Chapter XXVIII

8 2 0
                                    

LG's P.O.V.

Itinago ko yung larawan sa bulsa ko at mabilis na umakyat sa kwarto.

Pumunta kagad ako sa indoor closet tsaka kinalkal yung cabinet na pinaglalagyan ko ng mga importanteng papeles.

Hinahanap ko yung birth certificate ko.

Sa pagkakatanda ko, nasa isang plastic envelope yun kasama ang mga diploma ko.

Kalkal ako ng kalkal pero hindi ko mahanap. Natataranta ako. Nanginginig yung mga kamay ko habang naghahanap.

Hindi ko naman pwedeng pagtanungan sina Mama kung asan yun dahil magtataka sila.

Nang makita ko yung plastic na envelope agad ko itong hinila palabas. Kinakabahan ako.

Bakit ba sunod sunod na eksena sa buhay ko ang pagiging kabado ko.

Ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko, umaangat-baba pa ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba ko. Uminit din ang ulo ko samantalang nararamdaman kong nanlalamig ang katawan ko.

Hinanap ko yung birth certificate ko pero wala. NSO man o yung nakukuha sa munisipyo ng lugar ng kapakanakan ko.

Wala. Wala dito. San napunta yun?

Mabilis akong nagbihis ng pang alis,kinuha ko din yung litrato at bumaba na.

"May pupuntahan lang ako Ma." Hindi ko pinahalata na nagmamadali ako habang nagpapaalam kay Mama na tinitignan ang mga photo album namin.

"Oh, bakit pawisan ka anak? Malamig pa yang pawis mo--"

"Wala to Ma, nahirapan lang ako sa pagpili ng isusuot." Ngumiti ako.

"Sige, ingat anak. Mukang may date ka ah, ipakilala mo sya kagad sa amin baby damulag." Humalik ako sa pisngi nila tsaka umalis.

Hindi dapat ako ang kukuha ng birth certificate ko dahil pagkakaguluhan ako dun at magiging issue pa, kaya nag isip ako kung sinong pwedeng tumulong sa akin.

Hindi pwede si Mang Kanor, malamang maiku-kwento nya to kila Papa o Liam. Eh kung kunin ko yung akin kay Ate Xy? Mali, hindi din pwede, sa dami ba naman ng papeles sa opisina nun.

Tama.

Naisip ko na kay Aria na lang na P.A. namin. Habang nagda-drive tinawagan ko sya. Nakailang ring pa bago niya ito nasagot.

"Hello Aria, asan ka ngayon? I need your help."

"Ahy Logan! Wrong timing ka, asa set ako ngayon kasama si Kreme."

Tss.

"Hanggang anong oras ba yan? Tsaka saan kayo nagte-taping?"

"Mukang hanggang gabi pa kami e, asa Riley's resort pa naman kami ngayon. Pasensya na talaga. Importante ba yan?"

"Magpaalam ka muna kay Kreme, sigurado namang papayag yan e. Susunduin kita diyan." Yun na lang nasabi ko tsaka pinatay ang tawag.

Kahit ano talagang pagmamadali mo wala kang maasahan sa Manila. Puro traffic lang. Mabuti at medyo maluwag ang daan papunta sa Riley's resort.

Pagdating ko dun agad kong tinawagan si Aria. Napansin ko din ang medyo kumpulan ng tao dahil sa taping.

"He--"

"Andito ako sa parking lot. Pakibilisan Aria. Please."

Ilang sandali pa ay lumabas na doon sa set si Aria at nakita kong may kausap at parang nag-sosorry sya. Nagmadali naman syang hanapin ang kotse ko at tsaka sumakay.

"Pasensya na talaga at emergency to Aria."

Pinaandar ko kagad ng mabilis ang sasakyan. Tumingin ako sa oras, 2:58 p.m. punyetang traffic.

"Teka naman Logan, dahan dahan. Di mo naman ako in-inform na papatayin mo na pala ako sa nerbyos dahil sa pagmamaneho mo."

"Sorry, nagmamadali lang talaga."

Sa totoo lang hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung kaba at panginginig ng katawan. Ilang beses ko pinakalma ang sarili ko pero wala talaga.

"Ano bang ipapagawa mo?"

"Papakuha ko sayo yung NSO ko. Tsaka ko na iku-kwento kung bakit."

Siguro ay naweweirduhan si Aria sa ipapagawa ko dahil sa pag-alma.

"Pwede naman tayong humiram ng kopya sa HR kung gusto mo."

Tutal mas malapit sa amin ang network building, mas convenient nga iyon. Doon kami nagtungo.

"Ingat Aria ha. Tawagan mo ko pag nagkaproblema. Salamat." tumango sya at mabilis na bumaba. Nakita nya rin siguro ang oras kaya nagmadali rin siya.

Nanginginig pa rin ako.

Sa sobrang pagkataranta ko ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko ilang oras akong hindi nakahinga ng maayos.

Ano ba tong pinaggagawa ko? Bakit ko iniisip to? Inilabas ko sa bulsa ko yung litrato. Minumukaan ko pa rin yung itsura nung bata at inaalala kung saan ko sya nakita.

Hindi naman umabot ng oras ay nakita ko na si Aria na pabalik sa sasakyan ko.

"Salamat Aria." Tinignan ko ang NSO ko at nakita ko ang pangalan nila Mama at Papa.

"Oh, tulad ng usapan, iku-kwento mo kung bakit mo ko kinuha sa set para diyan, plus, dapat may meryenda ako." Sabi ni Aria.

"Haha, oo naman." Ngumiti ako sa kanya.

"May problema ba Logan? Alam mo miss na miss ka na ng mga tao, pati nga yung mga asa set kanina e namimiss ka kahit isang beses ka palang nilang nakatrabaho, lalo na si Ma'am Xy at Ma'am Kreme."

Napangiti pa ko lalo nang nabanggit nya ang pangalan ni Kreme.

"Kwento na Logan." Matagal ko na din katrabaho si Aria kaya hindi na kami nagkakahiyaan.

"May kailangan lang akong ikumpirma kaya ko to pinakuha."

"Ano naman yun? Weight mo nung pinanganak ka? Jusme Logan, wag mo sabihing iniisip mo pa na ampon ka e ang tanda tanda mo na. Ngayon ka pa ba magdududa. Sa gwapo at ganda ng parents mo."

Oo nga naman. Ngayon pa ba ako magdududa? Tama si Aria. Siguro ang OA ko lang talaga. At masyado akong nagpapadala sa emosyon ko ngayon.

"Mukang stressed out ka a, kahit naman puyat ka sa shoot e hindi ka nagkaka-eyebags. Ngayon lang. Ano ba nangyari?"

Sinilip ko ulit yung litratong nakita ko kanina.

"Kaibigan mo din ako Logan." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya tapos tinignan nya yung hawak kong litrato tsaka ito kinuha.

"Eto ba yung rason?"

Tumango ako. Bumuntong hininga naman sya at tinignan mabuti ang larawan.

"Pasensya na talaga sa abala ha."

Hindi sya umimik at mas nilapit sa muka nya para matitigan mabuti ang muka ng asa larawan.

"Parang si ano to ah..."

"Sino?"

"Yung bagong artista. Yung anak ni... tsk, ano na nga bang pangalan nun. Anak to ng politika e... wait alalahanin ko."

Hinintay ko lang syang makaalala kahit kating kati ang mga tenga ko na marinig at malaman kung sino yung babanggitin niyang pangalan.

"Birthday mo to di ba?" Tinuro niya yung date sa larawan.

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita.

Binaliktad nya naman yung larawan at binasa ang nakasulat.

"Sabi na eh! Tama hinala ko!" Tsaka nya pinakita sakin at tinuro yung mas matandang bata.

"Si Vander to. Eto yung bagong sikat sa kabilang network. Yung moreno na sobrang pogi."

"Pano mo nalaman?"

"May pangalan sa likod, tignan mo."

Kinuha ko yung picture at tinignan yung likod nito.

Logan's 1st b-day with Kuya Vander

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon