sila tsaka dumiretso sa pwesto ko.

"LG, eto yung ibang kanta na posibleng ipakanta satin bukas. Naayos na ni Sam yung pagkakasunod-sunod niyan. Sabihin mo lang kung may ayaw ka." Sabi naman ni Asul.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon