Chapter I

81 3 0
                                    

LG's P.O.V.

"Hoy!"

Nabigla ako ng may tumawag sakin. Yung tsonggo lang pala.

"Masama pakiramdam mo? Kanina ka pa lutang eh." sabi ni Eric.

"Napansin ko rin, puro Oo at Hindi lang lagi sagot mo, o kaya tatango ka minsan, tas tatahimik na ulit. Ano? Shot na ba?" si Sam. Kakastart lang ng school year, magaaya agad. Naturingan pa man ding President. Tsk, tsk.

Umiling na lang ako.

"Oh, tulad ngayon, hindi mo na naman kami kakausapin." si unggoy.

"Tara, Lol na lang tayo. May dayo eh." yung singkit.

"Oo nga, tapos naman na sila maglinis, 5 palang oh, maya ka na umuwi."

"Hindi pwede. Sige, mauna na ko." tumayo ako at umuwi na. Malapit lang bahay namin kaya pwedeng lakarin.

"Parang babae, ang moody." narinig kong sabi nung pangit na Erik na yun.

Hindi na ko dumaan sa locker ko kasi tinatamad na ko.

Pero naisip ko, ano nga ba talagang problema ko? Nagsimula to nung...

"Please introduce yourself." sabi ni Ms. Soriano dun sa transferee. Medyo maliit sya. Kahit sa likod ako nakaupo kitang kita ko yung itsura nya, napakaamo. Mabilog na mata, matangos na ilong, medyo namumulang pisngi at labi, makinis, maikling buhok, sobrang ikli, at, panlalake yung suot niyang uniform.

"Uhmm, Flaire, I repeat, kindly introduce yourself to your classmates."

Hindi ko mabasa yung expression niya. Poker face eh. Nakatingin lang siya samin. Nililibot nya yung mata nya sa klase. Hanggang sa nagkatitigan kami.

"Ma'am, pipi po ba sya?" sabi nung isang kaklase ko, at bigla silang nagtawanan.

"Students, settle down. Maybe nahihiya lang siya. Galing siya sa isang institution abroad, 14 years old. Yun lang ang alam ko about sa kanya. Anyway, Flaire, please be seated. May vacant na upuan pa naman sa bandang dulo, okay lang ba sayo dun?" hindi ko alam kung bakit ganyan trato ni Ma'am sa kanya, ewan kung mabait talaga siya o nagbabait baitan lang dun sa new student. Iba yung treatment niya compared sa ibang estudyante.

14, ang bata para sa isang fourth year.

Tumango lang siya at umupo sa kabilang dulo ng row namin. Pagkaupo niya, bigla ulit siyang napatingin sakin, tapos binaling na ulit kay Ma'am yung atensyon niya.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Sh*t. Muntik na kong madapa. Hindi ko namalayan yung humps sa daanan. Malapit na pala ako samin.

Naaabutan ko si Nay Loreng na nage-fb. Nagmano ako.

"Oh, buti maaga ka ngayon, tawagin mo nga yang kapatid mo. Asa kwarto siya. Kanina pa hindi bumababa eh. Sabihin mo magluto na."

"Sige po."

Pagkatapos ko magpalit ng pambahay, pinuntahan ko si Leo.

"Hoy, magluto ka na daw"

"Ikaw magsaing." sagot niya habang nakatutok sa laptop niya. Naglalaro na naman to ng Dragon City.

"Oo na. Labas na."

"Saglit lang. Nagbebreed pa ko."

"Leo, isa."

"Logan, dalawa." Aba't...

"Gusto mo sabihin ko kay Nanay na wala naman talaga kayong babayaran na aklat na recquirement sa Research I nyo?"

Bigla siyang napatingin sakin.

"Hmm, ano kayang magiging reaksyon niya noh. Malalaman ni Nanay na yung magaling niyang anak eh kumupit ng 1,000 sa first day of school."

"Tss."

"Siguro hindi ka na niya bibigyan ng baon hanggang sa susunod na buwan, magkakacurfew ulit tuwing 5, at hindi makakagamit ng gadget. Ang saya siguro nun, noh Leo." nakangisi kong sabi. Hindi siguro halata na inaasar ko sya noh.

"Oo na, bababa na. Psh. Palibhasa bakla. Tamad." padabog nyang sinabi palabas ng kwarto. At siniko pa ko sa tyan bago umalis.

Gago yun ah.

"Hindi ako bakla. Ulol! Di mo lang tanggap na mas gwapo ako kesa sayo.."

"Bahala ka na nga jan." sabi nya.

Pagkatapos namin maghapunan. Nagshower na ko tapos nagbasa ng libro. Oo, bihira na yung gwapong tulad ko na mahilig magbasa.

"Logan, turuan mo nga ko sa geometry.."

Wala talagang galang tong mokong na to.

"Uso kumatok. Uso din magsabi ng Kuya."

"Dami mong arte. Bakla. Turuan mo na lang ako."

Lumapit sya sa study table ko. May magagawa pa ba ko? Baka ako naman yung iblackmail neto pag di ko pa tinuruan eh.

"Eto yung formula, substitution lang naman gagawin mo eh, tapos iderive mo lang pag iba na yung hahanapin, tapos.."

"Nakakabobo. Tama na nga. Wala akong naiintindihan eh."

"Magtiis ka kung gusto mo matuto, ganto yan..."

"Kuya..."

Napatingin ako sa kanya.

"Wala ka bang gustong sabihin??"

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Matalino naman talaga kasi si Leo. Kunwari lang yan na magpapaturo pero ang totoo, gusto lang ako makausap.

"Napansin rin ni Nanay, ang tahimik mo."

"Sa lagay na to tahimik pa ba ko?"

Tinignan niya lang ako.

"Naguguluhan kasi ako sa sarili ko." panimula ko.

"Sabi na nga ba eh. Congratz! Buti naisapan mong umamin na bakla ka."

"Gago, hindi ako bakla."

"Eh bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagkakasyota?"

ang pangit pakinggan ng syota.

"Porket walang girlfriend bakla na?"

"Naunahan pa kita eh."

"Bakit? Sinagot ka na ba ni Lucy?"

Hindi siya sumagot. Kulang na lang iligpit ko tong mga aklat at notebook tapos maglatag ng pulutan at SML sa mesa ko eh.

"Tulad mo, naghihintay din ako."

"Wala ka kayang nililigawan. Ang sabihin mo, di ka lang makaamin kay kuya Erik."

"Eh kung patapusin mo kaya ko bago kita mabugbog jan." nanahimik na lang siya.

"May bago kaming kaklase, maganda siya, ang cute cute niya, tahimik, halatang mahinhin."

"Oh? Tapos tinanong mo kung, naniniwala ba siya sa love at first sight?"

Napaismid na lang ako.

"Tapos, habang tinititigan sya, napagtanto ko na siya yung matagal ko nang hinhintay."

"Alam ko na lalake yung bagong kaklase nyo, tss. Bakla talaga. Kung umamin na lang, eh di tapos." sabi niya na lang at umalis.

F*ck.

Bakla ba talaga ko?

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon