Chapter XVI

12 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Kumpleto kaming mga myembro ng banda ngayon, get together nga daw sabi ni unggoy na Eric. Hindi na siguro nakakita ng gwapo, samantalang ako, titingin lang sa salamin para makakita nun. Hayy.

Napagkasunduan namin to, muka kasing madalang na kaming magkakasama dahil sa probinsya magkokolehiyo sina Blue at Lewis. Kami naman nina Kreme at Sam dito sa Manila.

Si Eric kukunin daw ng ate niya abroad. Kaya siya yung nagse-set ng bonding namin. At eto kami, nakababad sa pool dahil sa sobrang init. Makulimlim pero mainit pa rin.

Ngayon e, nasa bahay naman kami nina Sam, asa iisang village lang ang bahay nila ni Kreme, ako naman sa condo na pinahiram sakin ni Liam tumutuloy.

Kaluluwas lang nung tatlo kahapon, at dito kami tutuloy ng isang linggo. Except Kreme, ngayon lang siya pwede.

Namimiss ko na sina Nay Loreng kahit nakakaskype ko sila paminsan. Naging busy din ako simula nung naging public figure din ako hindi pa ko nakakabalik sa probinsya namin, expected na sisikat ako kasi nga gwapo ako. At medyo, mataba este macho pala. Tama, macho na ko. Kaya dagdag pogi points yun.

"Yup, we've already met. She's really different from the Flairey fairy that we love. Kung ibang-iba na siya nung kababalik niya nung high school tayo, mas lalo siyang nag iba ngayon." Malungkot na kwento ni Kreme nang tinanong ko sya, habang nakaupo sya sa hagdan ng pool, umiinom na naman sya.

"Ano bang nangyari sa pagkikita nyo? Buti at naikwento niyo na yung tungkol dyan, kundi talagang iisipin namin na bakla tong si LG." Sabi naman ni Eric unggoy.

"Kaya nga, OP pala kaming tatlo nina Angelo-- este Lewis at tong lokong manyak na si Eric." Tss, hindi talaga makontrol ni Blue yung bibig niya. Kita na ngang stressed si Kreme.

Tahimik naman si Sam habang lumalamon ng pizza na pinadeliver nya kanina. Pano niya kaya namementain yang abs nya e daig pa ang taong hindi nakakain ng ilang araw sa katakawan neto. Parang perpekto na yung pagkakahubog ng katawan niya e.

Nahh, wag niyong isipin na bakla ako, insecure lang ako sa abs nya. Yun lang yun. Walang ibang ibig sabihin nung pagbanggit ko sa abs nya.

"I actually don't get it. Sam said she called and said she wanted to meet up. I pleased Sam not to come, and just let us catch up with each other. Pero nung pinuntahan ko siya, agad niya kong sinampal. She said I'm a traitor and such, maybe because of that picture uploaded before." Page-explain ni Kreme sa nangyari.

Nagulat ako sa sinabi niya. That can't be true, sobrang bait ni Flaire, noon, pero kahit naman wala siyang kabuhay-buhay ngayon e mukang hindi niya pa rin iyon magagawa.

Napansin ko na nag-iwas naman ng tingin si Sam. Weird. At nag-iba ng expression si Lewis.

"Hindi ko ma-imagine." Sabi ni Blue.

"Siguro pagkatapos ng roleplay natin nung filipino, hindi na ulit siya nagsalita, at sumunod na lang nung graduation speech naman, sobrang tipid ng sinabi nya." Pagtutuloy niya.

Tama, hindi din siya dumalo nung J.S. Prom namin na ipinanlumo ko masyado. Kahit nga teachers minsan ay napapahiya niya na dahil sa sobrang tahimik niya.

Napailing naman si Eric. Mas weirdo naman etong unggoy. Problema neto?

"Hindi ba, sinusundan sundan ka niya LG?" Nakakunot-noong tanong ni Sam.

Ang seryoso ng usapan namin ngayon. Dati puro kalokohan lang. Nagsisimula na din ata silang magmature.

"Sinusundan?" Stalker ba tong singkit na to?

"Nakita ko kasi siya minsan na pinupuntahan ka sa set ninyo sa penshoppe, tapos hinihintay ka lagi, may dala pang pagkain." Hindi ko alam na andun si singkit sa shoot namin ni Kreme. Balak niyang maging photographer? Bakit kaya napadpad yun dun.

Nanliit naman bigla yung mata ni Eric. Hmm.

"Ahh, oo, pero dalawa o tatlong beses lang nangyari iyon." Tuloy niya.

Napabuntong hininga yung unggoy. Kapansin pansin yung mga reaksyon niya. Mukang nahahalata din ito ni Kreme. Patay malisya lang si Blue. At si Lewis, sinusulit ang oras na nakasama nya ulit si Kreme sa paninitig dito.

"Nakita ko din yung bilboard niya kasunod ng sa inyo LG. Nung asa byahe kami kahapon. Medyo mahaba na din pala yung buhok niya." Sabi ni Lewis na nakatingin pa rin kay Kreme.

Nanlaki naman ngayon ang mata ni Eric. Bakit mas mukang apektado to kesa sakin.

Nakuha ni Kreme ang atensyon ko at may agaran siyang sinenyas. Tinignan niya lang ng mabilisan si unggoy at binalik nya kagad sakin yung tingin nya, tsaka sya nag iwas ng tingin.

Napansin naman ata yun ni Sam kaya tumango na lang siya ng kaunti. Nakikiramdam din ata.

Biglang umahon si Eric sa pool. "Kuha lang ako ng alak bro, may San Mig ba?" Tanong niya kay Sam.

"Oo, dala ka na din dito ng chichirya ha, yan lang pwedeng pulutan ngayon."

Tumango lamang siya sa utos ni Sam. At tsaka dumiretso sa kusina sa mansion.

"What the hell is going on with that monkey?"medyo pasigaw na bulong ni Kreme. Halatang iritado.

"Hey, Blue, ano bang nangyari dun at affected siya sa mga kwentuhan natin about kay Flaire? Kayo kayo magkakasama sa probinsya e."

Pinapakinggan ko lang silang magtanungan.

"Aba malay ko dun! Siya tanungin niyo ng diretso hindi yung pinag-uusapan nyo sya sa likod nya."

"Are they secretly seeing each other? Lewis answer me."

Nagulat naman si Lewis sa tanong ni Kreme sa kanya, mukang eto kasi ata ang unang una nilang pag uusap ulit, nga lang kasama kami, at gantong topic pa.

"Wala kaming alam, basta minsan pag niyayaya namin siyang gumala, sasabihin niyang busy sya, alam nyo naman yun, bukod sa andaming bisyo, busy rin sa pagpapaganda ng image nya."

Image? What? Yung unggoy na yun? May inaalagaang pangalan? Tf.

"What? Logan? Just because you're now a public figure doesn't mean you shouldn't be updated about your friends." Nangangaral na naman si Kreme. Mukang siya yung unang nakabasa sa expression ko.

Updated naman ako a. Ano ba tong pinagsasabi nila?

"Don't tell us you don't know that he also signed a contract on your network." si Sam.

Nanlaki talaga yung mata ko sa narinig ko. Buti nga hindi na ko napanganga sa reaksyon ko e. Is this real? Bakit di nya kwinento sakin. I thought he's my best bud.

"Logan, remember the movie that Mom declined because of my hectic sched? You also declined it because our class will start really soon." Ani Kreme.

Wala pa rin akong masabi kahit ang dami kong gustong itanong dahil sa nalaman ko.

Eric, may talent naman talaga sya e. Pero hindi ko naisip na ganto. Parang ang hirap tanggapin. Kahit naman magkaibigan kami, sigurado akong magkakaron ng kumpetisyon sa amin. Sana nga lang hindi ganun ang isipin niya. E ako? Bakit ganto yung iniisip ko. Parang luging lugi ako sa nalaman ko.

"Ahhh, oo, napanood ko na yung trailer nun sa fb, pinapatalastas na din yun e, ano na nga bang title nun?"

Naalala ko na yung movie na yun sa sinabi ni Blue pero hindi ko pa napapanood yung trailer.

"It was supposed to be you, Logan, to have the main role. Si Direk Cathy ang pumili sayo, naaalala mo na? Eric got the role. He agreed because he has time. They started shooting a week after our graduation. And he has 5 months for that project, while we only have two. Howcome you didn't know?"

Bakit nga ba hindi nabanggit sakin ni Eric to?

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon